MEET MARIA VIOLETA SULLIVEN

12 0 0
                                        

Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa kama. Nakakapagod sa klase buong maghapon. Challenging kapag nandiyan na ang mga asungot pero I feel safe kapag nandyan si Max. Kaya lang, nasira ang salamin niya. Kawawa naman, nakatikim pa ng suntok kay Paolo. Bad trip talaga ako sa lalaking 'yon. Akala mo kung sino. Pogi sana kaya lang angsama ng ugali.



Lumapit ako sa bookshelf at kinuha doon ang isang ala-executive na unruled notebook. Request ko iyon kay Max noong birthday ko. Ako ang pumili nito sa bookstore. Kulay pula kasi ang gusto ko. Plain sa loob at labas. Sinamahan niya ng maraming gelpens kasi alam niyang mahilig talaga akong magsulat.



Bukod sa pagbabasa, mahilig akong magsulat. OO, magsulat ng magsulat ng magsulat para lang mailabas ko ang aking mga hang ups sa buhay. Hindi ko naisip na dadami ito tulad ng nakikita ko ngayon. Napapasaya ako ng mga ito habang tinitingnan ko sila isa-isa. Sinasalat ko pa ito isa-isa.



Uupo ako sa sopa at muli ko iyong pagmamasdan. Iyon na ang simple kong kasiyahan. Nawawala ang pagod ko. Naiwawaksi ko ang lahat ng inis ko sa mga taong nakakainis naman talaga. Pero ang totoo, sila ang inspirasyon ko sa mga ginagawa kong kuwento. Out of what has happened nagagawa ko pang maging creative thinker. They are making a scene in my head. Eksena na mas maganda pa sa pelikulang napapanuod natin.



Writers will not be successful without their imagination. Useless maging matalino kung hindi nagagamit ang imahinasyon. Nararating nito ang kabilang dulo ng mundo, ang dimensyon sa daigdig na isip lang ang makararating. Nagiging makulay ang iyong kuwento kung sinasamahan ito ng mabubulaklak na salita. Mas nakakaengganyong basahin...



Kuntento na ako sa loob ng aking kuwarto. Kahit hindi ako lumabas buong maghapon. Wala akong ginawa kundi magkulong dito at buuin ang mundong gusto ko. Ang mundo kung saan may bida at kontrabida at palaging may happy ending. Because I always believe in happy endings.


=)

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon