VIOLET'S POV
Okay, my first entry of WATTPAD story ...
Ang kuwentong ito ay isang eksperimento.
Kuwento ito ni Max at ang kanyang isang linggo pag-ibig kay Ms. Popular, ang Campus Crush ng kanilang school.
BABALA:
Lahat ay pawang prediction lang ni Ms. Author.
Bagamat maraming Max sa mundo, ito ay pulos kathang –isip lamang.
Ang pagkakapareho ng mga mga tauhan at mga sitwasyon ay maaaring nagkataon lamang.
Ako na lang ang nakakaalam na ito ay prediction ko kay Max at sa kanyang hindi matatawarang one-sided love, sa kanyang pinakatatanging crush na si Maegan.
CHARACTERS:
CHOI MINHO - MAX
YOONA- MAEGAN
CHOI SULLI- LARA
CHANYEOL- HARRY
JANG GEUNSUK- OREO
(Itinago ko ang pangalan ni Maegan sa pangalang Carla. Ako naman si Lara. Si Max as in Max pa rin. At si Oreo, kunwari may bf si Maegan. Indigo , si Harry.)
LUNES
♪Lunes, Nang tayo'y magkakilala♪
LARA'S POV
Matagal nang magkakilala si Max at Carla. First year pa lang kami. Batam-bata pa lang kami noon ng makilala siya ni Max ng bastusin si Carla ng mga Fourth year students. Palibhasa ay feeling hero itong si Max, nakipagsuntukan sa mga binatilyo. Nakakaawa ang kanyang mukha.
Kaya simula noon ay tinagurian ng Campus Crush si Carla at hindi malabong hindi magkagusto ang matalik kong kaibigan sa kanya. Masuwerte siya. Madaming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya at suwerte mo lang kung talagang pauukulan ka ni Carla ng panahon para kausapin.
Ngunit dahil sa pakiusap ko, alam ko, napapayag ko si Carla na sagutin si Max. Alam ko namang hindi naman talaga niya balak sagutin si Best. Mapilit lang ako sa kanya. Nakipagkasundo ako sa kanya upang tigilan na rin ni Max ang kanyang ilusyon sa babae.
"Wooohoooo! "Dinig namin sa loob ng kantin ang malakas na sigaw ni Max. Hindi matatawaran ang kasiyahan ni Max ng araw na iyon. Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Lahat ng estudyante ay napalingon. Nag-usisa kung anong kabaliwan ang nangyayari sa aking kaibigan.
Lumabas ako ng kantin at lumayo sa lugar na iyon.
Why does it hurts a little?
That little means a lot to me...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
