THE GREAT PRETENDER

16 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko. Huli kong natatandaan 'yong titig na titig pa ako sa tablet ni Max habang pinapanuod ang eksena kung saan nagkakapalagayang loob ng ang parehong bida sa kuwento.



Napansin kong pabaliktad pala akong natulog kagabi. Nasa paanan ko ang headboard ng aking kama. Kitang kita ko na ang sikat ng araw. Tanghali na pala. Babangon na sana ako kaya lang hindi ako makakilos sa kinahihigaan ko. Iginala ko ang aking paningin, inayos ko ang aking salamin. Napansin kong nakahigap pala ako sa bisig ni Max. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa posisyong iyon. Kawawa naman si Max. Baka nangalay na siya. Hindi ko maibukas ang aking bibig. Baka bad breath pa ako. Nakakahiya naman kung biglang himatayin si Max.



Kinalabit ko ang damit niya. Hinila ko ang kanyang t-shirt para lang magising siya. Bigla siyang kumilos at hinigpitang lalo ang yakap niya sa akin. Aahhh! Bakit ba ganito si Max? Nagkunwari akong natutulog. Bigla niya akong hinalikan sa noo at doon na ako nakakuha ng tyiempo na kunwari ay nagising sa ginawa niya. Hanep ang drama.



"Huh! Max...." Kunwari ay gulat na gulat pa ako.


"Violet, what do you think? Makakahanap pa ba tayo ng girlfriend at boyfriend?" Nanatili akong nakahiga sa bisig niya. Feel na feel ko ang umagang iyon. Hindi kami inistorbo ni Mama. Wala naman kaming gagawing masama.


"Hindi ko alam, Max...Bakit ? Suko ka na ba?"


"Hindi pa naman..."


"Hmm, what do you think? Is there something wrong with us?"


"Let 's see..." Nagkatitigan kaming dalawa ni Max.



Kung sa pagiging ideal bf/gf ay pareho naman kaming may preference. Kaya lang, can you find it in only one person? So what we did is.... to make each other an ideal guy and an ideal girlfriend .



"Sa tingin mo, okay lang ba?"


"Na ano?"


"Na maging tayong dalawa?"


"Ha! nasisiraan ka na ba ng bait?" Lumayo ako sa kanya.


"That's not what I mean. Listen to my proposal."



Nakinig akong mabuti sa paliwanag niya. Hindi naman masama ang kanyang proposal. May kabigatan ang mga kondisyon ng aming misyon. I have an ideal guy and I made him everything rolled into one.



Yes.... lahat ng ideal , nasa kanya na , as in complete package. I totally changed his whole identity... physical identity to be exact. May sarili pa rin siyang pagkakakilanlan. Why I did it? Why did we do it?



Kasi... Kasi palagi siyang iniiwan ng mga mahal niya ati ipinagpapalit sa iba. Kaya usapan namin, mamahalin ko siya at mamahalin rin niya ako.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon