SEE U IN MY DREAMS

29 1 5
                                    

VIOLET'S POV



Nataranta ako sa kanya at nahila ko ang kurtina para magtago doon. Pagtingin ko muli sa baba, sumilip ako pero biglang nawala si Max. Hinawakan ko ang aking dibdib sa sobrang kaba. Napailing ako. Napapilig ng ulo ng todo-todo dahil hindi ako makapaniwala. Biglang nawala si Max. Pagsilip ko ulit, si Mama na ang nakita ko.



"Uy, Violet... gising ka na pala. Halika na at mag-almusal ka. May sariwang gatas ng kalabaw diyan dala ni Victor. " Sigaw ni Mama sa baba.


"Mama, gusto ko munang matulog ulit." Sinipat kong mabuti ang lugar niya.


"Sinong hinahanap mo?"


"Para kasing... Ah wala po... Baka guni-guni ko lang iyon." Hanggang ngayon, dala-dala ko ang alaala ni Max kaya tuloy kung anu-ano ang nai-imagine ko. Mukhang hindi naman totoo. Kinabahan ako doon ah.


"Tssss! Kumain ka muna bago ka ulit matulog. Violeta!" Isinigaw ni Mama ang buo kong pangalan, ibig sabihin, galit na siya.



Nakasuot lang ako ng boyleg at fitted spaghetti strapped shirt. Nag-bra ako dahil haharap ako sa hapag para kumain. Noon ko lang ulit inilugay ang aking buhok. Palibhasa ay lumang bahay iyon kaya ang sahig nito ay gawa sa kahoy pero mind you, napakadulas kamo. Para bang na-scrub ng libong beses sa sobrang kintab. Mahihiya ang bisita mo kapag nag-akyat ng putikang sapatos.



May mga tao sa malaking beranda ng oras na iyon at kitang –kita ko ang ilang mga matatanda na maingay at malalakas ang boses na nagkukuwentuhan kahit magkakaharap lang naman. Napasilip ako at tila nanunubok. Hindi ako makapaniwala. Parang nangarap ako kanina. Parang nakita ko si Max. Binati niya ako sa baba kanina.



"Uy, Violet. Bakit sisilip-silip ka dyan?" Sinundot ako ni Mama sa aking tagiliran at hindi ako nakailag kaya napasigaw ako.


"Ayyyy! " May kiliti kasi ako doon. Niyakap ako ni Mama. Halatang miss na miss niya ako. "Mama naman eh."


"May natitira ka pa palang kiliti. Akala ko naubos na ni Max. Halika, mag-almusal ka na..." Nagulat ako sa sinabi niya. Joke yun? May alam ba siya?



Mahaba ang dulang namin sa probinsya. Kapag sinabing dulang, hapag-kainan... dining table lang iyon pero mala-presidential table na akala mo ay sasalo sa iyo ang mga katipunero kapag kumain kayo. Pinupunasan ni Honeylet ang isang bahagi doon at tinatanggal na ang isang plato. Mukhang may nauna pang kumain sa amin ni Mama. Hindi ko maintindihan ang ngiti niya. Nakakaintriga pero hindi ko na siya pinatulan. Ako man ay kinakabahan dahil baka sumulpot na naman si Max na parang multo. Kinabahan talaga ako kanina. Hindi naman ako lasing ah, bakit biglang-bigla na lang sumulpot si Max? Hindi... bakit para akong namalik-mata? Nag-i-sleepwalk ba ako? Nananaginip ng gising? Hindi ko tuloy masabi kong totoo ba ang nakita ko kanina.



Wala akong imik na umupo at pinagsilbihan ako. Dito lang ako buhay senyorita.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon