VIOLET'S POV
Kasama kong umuwi sa bahay si Max. Si Max, he is my bestfriend. Kaya lang may kalabuan ang kanyang mga mata at minsan ,feeling ko weird ang color combination ng mga damit niya. Sa halip na mix and match, totally mixed up ang sa kanya. Minsan kung magjoke parang abnormal Kumikilos na para bang special.
Makikipagkulitan sa akin na parang nursery pupils. Ganoon kaming dalawa. Sabay kaming papasok. Sabay kaming uuwi. Sabay kaming mag-aaral at saka siya uuwi sa kanila pagkatapos niyang makikain sa amin.
"Ito ang gusto ko dito sa inyo, Let. Angsarap palagi ng pagkain!"
"Bakit anong akala mo kay Tita , hindi marunong magluto? Isusumbong kita..."
"Minsan, nakakalungkot kasi kami lang dalawa ang kakain."
"Eh paano 'yan? Mas malulungkot siya dahil mag-isa na lang siyang kakain?"
"Hindi naman. Kahit kumain na ako dito sa inyo, kakain pa rin ako sa bahay"
"Ha!"
" Syiempre, maglalakad ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, gutom na ulit ako"
"Hay, tingnan mo 'to..."
"Syiempre, hindi ko hahayaang kumaing mag-isa si Mama."
"Buti naman."
Siya ang naghugas ng platong pinagkainan namin. Nasa tabi niya ako habang naghuhugas. Pinununasan ko ng towel ang mga plato para matuyo kaagad. Saka ako tiningnan ni Max. Hindi ko alam kung namula ako o kung ano , basta nakakatunaw ang tingin niya.
"Bakit?"
"May crush na ba ang best friend ko?"
"Oo naman. Angdami ko ngang crush eh!"
"Sino? Sabihin mo naman sa akin..."
"Hay ayoko nga. Baka mamaya, asarin mo pa ako sa crush ko?"
"Gusto mo ng magka-boyfriend."
"Sana... ma-experience ko man lang bago tayo maka-graduate. Gusto ko na ring magkaroon ng first kiss." Nakatingala pa ako sa kisame at nangangarap sabay kikiligin on my own.
"Masyado mong minamadali ang mga bagay-bagay."
"Paano kung wala na talagang manligaw sa akin?"
"Sa bait mong iyan?" Bakit nakikita ba ang kabaitan?
"Maganda ka naman?" Tinitigan niya akong mabuti. Actually, siya lang ang tumititig sa akin ng ganoon na kulang na lang eh matunaw ako na parang yelo. Parang niloloko lang ako nitong kausap ko.
"Hmmm, ngiti ka, dali!" Ngumiti naman ako. Buwisit! alam ko na ito. Binobola niya ako.
"Friend, alam konting effort pa. Magkaka-boyfriend ka rin"
"Max, gusto mo bang umuwi ng buhay sa inyo?"
"Bakit? Nakakamatay ba ang mga titig ko? Yan ang sabi ko sa'yo, tama ang sabi ng mga nililigawan ko."
"Kapag hindi ka pa tumigil, iiwan kita dito"
"Sus! Sa iyo lang naman bumebenta ang mga jokes ko . Huwag ka namang pikon." Sinimangutan ko siya.
Pagkatapos namin sa lababo, itinaboy ko na si Max pauwi. As in literal ko siyang itinataboy palabas ng bahay kasi kung hindi ko pa siya pauuwiin, hindi niya maiisip umuwi. Nakailang beses ng tumawag ang mama niya sa bahay pero hindi pa rin siya umuuwi.
"Malakas kasi ang wi-fi dito sa inyo eh" Natural dahil naka-SMARTBRO kami.
Baka kanina pa rin siyang hinahanap sa kanila. Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay nila sa amin. Siguro, tatlong bahay mula sa amin ang layo. O, di ba? Napakalayo...
"Good night, Best"
"Good night, Friend"
Ganoon ang tipikal na araw namin ni Max. Matapos ang pakikipagsapalaran sa school, mas makakahinga kami ng maluwag sa bahay. Kung hindi lang mahalaga ang pag-aaral, baka sa bahay na lang ako. Ayoko kasing nakikita sina Olivia, El Xandria at Paolo. Nakakasira sila ng araw! Mabuti na lang at Sabado bukas.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...