CONFRONTING MAX

15 2 2
                                    

VIOLET'S POV



Okay fine. Hindi ko daw kailangang takasan ang bagay na kinatatakutan ko. Iyon ay ang malaman ang totoo. Kapag nalaman ko ang totoo, masasaktan ako pero okay na iyon kaysa naman magkalokohan pa kami. Kung hindi ko haharapin si Max ngayon, kailan pa. Anong katatakutan ko sa kanya eh siya nga itong nakapang-agrabyado sa akin. Siya ang may kasalanan sa akin.



Knowing Max....OO, pilyo siya pero alam ko... sa akin lang niya nagagawa ang kanyang kapilyuhan. Hindi feeling close sa ibang tao pero syiempre, nagbabago ang mundo pati ang tao. Sikat na si Max at na boost na ang kanyang self-confidence. Over – confident na siya ngayon.



He can do whatever he wants, malay ko. Hindi ko alam kung ano ang lifestyle niya sa ibang bansa simula ng lumipat sila. Well, I don't need those tiny details now. Hindi na mahalaga ang lahat ng iyon. Ayoko ng malaman pa ang pinagdaanan niya dahil matindi ang pinagdadaanan ko ngayon . Uunahin ko pa ba naman ang nararamdaman niya. Neknek niya! Ang kapal din ng pagmumukha niya.



"VIOLETTTTTT! VIOLETTTTTTT! "


"Teka ngaaaa! sisirain mo ba ang pinto namin...OO kanina pa kitang naririnig at huwag mo akong gawing bingiiiii! Labas! Babaaaa!' Sigaw ko sa kanya. Sabay sara ng pinto.


"Kausapin mo ako. "


"OO na... Bumaba ka at sa baba tayo magtutuos." Inayos ko muna ang aking sarili. Doon namin tatapusin ang lahat para pagkatapos nito, ayoko na siyang makita.



Padabog akong bumaba ng hagdan. Naka-maong shorts ako at nakaputing t-shirt. Nakasuot sa akin ang St. Benedict na kuwintas, pangontra sa violent reactions ko. Ayokong makapanakit sa salita at maging sa kilos ko. Pero natural lang na magalit, sisigawan ko na lang siya. One meter ang layo para iwas sa pananakit.



Hahaha, parang ganoon nga ang nangyari. So , pagbaba ko, niyakap kaagad ako ni Max.



"Violet, dito lang pala kita makikita. Na-miss kita." Miss- missin mo ang mukha mong manloloko ka. Makati at malanding modelo, buwisit ka!


"As if naman hindi mo pa ako nakita. Matapos mo akong ipasok sa kuwarto ko... matapos mong magparaos, bwisit ka! Huwag kang lalapit at dyan ka langgg!" Naku, naalala ko na naman ang kagagahan ko sa lintek na panaginip na iyon. Sino ba ang makakatanggi na makipag-sex sa panaginip? Haller, hala huwag kang tumanggi kasi wini-wish mo ding managinip ng ganoon kahit once in your life.


"Violet... pananagutan ko ang bata kung mabubuntis ka." Yung bata lang pero hindi ako kasama. Hayop talaga! Anong klaseng pag-iisip ba mayroon siya ngayon? Impluwensiya ba ito ng liberated thinking. Shit! Umayos nga siya. Buy one take one ito. Dapat kasama pati ako.


"Gusto mong marinig ang sagot ko. I'll let you go, Max. Alam mo, hindi ito ang inaasahan ko" Yes, kalmado na ako. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ako ng tama at masabi ko lahat ang gusto kong sabihin. Hindi na ako mag-aasume. Hindi ako magkukunwari na hindi ako nasaktan. Masakit eh! "Thanks for coming and seeing me once again. After this, I want to start a new life without you in my head, without you in my heart." Ayos ang linya....Pangatawanan mo 'yan Violet.


"Violet...."


"We can no longer be friends, yan ang isaksak mo sa kukote mo at sa matigas mong bungo. Sinong babaeng gugustuhin pang makipagkaibigan sa dati niyang bestfriend na manloloko? Not me... I can not pretend that I wasn't hurt. "


"I am sorry, Violet."


"Apology accepted." Lalapit pa siya. Tinanggap ko kaagad ang sorry niya para walang masyadong usapan. Kung tapos, tapos na. "One meter awayyyyy!" Pero hindi na niya ako pinakinggan.


"Violet, kung alam mo lang ...." Ano ang hindi ko alam? Ayoko ng malaman pa lalo na kung manggagaling sa iyo , Max. I will never listen to you anymore. Ano ang hindi ko alam, di ba maliwanag pa sa kabilugan ng buwan na niloloko mo lang ako all this time.


"Damn you..."Hala, bad...


"Violet..." Isa pang banggit mo ng pangalan ko, Max. Masusuntok na kita. "Violet..." Inulit pa talaga niya. Kasi si Max, kapag paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko, lumalambot ang puso ko. Alam kong marami siyang gustong sabihin pero tumututol ang isip ko kasi nasaktan nga niya ako. Ang puso ko malapit ng bumigay kaya ayoko ng marinig ang tawag niya. Hindi niya gusto ang nangyayari lalo na ang sitwasyon namin ngayon. Never pa kaming naging ganito. Never kaming nagsumbatan, nagsagutan at umiyak ng ganito. Maliban lang noong umalis siya. Ni hindi nga ako nagalit sa kanya eh kahit noong halos –reypin niya ako sa ilalim ng kumot.


"Umalis ka na , Max. Siguro naman sapat ng malaman mo na tinatanggap ko ang sorry mo. Don't expecet me to come and see you on your wedding day because I will not come. Hindi ako impokrita para sabihing okay pa rin iyon sa akin. " Kasi dapat sana ako iyon. Dapat sana, kamay ko ang hawak mo at ang singsing niya ay singsing ko. Akin ka di ba? Di ba?



Halos ilang oras na ring nakaalis si Max. Iyak ako ng iyak sa dulo ng hagdan. Humahagulgol ako , nakokonsensiya ako. Gusto ko pa rin siyang tulungan. There goes the saying, What are friends for? Pero iba na ang mundo namin ni Max. I have to stop there or I will get hurt all the more. Hinayaan ako ni Mama na magmukmok sa kuwarto. Dinadalhan ako doon ni Honeylet ng pagkain. Alam ni Mama na matatapos din ang lahat, lalabas din ako ng kuwarto at bababa, lalabas ng bahay at tatawa na lang. Kasi wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat. Ako na nga ang talunan, ako na ang nawalan, ako na ang luhaan, ako na ang bigo... Tapos sila, masaya... NO WAY, that's not going to happen anymore. Kailangan ko ding maging masaya. Ano sila sinusuwerte?

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon