VIOLET'S CUBICLE
PUBLISHING HOUSE
Nakaupo at nakasalumbaba sa aking mesa. Sa harap ng computer na tila ba nananalamin. Matagal – tagal na rin kaming nagkalayo ni Max. Halos pitong taon na rin simula ng magtapos kami ng high school. Masuwerte talaga si Max. OO, sa tingin ko masuwerte nga siya. At ako, minamalas...
Hindi ko alam kumbakit parang may buhay ang mga salita ko at tila ba nagkakatotoo ito. Naging aral sa akin ang una kong kuwento na ginawa tungkol kay Max at sa kanyang first love na si Maegan. Pinaglaruan lang siya ni Maegan at nakita ko kung paano nadurog ang puso niya. Kung gaano siya naapektuhan ay apektado din ako. Simula noon hindi na ako gumawa ng mga kuwento na puno ng kabiguan lalo na kung si Max din lang naman ang gagawin kong karakter.
Hindi ko kaya ang pag-iyak ni Max dahil sa kanyang kabiguan. Ang totoo, guilty ako sa nangyari. Kinabukasan na lang, matapos kong i-post ang kuwento, sumubsob siya sa kama ko. Tumabi siya sa akin at hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin kasi iyak siya ng iyak. Nagpakalasing siya nang araw na iyon at sa kuwarto ko siya nakatulog sa sobrang sa kalungkutan. Mukhang nagkaroon ng buhay ang kuwentong ginawa ko.
Palibhasa, nalilito ako sa nararamdaman ko kay Max. Paano ko mamahalin ang kaibigan ko? Hindi ko alam kung ang lahat ay nagkataon lang.
Is it against the rule to love your bestfriend?
No rule as such telling us " Thou shall not love thy bestfriend" eh sa Bible nga, may love your neighbor. And who is my neighbor? kasama doon ang iyong enemy. O kita mo na. Kung may love your enemy, bakit hindi puwede sa bestfriend. Love your bestfriend. Love them both. Love your frienemy.
Sige, i-justify pa na puwede. Eh nalilito nga ako dahil parang wala sa pamantayan ko na maging first love ang bestfriend.
Tinitigan ko ang larawan ni Max habang naka-high jump siya . Nakaguhitang pula siya in three-fourth cut ang kanyang t-shirt. Nakasuot siya ng brown na short na hanggang tuhod. Topsider na pula. Maganda ang kuha niya sa commercial na iyon ng sapatos. HInawakan ko ang monitor. Sasalatin ko na sana ang monitor. Nag-i-imagine na nasa harapan ko siya at hinihipo ang kanyang pisngi.
Wow! sa drama...
"HOY!... Ano na naman ang drama? Bb. Violeta, tawag ka sa opisina ni Miss Purisima. " Sabi ni Faye. Nag-make-face siya sa akin. Alam niya ang morning ritual ko, habang nakaharap sa monitor.
"Wala ka na namang ginawa kundi mangarap kay Max Oliver. Hay naku, Violet. Get real! Mangangarap ka na rin lang eh huwag naman 'yong sobra pa sa imahinasyon mo. I-WATTPAD mo na lang iyan para kumita ka." Hinampas ko nga siya sa braso. Umaabusong magsalita porke't naaprubahan lang ang kuwento niya. Anglakas ng loob mag-comment. Ihataw ko kaya sa kanya ang keyboard. Mas magaan ito at madaling ihampas sa kanya para matauhan. Masyadong yumayabang eh. Nakakainis!
Kinakabahan tuloy ako. Alam ko na ang sasabihin ni Ma'am Melanie sa akin.
"Find inspiration, Violet. I can give you a vacation. No problem with that. You can still have this job. I am not firing you out. Ano bang problema?"
"Ma'am Melanie ..."
"I was once your age. Alam kong may kanya – kanya tayong pinagdadaanan. Minsan nadadala namin sa trabaho ang problema natin. Kahit sabihin pa natin ng ilang beses na iwan ang problema sa bahay, minsan nagsa-suffer talaga ang trabaho natin."
"Ma'am naman, gusto ko po ang trabaho ko."
"Violet, I want you to comeback here with the same passionate writer as your were when I first meet you. Tell me, si Max ba? " Diretsahan niyang tanong sa akin.
Bumalik ako sa aking cubicle. Isang click lang, mukha na ni Max ang nakita ko sa monitor. Malaking mukha ni Max ang nagsilbi kong inspirasyon para maging isa akong writer. Akala ko nga hindi ko na maaabot ang pangarap ko. I became a teacher. NOW a WRITER...
But I have to leave for now. Kapag hindi ko nahanap ang sarili ko ngayon. Tapos ang career ko at hello na naman sa pagtuturo...Whew! I can't imagine... OMG! NOOOOOOOOO!

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...