VIOLET'S POV
Masyado ba akong desperado para gamitin si Paris o nasisiraan ako ng bait? Galit ba ako o gagamitin ko lang siya upang pasakitan si Max?
Mabait sa akin si Doc kahit noong hindi ko pa alam na magpinsan sila ni Max. Hindi rin niya inaasahan na matagal na pala akong naikukuwento ni Max sa kanya. Ako ang babaeng panay daw na ibinibida ni Max tuwing magbabakasyon siya sa probinsiya.
Pagkagaling ko sa Barkada Night namin, nadatnan ko na lang na may lalaking naghihintay sa tapat ng aking bahay. Imposibleng si Max iyon. Hindi ko siya makilala, hindi pa kasi bukas ang ilaw sa tapat ng bahay ko. Malayo ang lamp post para maaninag ko ang mukha niya. Nagsuka ako pagbukas ko ng pinto ng kotse at may humagod sa aking likod. Naririnig ko ang sinasabi niya pero hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na pangyayari. Ah, wala yata ako sa aking sarili... Naramdaman ko na lang na nasa loob na kami ng aking kuwarto at nasa kama na kaming dalawa. Bigay na bigay ang katawan ang hubad naming mga katawan sa pakikipag-ulayaw sa kama. Ikinawit ko pa ang aking binti sa kanyang balakang kahit hindi ko sigurado kung sino nanaman itong ka-sex ko. Iminulat ko ang aking mga mata. At hinayaan kong angkinin niya ako. Nagpaubaya ako habang wala ako sa sarili at ninanamnam ang bawat sandali ng aming pakikiniig. Niyuyugyog ako ng katawan niyang hubad at dikit na dikit sa aking katawan habang may nakapatong sa akin. Nakahawak ako sa kanyang leeg at nakikipaghalikan. Sabik na sabik na humalik na para akong mauubusan na parang wala ng bukas. Umuungol pa yata ako at kung anu-ano ang sinasabi ko. Anglambot ng kanyang labi at ambango ng kanyang hininga. Ambango rin niya . Hanggang sa maramdaman ko ang bagay na pumasok sa aking harapan. Isang bagay na makakapagpaligaya sa natutulog kong kaluluwa. Gising na gising ito ngayon at agresibo sa harap ng lalaking ito.
Hinila niya ang puting comforter at itinakip sa aming katawan ngunit lumislis pababa habang walang sawa siyang bumabayo sa ibabaw. Sa kanyang katawan ako kumapit at hindi sa kumot. Wala akong pakialam kung magkakitaan kami ngayon ng kaluluwa.
Kinagat-kagat niya ang aking balikat. HInalikan niya ako, kaliwa't kanan ng aking leeg kaya hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang aking ulo.
"Ughhh, Parissss!" Napahagod ako ng di sinasadya sa kanyang likuran habang hawak niya ang kanan kong binti.
"Violet, sorry..." Pero patuloy siyang bumayo sa aking harapan. Madiin at may puwersa ang kanyang hugot, susme, napakagat- labi ako at nanatili akong nakapikit dahil hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na iyon.
"Ughhh! Ughhh! Aaaahhhh!"Panay ang halik niya sa akin. Kinagat-kagat ang aking braso at sinipsip ang aking utong. Napakapit na ako sa headboard ng aking kama at dalawang binti ko na ang kanyang hinawakan.
Ahhhhhhh! Pero humagulgol si Paris matapos niyon. Umiiyak siya sa ibabaw habang nakababad ang kanyang alaga sa pagitan ng aking hita. Siya pa ang umiiyak.
Baliw! Ako dapat ang mahabag sa aking sarili matapos kong magpaubaya. Anong mawawala sa kanya? Sa akin, malaki...Babae ako... Nakatalikod ako sa kanya sa kama. Tinakpan niya ako ng comforter atsaka niya ako niyakap.
"Violet...Ako ito si Paris...Mahal na mahal kita kaya huwag kang magalit. " Nakakaiyak...Paano ko susuklian ang mga sakripisyo ni Doc? Bakit niya ginawa ito? Niyakap niya ako ng mahigpit. Pinaharap niya ako sa kanya. Pinahid niya ang aking luha. "Huwag mo akong ipagtatabuyan. Kakayanin ko lahat, makasama ka lang."
Paris, huwag...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
