What does Max have to do with this? Ano ba ang kinalaman niya sa trabaho ko? Matagal na kaming hindi nakita period. Eh ano naman? Ano bang pakialam niya sa buhay ko ? Maganda na ang katayuan niya ngayon sa buhay . At sa tagumpay na iyon, marunong pa ba siyang tumingin man lang sa ibaba para maalala ako, masulyapan man lang at kawayan? O baka naman mas gusto niyang tinitingala siya ng karamihan, tinitilian, pinagkakaguluhan at binibigyan ng halaga ultimo ang katiting na pirma niya sa kanyang poster .
Iba na talaga kapag sikat na modelo. Hindi lang dito sa ating bansa kundi sa International Runway, kilala si Max bilang si Max Oliver. Ang dakilang payatot at palaging binu-bully kasama ko na si Maxwell Oliveros. Aakalain mo ba na ang pa-nerdy type , mahiyain, torpe at eengot-engot na lalaking tulad niya ay susuwertehin ng ganoon.
Kumakain lang kami ng ice cream sa labas ng gate. Uwian na iyon. Naka-civilian kami dahil Foundation Day. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at sinaluhan ako sa ice cream cone na kasalukuyan kong kinakain . OMG! Muntik akong himatayin sa ginawa niya. Dumikit ang labi naming pareho sa ice cream. Titig na titig siya sa akin. Bigla akong napangiti. Kumain lang ako at binalewala pero isinuksok ni Max ang kanyang kamay sa aking nakalugay na buhok. Akala yata ni Max, ice-cream ang nilalantakan niya pero labi ko na pala.
Nagkaroon tuloy ng malakas na kantyawan sa ice cream cart. May mga kaklase pa naman kaming nakapila para bumili rin sana pero naiskandalo kami sa ginawa ni Max.
"MAAAAAAAXXXXXXX!" Ikinulapol ko ang ice cream sa bagum-bago niyang damit . Bigla siyang nagulantang sa sigaw ko. Nagulat si Max at nanlaki ang kanyang mga mata. Mukhang nagdi-daydream siya. Ano kayang iniisip niya ng mga oras na iyon? Bakit niya iyon ginawa? Bahagi pa rin ba iyon ng aming kasunduang tuturuan ang isa't isa kung paano maging mabuting girlfriend at boyfriend? Kasama ba doon ang paraan kung paano ipi-please ang iyong kasintahan sa pamamagitan ng halik?
Naglakad kami ni Max. Pareho kaming walang imik dahil alam naming magiging balita iyon sa loob ng campus.
"Best, galit ka?"
"Hindi ko alam , Max kung magagalit ako."
"Best , huwag ka ng magalit. Hindi ko na uulitin." Ilang beses ko na ring narinig iyon sa kanya. Ilang beses na hindi uulitin pero kapag nagkakaroon ng pagkakataon, mas nagiging passionate ang kanyang mga halik. Hindi ko masabi kung tinutotoo na niya ang kanyang ginagawa . Feeling ko lang na ganoon na nga! And I fear it.
Nakakatakot na baka isang araw ay hanap-hanapin ko na ang halik niya tapos ang siste, si Tadhana, kill joy ever para magkatuluyab kami at kung anu-anong paraan ng twist and turns nang kuwento ang gagawin hanaggang sa worst comes to worse... paglalayuin kami sa bandang huli.
Habang seryoso kaming nag-uusap sa daan may biglang humintong sasakyan. Humarang kaagad si Max. Iniharang niya ang kanyang katawan. Natakot ako at napakapit sa kanyang damit sa likod.
"Layuan mo kami!" Sabi ni Max sa lalaki na mukha namang bading. Malaki ang kanyang katawan at mahaba ang buhok. Medyo emo ang kanyang eyeliner, may make up syiempre at may bahid ng lipstick ang labi.
Ngumiti ang... ewan... lalaki ba? Transgender? Bakla ? Ewan hindi ko masabi. Hindi ko alam ang itatawag.
"Ay haller. Huwag ganern. Hindi ko naman kayo sasaktan."
"Eh anong kailangan mo sa amin?" Tanong ni Max. Nakasubsob ang ulo ko sa likuran niya. Nakakatakot!
"Here's my calling card. I am Hilary Cuevas. I can make you rich. I can make you famous. "Sabi niya.
"WHAT?"
"You heard me clear... Ikaw at hindi siya ang pakay ko. Hoy! bruha, huwag kang feelingera. Kung gusto mong magkaroon ng career ang boyfriend mo, ipaubaya mo siya sa akin at ako ang bahala sa kinabukasan niya." Kinabukasan lang niya at hindi ako kasama...iyon ang ibig niyang sabihin.
Ene dew? Nagkatinginan na lang kami ni Max. Tiningnan niyang mabuti ang tarheta. Isinuksok sa kanyang wallet. At saka kami sumakay ng jeep . Hindi pa rin kami nag-iimikan dahil sa nangyari. Mahaba-haba ang biyahe sa sobrang trapik. May mga pasaherong sumakay pa at tuluyan kaming nagkadikit ng katawan ni Max. Feel na feel ko ang akbay ni Max habang nakasandal ang aking likod sa katawan. Anglapit namin sa isa't isa at naramdaman kong hawak ni Max ang aking ulo para pahiligin ako sa kanyang balikat.
"Violet, napagod ka ba? Tulog ka muna. Malayo pa ang biyahe natin. Gigisingin na lang kita." Kung kailan kasi pasukan saka naghuhukay ang Maynilad. Sila ang dahilan kumbakit ilang beses din kaming na-late ni ax sa klase. Talaga namang nakatulog ako sa pagod hindi lang dahil sa traffic kundi sa masayang Foundation Day. Bumulong siya sa akin at ginising na lang ako.
Bumaba kami sa Hillsborough Subdivision. Hindi na namin kailangang tumawid. Sa tapat mismo ng gate ng subdibisyon kami bumaba. Hinawakan ni Max ang kamay ko. "Huh" nagulat ako.
"Violet, sorry na. Huwag ka nang magalit. " Niyakap niya ako ng mahigpit. Nasa tapat na kami ng park ng dramahan niya ako. "I have always been doing something beyond our friendship. Hindi ko alam kumbakit. Lagi naman akong sorry ng sorry kahit sinasadya ko. Sorry, Violet. You are the least person na ayokong nagagalit sa akin. Kapag di ka pa rin umimik, hindi ako makakatulog nang maayos at palagi kita iisipin. Sorry na please..."
"OO na... huwag ka nang magdrama. Sanay na ako sa iyo. Palagi mo akong pinagpapraktisan. Parang hindi na ako magkakaboyfriend sa ginagawa mo sa akin."
"Believe me, magkaka-boyfriend ka pa rin." Saka niya ako nginitian at inihatid niya ako sa bahay. Okay, solve na. Hawak pa rin ni Max ang kamay ko. "Good night, Violet. See you tomorrow."
Doon nagsimulang magbago ang takbo ng aming pagkakaibigan ni Max. We are bestfriends but treating each other like lovers. Wow! That is something new. Bagong definition ng kaibigan, ka-ibigan... soon – to- be kasintahan...
Pero kailan naman? Hanggang kailan kami magiging ganito?
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Roman d'amourA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...