LIKE VIOLET

18 0 0
                                    

MELANIE'S POV



I used to be like Violet when I was young. Bago ako naging Editor ng LoveBook Publishing ay nagsimula rin ako sa pagiging teacher, hehehe. Totoo, teacher din ako tulad ni Violet. Mahilig din ako magbasa at ako ang tinagurinag "babaylan ng Love Romance". Para akong ermitanyo sa aking mga prediksyon. Ako lang ang nakakadiskubre na tila ba isang buhay na salita ang isinusulat ko sa mga kuwento ko...



"Violet, magpahinga ka muna..."


"Po..."


"What I mean is..Go on a vacation and breath some fresh air."


"Ma'am, sinisisante na po ba ninyo ako?"


"No, I said go on an vacation..."


"Eh , Ma'am, inaamin ko naman po ang mga palpak ko eh. Bigyan pa po ninyo ako ng isa pang pagkakataon."


"I am giving you a chance to be back to your real self, Violet. We are all humans. Napapagod din tayo. Minsan, kaya hindi tayo nakakapag-isip ng tama ay dahil pagod lang tayo." Napabuntunghininga si Violet at sumandal ako sa aking malambot na upuan." Ang buhay mo ay hindi tulad ng mga isinusulat mo. Hindi puwedeng magkatotoo ang mga bagay na kathang isip lang. Hindi tayo Diyos na magkakarooon ng buhay ang anumang sabihin natin. Violet, we are writers. This is our passion, not just a job. We enjoy reading and at the same time creating stories to entertain people."



Nakita ko ang pagkawala ng interes ni Violet sa pagsusulat dahil sa sunud-sunod na di magandang balita tungkol kay Maxwell Oliveros. Ang Philippine Model na nasa London Fashion Guild. Di ako magtataka kumbakit ganoon na lang ang pagkadismaya niya na halos mawala siya sa katinuan. Isang araw na lang ay ikakasal na ang lalaking nangakong babalikan siya upang bumuo ng isang pamilya. Babalik nga sa Pilipinas ngunit limot na si Violet.



Well ofcourse hindi ko alam kung ano na ba ang estado nila.



"Melanie, anong gagawin ko?" Kapag kami na lang ni Violet sa opisina ay ganoon ang aming tawagan. Greatest confidante niya ako. I always have an ear to listen to her stories pati ang mga mala-prediction niyang kuwento sa Wattpad at librong nai-publish na niya.



Feeling talaga niya, nagkakatotoo ang mga isinusulat niya.



"Kalma ka lang. Chillax!"


"No I can't ... How can he do this to me?" Habang nakatayo siya at kaliwa't kanang naglalakad sa aking harpaan. Para siyang praning na hindi mapakali. "Marami siyang dapat ipaliwanag sa akin. Aaahhh! para akong mababaliw sa ginagawa niya." Nakita ko ang panggigigil niya.



That's why I asked her to leave for a vacation and comeback with clear mind and heart. It took her 3 months before coming back. Akala ko nga hindi na siya babalik eh. Nataranta na lang ako sa update ng kanyang WattPad. Totoo ngang meroon siyang WattPad account and I can't even believe how her followers commented on her story.



Later, I found out na hindi pala siya ang gumawa ng update na iyon because during those times, she forgot updating that story and doesn't mind checking on her notifications. Nadala na daw siya. Simula ng makatanggap niya ng hindi magandang comment, nawalan na isya ng interes na magbasa at magreply sa kanyang mga followers.



Hindi na siya nag-update sa ibang kuwento although may iba na tinapos naman niya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon