CATTLEYA VS. TATIANA

32 0 0
                                        

CATTLEYA'S POV



Kaalis lang ni Max ng dumating si Tatiana. Nagulat talaga ako sa kanya. Umagang umaga at nagpuputak siya sa loob ng aking sala. Mainit ang kanyang ulo. Hindi ako makasabat sa kanya. Galit na galit siya kay Violet.



"Paano niya nagawang pagtaksilan ang anak ko, Cattleya? Paano nagawang magtaksil nina Max at Violet para maging ama ni Xam si Max?"


"What are you talking about, Ana? Well you please calm down. Sumasakit ang tenga ko sa ingay mo ha! Please lang... pleaseee!" Kadarating lang niya at heto, gumagawa na kaagad ng eksena. Sakit talaga sa ulo itong si Tatiana. Mabuti at hindi nakamana si Paris ng ugali sa kanya.


"Ikaw? Anong alam mo sa ..." Pinaupo ko muna si Ana..."Maupo ka nga muna at kumalma ka... Mahina ang kalaban." Pero bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. May anak sina Max at Violet.


"Pinagbibintangan mo ba ako?"


"Palagi mong kasama ang anak mo pero paano nangyaring ...Hindi talaga ako makapaniwala. Paano? Paano nangyari iyon?" Halos ibalibag niya ang throw pillow sa mukha ko. "Nasaan ba si Max? Nandito ba si Max? " Tumayo siya at balak pa talagang hanapin si Max. Gusto yatang pasukin ang kuwarto nito.


"Look, wala dito si Max. Umalis siya. Kailan ka pa lumuwas ng Maynila? Kumain ka na ba?" Niyaya ko siyang mag-almusal. Baka kasi gutom lang siya.


"Huwag mo ngang pagtakpan ang kalokohan ng anak mo. Kaya 'yan lumaking spoiled dahil lahat ibinibigay mo."


"Teka ngaaaaa, saglit lang ha! Ikaw kanina ka pa eh! Agang –aga, susugud-sugod ka dito tapos pangangaralan mo ako. Huwag mo nga akong sinusubukan Ana at baka lalo akong hindi makapagtimpi sa iyo. Kanina mo pa akong pinagbibintangan ha! Sa lahat ng ayoko, 'yung pinagbibintangan ako ng isang bagay na hindi ko ginawa. Umayos ka!" Na-high blood na rin ako sa kanya. Kasi kapag hinayaan ko siyang bungangaan ako ng kung anu-ano eh baka hindi na ako makapag-isip ng tama at topakin ako sa kanya.



Bigla siyang nananhimik. Akala niya siguro, madadaan niya ako sa sindak. Ay talaga lang ha!



"Ilabas mo na lang si Max nang magkaalaman ng totoo. Ipinagtatanggol mo pa ang magaling mong anak."


"Wala nga dito si Max. Angkulit mo!"


"Ilabas mo ang walanghiyang iyan..." OO, walanghiya na kung walanghiya pero anak ko pa rin si Max. Anuman ang naging pagkukulang niya kay Violet at kung may nagawa siyang kasalanan kay Paris, alam kong nagkaayos na silang tatlo. Mabuting bata si Paris. Hindi siya kailanman nagkimkim ng sama ng loob sa kanyang pinsan. Naging mapagbigay si Paris ngunit hindi pagdating kay Violet. Bagamat pilyong bata si Max, kapatid ang turingan nilang dalawa. Anuman ang pagkukulang nila sa isa't isa ay pinalalampas nila.


"Ana, ni-rape ni Max si Violet." Kumalma na ako. Galit na galit si Ana at hindi ko siya kayang pigilan. Lalo siyang nagwawala. Ngunit natigalgal siya ng marinig niya ang sinabi ko..." OO, ni-rape ni Max si Violet. Masaya ka nang malaman na walanghiya talaga ang anak ko dahil lang sa sobrang pagmamahal niya kay Violet."


"Cattleya..."


"Nag-iskandalo ka ba kina Violet para ipamukha sa kanya kung gaano siya kasamang babae?" Iyon ang dating ng mga sinasabi niya. Pinuntahan niya ngayong umaga si Max para komprontahin ang aking binata at kung paano sila nagkaroon ng anak.



Yes, alam kong ni-rape ni Max si Violet. Rape na maituturing iyon dahil sa biglaang pagkawala ni Violet. Sinundo siya ni Max ng gabing iyon sa kanyang trabaho pero hindi naging maganda ang kinahinatnan ng lahat. Naging marahas si Max at nawala siya sa katwiran. Naging mahina siya at mas nagpadala sa tukso.



At nagbunga ang lahat...



Mas na-excite akong makita ang aking apo.



Biglang natahimik si Ana na kanina lang ay nag-iiskandalo sa loob. Bigla siyang napaiyak.



"Ana, mahal na mahal ni Max si Violet...." Ikinuwento ko ang nangyari ng gabing iyon at kung paano nag-alala sa paghahanap si Paris kay Max at Violet. Kinabukasan ko na lang noon nalaman ang nangyari dahil nakita ko mismo si Violet.



"Totoong anak ni Max si Xamxam?"



"Siguro? Hindi ko alam...pero kung nagbunga ang panghahalay ni Max, alam kong anak nga nila ang bata." Hindi ko maipakita kay Ana ang pananabik ko. May dahilan ang lahat. Natitiyak ko...



Pareho kaming umiiyak. "Masyado akong naging harsh kay Violet, Cattleya."



"Hindi mo naman iyon sinasadya at hindi mo din alam ang nangyari.May pagkakataon pa para humingi ng paumanhin, Ana."



"Ibig sabihin ba eh, talagang meant to be sina Max at Violet."



"Eh ano pa nga ba?" Niyakap ko si Tatiana. Masyado siyang padalus-dalos. Hindi ko siya masisisi. Mahal niya si Paris. Mahal niya si Violet. Inangkin niyang tunay na apo si Xamxam. Pero walang problema doon. Eh di apo namin siya.



Kahit anong mangyari...



Si Violet ay para kay Max...



At si Max...


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon