MAX'S POV
Who could even foretell what future lies ahead of me? I was totally helpless and broken – hearted when we went back to London. Doon ko na lang pakakasalan si Fiona.
"Max, sigurado ka ba sa balak mo..."
"Yes, Mama..." But then someone came up to me and said, " I got sex with Fiona the night you fell unconsciously."
"What are you talking about?" Kasi nga hindi ako sanay uminom. Pinilit lang naman ako doon. Pero isang tagay pa lang , dalawa hanggang tatlo, wala na ako sa ulirat. Inamin niya na ginamit lang daw ako ni Fiona kasi hindi niya masabi ang totoo sa kayang magulang na mas mahal niya si Brendan. Matagal na niya itong kasamahan sa modeling kaya lang wrong timing ang lahat.
I felt relieved. Hindi natuloy ang kasal namin ni Fiona. Tulad ng ginawa ni Violet sa kanyang kuwento, hindi daw kami magkakatuluyan. Hindi talaga buntis si Fiona tulad din ng sabi sa kanyang kuwento. Sinundan ko ang kuwentong iyon ay ipinagdasal ko ding magkatotoo ang mga sinasabi sa kuwento. At nagkatotoo nga.
Masaya akong nakibalita kay Tita Nektar. Wala kasi si TIta Tatiana. Bigla akong nalungkot sa aking nalaman. Sinundan daw ni Paris si Violet sa Maynila at mukhang sinusuyo nga ni Insan ang dalaga. Mukhang tinaman nga talaga si Paris kay Violet. Eh kasi naman, mas maganda si Violet ngayon kaysa noong teenager kami. Mas matured look, mas maganda.
Iyon lang ang nabalitaan ko . Hindi muna ako bumalik sa Pilipinas lalo pa't kababalik ko lang sa trabaho. Malaki ang naging gastos namin ni Mama nang umuwi kami kasaam si Fiona.
Matapos ng photo shoot, diretso na ako sa condominium na tinutuluyan ko. Wala akong ganang lumabas. Gusto ko lang magbasa buong maghapon. Na-miss ko si Violet . Matagal na ang tatlong buwan na hindi kami nagkita. In fairness, anggaling niyang gumawa ng libro. Sikat na sikat na siya ngayon. Pero hindi na siya nag-update ng mga kuwento sa Wattpad.
"Kumusta na kaya si Bestie?"
Hindi ko na mabuksan ang kanyang WattPad account. Mukhang pinalitan na niya ang kanyang username at password.
Just then, naisip ko lang makibalita kay Red kung kumusta na si Bestie.
"Max, i-follow mo si VIOLETSRBLUE..."
"Sino namang author 'yan?"
"Ay basta. i-follow mo ha! Believe me, makakarelate ka sa mga hugot niya."
There i found our story....Alam kong ginagawa iyon ni Violet upang ilabas ang kanyang sentimyento sa buhay. Nagpapaka-Nostradamus na naman siya sa kanyang mga love forecast. And she gave me the idea to make my own version of her fortuneteller's story. Naniniwala kasi siya na bawat isulat niya ay nagkakatotoo. So iniiisip niya ngayon na ang isinulat niya tungkolsa Max's Bride ay magkakatotoo. Baka iniisip niya ngayon na may asawa na ako.
Matagal ko nang follower si Red. This time I will let him read my own version of Violet's story. Gagamitin ko din ang kanyang title pero my additional word to make it different from mine. But whatever you read will just be a counter-attack....Gusto kong i-break ang spell.
Nag-international call ako kay Paris. And believe me, I feel something strange when I talked to him.
"Insan, kumusta kana?" Mabuti naman daw siya.
"Kumusta na si Violet?" She is well-taken care of...
"Insan, hindi natuloy ang kasal namin ni Fiona. Tama si Mama. Hindi ako ang ama ng batang dinadala niya. It means I am free." And there was silence.
"Insan nandyan ka pa ba? "Akala ko kasi naputol na ang linya. Bgla siyang nanahimik sa kabilang linya.
"Hindi pa naman ako makakauwi..."Ingat na lang daw ako lagi at naputol na ang aming usapan. Napasimangot ako. Hindi man lang siya nagkuwento tungkol kay Violet. Nakita ako ni Mama na tila naguguluhan.
"Hmm, sino ba ang kausap mo?"
"Si Paris, Mama. Kinukumusta ko si Violet?"
"Di mo pa ba nakakalimutan si Violet? Ipaubaya mo na siya sa pinsan mo, Max. Go find another girl and be happy."
"Ma, Violet is my only happiness and I shall be back to win her."
"Hindi mahirap mahalin si Paris, Max.Paris can do anything to make Violet fall in love with him."
"But he can never replace me in her heart."
"Huwag kang masyadong umasa dahil pinaasa mo din si Violet noon. You can't even communicate with her until now so how can you be so sure that her heart is still yours"
"Ma, do you know something?"
Hindi na nagkaila si Mama. Nanlumo ako sa aking nalaman at parang gusto kong umuwi kaagad sa Pilipinas. Magtutuos kami ni Paris.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
