ANA'S POV
Nabalitaan ko ang pagbabalik nina Max at Cattleya sa Maynila sa kapatid kong si Nektar. Matagal na ring hindi umuwi ang mag-ina. Masyadong busy si Max tulad ng sinasabi sa balita. Hindi kailang sikat na nga si Max. Isang malaking banta ang pagbabalik na iyon ni Max. Ayokong magkita sila ni Violet.
Kahit noong binata pa sila ay hindi ko ipinahalata na alam ko ang tungkol kay Violet. Secret crush siya noon ni Paris. Hindi ko nakitang nanligaw ng ibang babae ang anak ko. Hindi ko naman masasabing bakla siya pero alam ko lang ay seryoso siya sa pag-aaral. Hindi ako namrublema sa kanya. Hindi ko naman siya pinipigilan kung talagang mag natitipuhan siyang babae ngunit ng minsan marinig ko sila ni Max, tiyak kong si Violet ang gusto niya. Mas nakumpirma ko iyon ng makita ko ang larawan ni Violet sa wallet ni Paris. Isang lumang larawan na alam kong pinagkatuwaan niyang itago kay Max. Kinuha niya iyon ng di alam ni Max. Bibiruin lang daw niya si Max pero hindi na niya iyon ibinalik kahit kailan. Hindi ko din naging problema kay Paris ang pag-akyat ng kung sinu-sinong babae sa aming bakuran. Ang totoo, si Violet lang ang kauna-unahan ang bukod-tanging inakyat niya sa aming bahay hanggang sa kanyang kuwarto.
Masaya ako para sa kanya. katuparan iyon ng kanyang matagal ng pangarap. Pero saglit lang iyon. Pinatikim siya ng saglit ng kaligayahan at binawi din sa kanya ang lahat. Sa kabila noon ay nakita ko ang kanyang lubos na kasiyahan maging sa huling sandal ng kanyang buhay dahil magkasama sila ni Violet.
Mas natuwa ako ng malaman kong nagdadalang-tao na siya. Napakabuti talaga ng Diyos, nasambit ko pa noon dahil hindi niya hinayaang mag-isa si Violet kundi nagbunga ang kanilang pagmamahalan ni Paris, ng aking anak.
Ngunit sa kabila noon ay naging tahimik si Violet maging ang kanyang mama. Matagal ko nang napupuna na malaki talaga ang pagkakahawig ni Xam kay Max. Hindi ko lang makompronta itong si Violet . Iniisip kong hindi iyon malabong mangyari dahil magpinsan sina Max at Paris at halos maghawig silang dalawa. Ayokong masaktan ang kanyang kalooban dahil tiwala akong apo ko ang batang iyon. Anak nila ni Paris. Matagal silang nagsama sa iisang bubong at may edad na sila para sa larong bahay-bahayan. Umasa ako na may maiiwang bunga si Paris sa kanyang paglisan. Marami man ang makapuna at ipinagwalang –bahala ko iyon.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ng umagang iyon. Sinorpresa ko ang mag-anak pero ako ang mas nasorpresa sa bungad ng aking apo. Nakita na raw niya ang kanyang daddy. Hindi ko alam kung sino pero knowing Violet, wala namang ibang lalaki ang na-involve sa kanya ng umalis si Max at nang mamatay si Paris. Nakita ko kung gaano siya ka-loyal sa aking anak pero paano mangyayaring si Max pa ang daddy ni Xam?
Nakapagbitiw ako ng masasakit ng salita kay Violet kahit nasa loob ako ng pamamahay nila. Nasa condo na sila at ipinagbili na daw ang bahay na dati niyang tinirhan. Wala akong narinig na kahit anong paliwanag kay Violet . Ni hindi niya ipinagtanggo lang kanyang sarili. Umiyak lang siya.
Nakita ko rin ang galit ni Cherry pero mas minabuti niyang ilayo si Xamxam sa amin sa sala. Hindi maganda ang kanyang maririnig at hindi niya rin maiintindihan ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...