CLASHING CYMBALS

20 0 0
                                        

MAX'S POV



Late na akong nakarating sa get together. Kasabay ko si Sadam na dumating kasama si Cielo. Nagkita kami sa parking area. Napangiti na lang ako at hindi makapaniwala na mauunahan pa rin ako ng isang torpeng tulad niya para magpakasal.



"Congrats, Pare..."


"Salamat, Max. Mabuti naman at nakauwi ka ngayon. Limang taon ka din naming hindi nakita ha! Magtatagal ka ba dito?" Tanong ni Sadam.


"Hindi ko sigurado."


"Eh , paano ba 'yan? Mauunahan kita ngayon. "


"Fine, whatever..." Sabay-sabay na kaming pumasok sa restaurant. Tuwang tuwa ang lahat ng makita ako. Masayang masaya din kami para kay Sadam at binate siya ng lahat doon.


"Hindi ba pupunta si Violet?" Tanong ni Sadam.


"Hmmm..." Medyo natahimik silang bigla.


"Nauna na si Violet."


"Huh, ang aga naman niyang umuwi."


"Actually, may kasama si Violet. Ipinakilala lang niya sa amin si Xam . Pagkatapos nilang kumain ay umalis din kagaad. "


"Ah, ganoon ba?" Siniko ako ni Red. Apektado ako.


"Anyway, pakibigay na lang ninyo kay Violet ang invitation namin sa kanya. Inaasahan siya sa kasal ni Sadam. Ring bearer ang anak ni Rose. Medyo nainggit ako dahil may dalawang magkasunod na anak na ang dalawa.


"Ikaw, Max. Kailan mo balak mag-asawa? "


"Naunahan ka na ni Sadam o..."


"Hindi ko alam kung..."


"Poging pogi ka kasi sa sarili mo. Akala mo, lahat ng babae katulad ni Violet. Matalino na rin siya ngayon at hindi na basta papatol sa lalaking pogi lang, matangkad pero walang sinabi. Yung tulad mong nang-iiwan."



Hindi ko na pinatulan si Sadam. "Alam mo, kung hindi ko lang iniisip na magkakapasa ang mukha mo... Kanina pa kitang nasapak. Angsama na ugali mo. OO na. Ikaw na ang ikakasal. Bakit? Ikaw lang ba?" Ikakasal din ako. Papayag din si Violet. Ipapamukha ko sa Sadam na ito na kaming dalawa talaga ni Violet ang para sa isa't isa.



Inawat na kami ng barkada. Minsan talaga, ganoon kami ni Sadam. Minsan nakakatakot kaming magkapikunan. Kapag di kami naawat, umaabot kami sa suntukan. Pero hindi na ngayon. Mga matured people na kami and we're supposed to handle things properly and maturely.


Tahimik akong kumain sa isang tabi. Pagkatapos ibigay ang invitation card ay umalis na sina Sadam at Cielo. Walang imik ang fiancee ni Sadam. Na-shock siguro kanina o sanay na sa aming dalawa. Dati na rin siyang naisama sa get together ng barkada. Nagkataon pa nga na nandito si Violet noon.



Ah, si Violet.



How I missed her...



Sinabayan ako ni Red ng inom. Kung anu-ano na yata ang naikuwento ko sa kanya. Umentra na naman ang kadaldalan ko.



Si Mama na ang sumundo sa akin sa KTV Bar. Nasobrahan nga ako ng inom.



Kinabukasan angsakit ng ulo ko sa hang-over. Bumangon ako para magkape. Nadatnan ko ang ahente ng bahay. Kausap si Mama. Hindi nila ako napansin na bumaba at nagtungo sa kusina.



"Sir, good morning..."Kumaway sa akin ang lalaking hindi gaanong katandaan.


"Good moring..."


"Nandito na po ang deed of sale."Magkakapirmahan na pala kami.


"Max, sigurado ka bang bibilhin mo ang bahay na iyon."


"Yes, Mama... Ideal house iyon ni Violet. Sayang kung mapupunta lang sa iba."


"Tama po kayo. Iyan din ang sinabi ni Ms. Violet. Mukha pong nagdadalawang isip si Ma'am na ibenta ang bahay pero ng ibigay niya ito sa akin para papirmahan na eh nakita kong seryoso na siya para i-let go ang bahay."



Hindi ko alam kung kaninong alaala ang ayaw na niyang maalala sa bahay na iyon. Hindi ko na masiguro kung ako pa nga talaga ang mahal niya. Hindi na ako aasa dahil marami ng nagbago. Sabi nga ni Red, may ipinakilala daw sa kanila si Violet. Sam daw ang pangalan. Naka-moved on na nga talaga siya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon