ANOTHER DAY

14 1 0
                                    

RED'S POV



Walang nangahas na magbanggit ng pangalan ni Violet. Hindi ko rin kaya. Masyadong tragic para sa barkada ang pangyayaring iyon kina Violet at Paris. Sa maikling panahon ay nakita namin ang kaibhan ng magpinsan sa kung paano nila mahalin si Violet. Masasabi naming Violet and Paris are meant to be but not like any other story, this seemed to be a wishful thinking na sana... sa madaming sana na iyon, sila ang nagkatuluyan ngunit hindi pa rin pala.



Hay si Tadhana. Bitter... Anong problema kay Paris at Violet? Bakit? Almost perfect na pero in the end who will end up with Violet.



That get together, himalang sumulpot si Violet. Ahhh, siya na talaga ang blooming ngayon. Angganda-ganda ni Violet at walang bakas ng pighati at anumang kalungkutan ang kanyang mukha. Mas nag-ayos siya ngayon ng kanyang sarili. Maintain ang straight hair pati na ang guhit ng kilay. Mukhang nag-aaral sa isang fashion school at pati pagmi-make –up ay parang kinarir.



"Violet...."


"It's good to see you, Ms. Author." Sabi ko pa sa kanya sabay beso ni Rose at nagsipagsunuran ang aking mga kaibigan.


"Yeah, pasensiya na. FYI, buhay pa naman ako mga friends." Sabi niya na mukhang nagagawa ng ngumiti. Mas natuwa kaming makita ang malaking pagbabago sa kanya. Napapakanta na namin siya. Uminom man siya ay isang bote lang at hindi magpapakalasing. Alam niyang walang maghahatid sa kanya. Hindi siya sumabay ng pag-uwi dahil may may naghihintay daw sa kanya sa bahay.


"Doon ka pa rin ba nakatira sa Hillsborough."


"Hindi na...Matagal ko nang naibenta ang bahay na iyon."


"Nabenta mo na ba?"


"Sabi noong ahente ng bahay ay may sure buyer na daw siya at ngayong Pasko sila magko-close ng deal."


"Ayaw mo na ba talagang tumira doon?"


"Sapat na iyon. Tumira akong mag-isa, minsan ding nagkaroon ng kasama pero sa bandang huli ay ...." Bigla siyang napahinto. "Red, sa susunod may ipapakilala nga pala ako sa inyo." Iniba niya ang usapan.


"Huh..."


"New boyfriend mo..." Tanong ni Jenny.


"Mag-aasawa ka na?" Sabi naman ni Caroline.


"Secret...Basta, dadalhin ko na lang siya sa ibang okasyon. Ayoko dito."



Lahat kami ay curious. Mukhang naka-moved on na talaga si Violet and this time, she is introducing us to someone. Excited kami. Minsan lang maging ganoon si Violet. Never siyang naging open sa amin. Kung hindi pa nga namin sila nahuli ni Max, hidni pa sila aamin.



Hindi ko binanggit sa kanya ang nalalapit na pag-uwi ni Max. Alam ko kasi, magkaaway sila. Nasabi ni Max ang pagsugod niya sa publishing house.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon