MAX'S POV
Hindi naman ako huminto ng panunuyo kay Violet. Araw- araw akong nagpupunta sa publishing house pero di na talaga ako makapasok sa opisina nila. Naka-band na ako. Mabuti naman at hindi pa most wanted. Araw – araw ko ring siyang mini-miss call at pinadadalhan ng text messages. Twice a week akong magpadala ng bulaklak.
Hindi ko siya matsambahan sa condo niya. Masyado talagang matinik si Violet. Para siyang palos. Masyadong mabilis. Masyadong madulas.
Matapos kung isingit ang agenda k okay Violet ay busy naman ako sa mga tv guestings and appearance ko. Naiimbitahan ako sa mga morning tv shows kaya medyo nalimitahan ang pagdalaw ko kina Red. ang hindi ko kinakalimutan ay i-text at tawagan si Violet kahit ayaw niyang tanggapin ni isa sa mga iyon. Asa pa ako sa mga reply niya.
Isang umaga tinanong ako ni Mama kung ano na ang nangyari sa diskarte ko. Hindi ko masabi ang totoo na nagbago na si Violet. Hindi naman siya maniniwala.
"Na-miss ko na rin si Cherry. Matagal na rin kaming hindi nagkita" Nangilid na naman ang luha ni Mama, Kasalanan ko nga kasi. Kung hindi ko naman ginahasa si Violet, hindi siya mahihiya kay Tita Cherry.
Sinusubukan ko pa rin kahit anong ilap niya at kahit anong pag-iwas ang gawin niya. Desperado na nga ulit ako eh. Naiinip tulad ng dati. Pero mabuti na lang at naging abala ulit ako sa pagmomodelo. Kinuha ako ng Sybil upang imodelo ang mga damit nila. Hindi na ako nagdalawang isip. Mabuti na rin ito , kahit paano ay may pagkakabalahan ako. I can give Violet a space so she can think about us. Kung sumasagi ba naman sa isip niya ang US?
Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Pati nga 'yung every Friday na kitakits ay ginamit ko na rin para magkita ulit kami pero ayaw ni Violet. masyado siyang busy ngayon.
"Miss ko na kasi si Violet. Matagal na rin kaming hindi nagkikita. " Hindi ako kuntento sa malayuan. Gusto ko 'yong up-close and personal lang talaga.
Gusto ko siyang mahawakan, mahalikan, maikama at maka.... hay bahala ka na...( Matured ka nang mag-isip. Aminado naman ako sa gusto kong mangyari. )
Madalas ko pa ring tawagan ang kanyang cellphone pero maraming beses niya akong pinatayan ng tawag. Nakakadami ako ng miss call at hinding hindi na niya iyon sinagot. Hanggang isang umaga ay tinanggap niya ito. Nakinig ako sa kabilang linya.
"Hello, good morning..." Boses ng bata ang narinig ko sa kabilang linya.
"Can I talk to Ms. Violet?" Sabi ko. Baka kasi napakialaman lang ng kung sino. "Huh, may bata kina Violet?"
"Mommy, someone wants to talk to you on the phone?" Huh...OMG! What? Mommy... who is that kid? Why is she calling Violet, mommy?
Kinabahan ako sa narinig ko. Ibinaba ni Violet ang linya. At ano ang itinatago niya. Sino ang batang iyon? Kailangan kong malaman. Pinuntahan ko siya sa publishing house. Pero hindi na niya ako pinapasok doon. Inabangan ko siya kahit anong tagal pa niyang lumabas. Hindi ako puwedeng magsawalang bahala na lang. Okay , naisip ko pang naman na baka sa likod ng parking area siya dumaan dahil nandoon naman talaga ang kotse niya.
Bingo! Nandoon nga si Violet at nagmamadaling umalis. Hindi na ako magpapadaig sa ginagawa niyang pagpapahirap sa akin. Hinila ko siya kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi ko siya binitiwan.
"Ano ba? Nasasaktan ako."
"Masasaktan ka sa akin kapag di ka nagsabi ng totoo?"
"Anong totoo ang sinasabi mo? Ano kailangan mong malaman?"
"Sino ang batang tumanggap ng tawag ko kanina?"
"Hindi ko alam kung sino ang tinawagan mo."
"Look, Violet. I came to ask forgiveness. I still love you. If you want, I'll marry you now. Kaya ako bumalik dito para magbagong buhay. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay."
"Let's close this book that has been closed long long before."
"Violet, please tell me the truth. Sino siya? Anak ba ninyo ni Paris?" Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.
"And then what? Are you going to take care of her tulad ng sabi doon a kuwento ko. Aangkinin mo siyang parang tunay na anak? Ganoon ba?"
"Violet, patawarin mo na ako. Matagal ko nang pinagdusahan ang mga ginawa ko.Sorry, Violet." Humagulgol ako sa paanan ni Violet.
"Anak mo ba siya kay Sam?" Mahigpit ko siyang hinawakan. Nagpumiglas pa rin si Violet. Gusto niya akong takasan. Pwede naman niyang sabihin sa akin ang totoo. Kung anak niya iyon o kung may kinakasama na siya ngayon , wala namang problema sa akin. Kung gusto niya , iiwasan ko na siya.
"Leave me alone..."
"Ipinagpalit mo na talaga ako sa iba? Hindi mo na ba ako matututunang patawarin?" Hindi umimik si Violet. Parang umiiyak siya. Nakatalikod kasi siya kaya hindi ko sigurado. Hinawakan ko siya sa braso and this time, violet has calm down. Pinaharap ko siay sa akin at nakita kong umiiyak nga siya. Pinahid ko ang luha niya. "Violet..." Napakalapit ng mukha niya sa akin. Pinakatitigan ko siyang mabuti. Hinawakan ko na ang baba niya at konting konti na lang.
"NO, Sam is your daughter, Max..."Natigilan ako a sinabi niya. Parang opppsss, teka lang ha! Tama ba ang dinig ko. Si Sam ay anak ko. Babae siya .
"Violet..."
"Max, anak natin si Xam...Aksidente lang ba ang lahat ng nangyari sa atin? Krimen ba ang ginawa mo sa akin? Hindi ko masabi ngayon kasi nagbunga ang ginawa mo sa akin. Iningatan ko siya. Pero hindi ko sinabi kay Tita Ana na anak natin siya. Baka kung ano ang isipin niya sa akin."
"Oh, Violet..." Umiyak si Violet at niyakap niya ako ng mahigpit. Hinagilap ko kaagad ang kanyang labi at hinalikan ko siya. Grabe, na-miss ko si Violet. Ilang buwan halos akong pinahirapan ng kanyang pagsusungit at pag-iwas.
And finally, I think it has ended now.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...