SAD RE "SOUL" UTION

24 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Saglit lang ipinatikim sa amin ni Max kung paano magkaroon ng pamilya pero binawi siya ng intriga at malaking iskandalo sa aming buhay. Sa aming bagong buhay sana... Hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang totoo. Hindi ko siya maipagtanggol. Hindi ko masabing hindi totoo ang kanilang napapanuod. Hindi iyon si Max. Hindi niya iyon gagawin sa akin dahil sabi niya mahal na mahal niya ako.



Kitang kita ko kung paano siya nagpaubaya. Naalala ko pa ang suot niya noong kasal ni Sadam. That was the exactly clothing he is wearing. Maaga akong umuwi kaya malay ko ba kung ano pa ang ginawa niya.



Ah,sex scandal pala ang ginawa niya. Perfect!!!!!



"Violet, totoo ba ito?"


"Please lang. Hindi ko alam ang tungkol dyan." Max could have been honest to tell it to me. But seeing this scandal... I doubt kung sasabihin niya iyon sa akin. At siguro ay apektado na ako sa mga narinig kong paghuhusga sa kanya kaya hindi ko nagawang tanggapin ang mga miss calls niya. Sino ba ang hindi maaapektuhan? Hindi ako santo... Sa tingin ko pa lang sa mga ginawa niya, hindi ko ma-take. Mag-asawa lang ang gumagawa noon. Medyo awkward pa nga ako sa ginawa nila.



Hindi ako nakakain ng tanghalian. Ni hindi ko magawang pagalitan o mairita kay Xamxam dahil hinahanap niya si Max. Wala siyang ginawa kundi tawagan ako ng tawagan at palaging si Max ang hinahanap. Malapit na ring masagad ang pasensiya ko. Whewwww! konting hinahon pa... wala siyang kinalaman sa nangyayari... Wala siyang alam sa ginawa ng kanyang ama. Hindi siya puwedeng madamay.



Wala ako sa sarili habang paakyat ako ng condo unit ko. I don't care kung sino ang kasabay ko sa loob. Walang pumapasok sa isipan ko kung sino ang pinag-uusapan nila. Pakialaman na lang nila ang mga buhay nila.



Nasa loob siya ng condo unit ko ng datnan ko sila ni Xamxam na nagkukulitan sa sala.



"HI, mommy. Daddy is here..." Sabi ni Xam pero hindi ako lumapit sa kanila.Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Iyon ang mahirap ngayon sa kalagayan namin. Lumapit ang bata sa akin pero ipinakuha ko siya kaagad kay Mama.


" Go to Lola..."Mag-uusap kami ni Max. Sabi ko, buksan ang tv sa loob para hindi marinig ang bangayan namin sa loob ng aming kuwarto.


"Mommy, I want to stay with Daddy..."


"Xamxam, go to Lola. We'll talk later." Sabi ni Max. Sumunod naman ang anak ko. Wala akong masabi. Mag-ama sila eh. Natural na susunod siya sa kanyang daddy.


"Violet, pakinggan mo muna si Max. Huwag kang padalus-dalos ng desisyon." Dahil si Xam ang unang magsa-suffer. Mukhang nakakuha ng kakampi si Max kay Mama. Pero hindi siya sa akin uubra. He will definitely go out of my life this very moment.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon