MAKE OVER

22 0 0
                                    


MAX'S POV



It is about time to tell them that Violet is the rarest flower among them . Late bloomer yet the most beautiful of all. Matapos niyang makaranas ng pang-aapi mula sa aking mga kaklase, kailangan kong kumbinsihin ngayon si Violet na magbago ng image. Walang masama sa pagbabago basta't para sa ikabubuti mo. Noong una ay takot din akong subukan ang pagmomodelo. Di pa nga kao naniniwala kay Hill pero nang sadyain niya ang bahay namin at kausapin niya si Mama at ipaliwanag sa akin ang mga terms and condition ng kanyang modeling agency ay hindi na rin ako nagdalawang isip. Baka ito na ang hudyat upang magbago ang kapalaran sa aming dalawa ni Violet.



Hindi naman ako nagkamali. Nang makita nila ang billboard ng kauna-unahang pictorial ko for topsider, pinagkaguluhan ako sa school. Nilalapitan na rin ako ng mga babae ngayon. Nag-aabot ng kung anu-anong mga bagay. nagreregalo kahit walang okasyon. Nagbibgay ng sulat ng paghanga. Ngunit dahil din doon ay nalimitahan ang pagpunta ko kina Violet. may pagkakataong umaabsent ako pero si Violet ang naaasahan ko para sa mga assignments at notes namin sa lahat ng mga subject sa school. Nakakahabol pa rin ako at sa awa ng Diyos ay hindi ako bumabagsak sa mga exams namin.



Siguro, iyon din ang kailangang mangyari sa buhay ni Violet. Kailangan niya ng total transformation. Dumiretso ako kina TIta Cherry dahil absent si Violet. Nandoon din si Mama. Narinig ko ang usapan nilang dalawa.



"Cattleya, magiging effective naman kaya? Makakahabol ba sa prom nina Violet?"


"OO naman. Hay naku, Cherry. Dapat kasi noon mo pa siya dinala sa derma. Hindi naman ganoon kasaam ang lagay ng kutis ni Violet. Papalitan mo ng ng contact lens ang salamin niya."


"Matagal ko na ngang sinasabi sa kanya eh...Tinatanong din ng papa niya kung ano na ang improvement."



So ibig sabihin matagal na din palang kinukumbinsi ni Tita Cherry si Violet. And this time alam kong papayag na siya.



Unti-unting isinagawa ang pagbabago kay Violet ng hindi namamalayan ng aking mga kaklase. Well, Violet is the least person to get there attention kaya walang makakahalata sa pagbabagong nangyayari sa kanya. Nawala na ang mga butlig ng taghiyawat sa mukha ni Violet. Kuminis na ang kanyang pisngi. Hindi na ako madalas magpagabi sa kanila para hindi na rin siya napupuyat.



Nakatali pa rin ang kanyang makapal na buhok. Pagpasok niya ay wala ng nag-usisa kumbakit siya absent. Pero si Sadam, titig na titig sa kanya. Pasimple siyang natutulala kay Violet. Inalis na ang braces sa ngipin ni Violet at lalong mas maganda ang ngiti niya ngayon. Wala pa ring nakahalata.



Maaga kaming umuwi ng Biyernes na iyon.



"May pupuntahan ka ba, Violet?"


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon