BELLS ARE RINGING

21 0 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Kinagabihan, habang nasa kama ang dalawa... Hinawakan ni Paris ang kamay ni Violet. "Violet, do you take me as my lawful wedded husband? " Sabi ng binata habang nakahiga sila sa kama gamit ang isang malaking unan.



"Yes, I do..."Sabay hagikhik habang unti – unting inilulusot ni Paris sa malakandilang daliri ng dalaga ang wedding ring. "Angganda ng singsing... " Bilog na bilog , simple at walang palamuti kundi ang pangalang nakatago sa ilalim nito. "Ehem, ako naman..." sabi ng dalaga. "Paris, do you take me as your lawful wedded wife, for richer for poorer, in sickness and in health, til death do us part."


"Yes , I do....til death do us part..." Sagot ni Paris at inulit ang huling kataga ng sumpaan ng dalawang kabiyak na nangangako sa isa't isa.


"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo. Anong sabi sa check up mo? Di ba magkasama kayo ni Mama kahapon?"


"Masyadong unpredictable din ang panahon ngayon, Violet. "


"Nagkaganyan ka lang noong sundan mo ako dito sa Maynila. Gusto mo bang doon na lang tayo tumira sa probinsiya? Okay lang sa akin." Sabi ni Violet. Handa rin niyang i-give up ang lahat ng bagay ngayon para lang sa lalaki.


"Okay lang sa'yo?"


"OO naman. Nagawa mo nga eh at magagawa ko din. I love you , Paris. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka." At ang mga katagang iyon ang mas nakapagpabigat sa kalooban ng binata.



Hanggang sa nakatulog ang dalawa sa piling ng isa't isa. Mahimbing at payapa na niyakap ni Paris si Violet ngunit hindi sila sigurado kung ang bukas ay magiging kanila.



Dumating ang pinakahihintay na araw ni Violet at Paris. Magkatabi pa ang dalawa ng nagdaang gabi at masayang nagkuwentuhan kung saan sila magpapa-reserve ng honeymoon. Napuno ng halakhak ang kuwartong iyon ng tawanan at kilitian mula sa kanilang dalawa.



Tulad ng gustong mangyari ng dalawang pusong nagmamahalan, ang ikasal sa harap ng altar, saksi ang Diyos at ang mga taong malapit sa kanila ang katuparan ng lahat plano nila. Gusto nilang pagtibayin ang kanilang sumpaan upang habambuhay na silang magsasama.



Excerpt from "My Lovely Bride"

Tinanong silang pareho ng pari...

"Donna Belle, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Noah Alexander,
na maging kabiyak ng iyong puso, sa habambuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon? "

"Opo, Father"

"Noah Alexander, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Donna Belle,
na maging kabiyak ng iyong puso, sa habambuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon? "

"Opo, Father"

Dumako sa pagpapalitan ng pangako sa isa't isa ang dalawa habang isinusuot ang singsing.

"Donna Belle, isuot mo ang singsing na ito tanda ng tapat at walang hanggang pagmamahal ko sa iyo. Ipinapangako ko kung paglilingkuran kita sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan hanggang sa paghiwalayin tayo ng kamatayan... Sa ngalan ng Ama ,ng Anak at ng Espiritu Santo... Amen"

Hindi maintindihan ni Noah kumbakit bigla siyang nanginig at kinabahan habang isinusuot kay Donna ang singsing.

Ang mga ganoong klase ng pangako ay hindi lang niya kay Donna sinasabi kundi sa harapan ng Diyos at sa lahat ng nakasasaksi ngayon. Bakit ko kailangang mangako ng totohanan? Sino ba ang nakakaalam ng totoo at hindi?

Si Donna naman... Nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. Nangingilid ang kanyang luha pero pinipilit niya itong pigilan kaya nginitian ko siya para mabawasan ang kanyang nerbiyos.

Titig na titig din si Lola Natalia sa kanya. Marahil ay hangang hanga sa ganda nito ng araw na iyon.

"Noah Alexander, isuot mo ang singsing na ito tanda ng tapat at walang hanggang pagmamahal ko sa iyo. Ipinapangako ko kung paglilingkuran kita sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan hanggang sa paghiwalayin tayo ng kamatayan... Sa ngalan ng Ama ,ng Anak at ng Espiritu Santo... Amen"

Nakatingin sa kanya si Donna habang binibigkas ang mga salitang iyon habang unti-unting inilulusot sa daliri ni Noah ang singsing. Ramdam na ramdam ni Noah ang kaseryosohan ng pagkakasabing iyon ni Donna. Wala itong halong pagkukunwari. Sa muli niyang pagtingin kay Donna, tumulo ang kanyang luha. Maagap niya itong pinahiran. Pareho sila ng pakiramdam.



Tiningnan ni Violet ang singsing sa kanyang kamay. Napangiti siya kasama ang butil ng luha sa kanyang mga mata. May hinanakit pa rin mula sa nakaraan ang pilit niyang kinakalimutan. Ang sugat na dulot nito at sadyang matagal maghilom.



"Mommy, shall we go?"


"Wait, Sweetie. I'm still saying a prayer." Nakapikit pa at nagdarasal si Violet. Yumuko ang bata upang paglaruan ang sindi ng kandila. "Hey, don't play with it." Saway nito.


"Okay, Mom...Shall we?"


"Yes, Xam..." Hinawakan niya ang maliit na palad ng bata atsaka lumayo sa lugar na iyon. Sabay silang umalis sa lugar na iyon at hindi nilingon ang mapuputi at sementadong tirahan ng matagal ng nakahimlay doon. Bahagyang nagsisiksikan na ang lugar di tulad ng nasa mga memorial park.



Una niyang inalalayan ang bata na pumasok sa loob ng kotse at hindi ipinahalata ang tuluyang pagtulo ng kanyang luha. Napahinto siya sa pinto ng kotse at sinikap na ayusin ang sarili bago pumasok sa loob. Alam niyang matalino ito at di mapipigilan ang bibig sa pag-uusisa. Matagal na rin iyon pero batid niyang mahirap makalimot. Kailan maghihilom ang sugat na dulot ng kanyang pagkawala? Ni hindi siya nagpaalam. Ni hindi niya sinabi ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan at isang umaga na lang....



Lahat ng mga plano nila ay naglahong parang bula. Anong babagsak sa kanya na higit pa sa langit at lupa? Gaano pa katindi ang pasakit na kanyang mararanasan dahil lang sa mga di inaasahang pagkakataon sa kanilang buhay?



Ganoon ba kailap ang kaligayahan para kay Violet?



At ngayon, hindi naman siya nag-iisa. May kasama na si Violet.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon