FFF( FAST , FORWARD, FUTURE)

13 0 0
                                        

MAKALIPAS ANG 2 TAON....


VIOLET'S POV



Hindi ko na nasundan ang mga post ko sa Wattpad. Madami akong nai-post na kuwento pero hindi ko pa rin natapos.Lahat naman nang iyon ay organisado sa aking MSWord. Nasa isang folder ang lahat ng librong natapos ko na. Nasa ibang folder naman iyong nai-post ko pero di pa tapos at may folder din ang mga kuwentong gusto kong umpisahan pero wala lang akong time.



"Xam, dalian mo, baka ma-late ka for school."



"Yes, Mommy..." Hindi ko namalayan, gagraduate na si Xamxam. Retreat nila ngayon sa Batangas pero kailangan siyang ihatid sa school dahil sa isang bus lang sila sasakay. Sabay-sabay ang buong batch nila na pupunta sa Divine Mercy Batulao.



"Daddy, make sure to go home before my graduation just as you promised." Dinig kong sabi niya habang naka-blue tooth speaker phone siya. Naupo siya sa mesa at ako na ang naglagay ng kanin sa plato niya.



"Kumain ka na..." Pabulong kong sabi sa kanya. Naiintindihan naman niya ang sinabi ko at sumubo na siya kahit kausap pa ang ama.



"Daddy, kailan ka po ba uuwi?" Sabay tingin sa akin ni Xamantha...tapos titingin pa sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti . "Ehem, si Mommy..." Wow, mukhang pati ako pinagkakaisahan nilang mag-ama. "Katabi ko si Mommy... Good morning daw, Mommy...' Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung totoo ba ang sinasabi niya.



"Dalian mooooo..." Hayan at may nagdingdong na nga...



"Daddy, I need to rush...Let's talk some other time. Get enough sleep and I 'll just watch your show next time. Yeah, got your mag...I love it , Dad..." Nakailang subo lang si Xam...kasunod naman si Mavi na pupungas-pungas pa na bumaba ng hagdan, kasama niya si Mama Cattleya.



Napilitan na akong lumipat sa dati kong dream house. I feel secured here and the house is more homey kaysa sa condo unit. Kahit nai-enjoy ni Mavi ang Greenhouse sa rooftop ng condo, mas mainam pa rin na nakakapamasyal siya sa labas, nakakapagpalakad sa kalsada tuwing hapon, naglalaro sa playground at nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata. Hindi iyon naranasan ni Xam dahil lumaki na siya sa condo. Naging masasakitin siya simula ng bumalik si Max sa London. When he realized that Max is not coming home, hindi ko siya mapatahan. Dumoble ang sakit na nararamdaman ko mula sa mga galos na nakuha ko sa aksidente. Mas masakit yung wala kang magawa para sa anak mo dahil imposibleng bumalik si Max... milya-milya ang layo nilang mag-ama. Kaya wala kaming choice noon kundi tawagan si Max.



"Iho..."



"Mavi, daddy is on the phone." Ah, nakakaawa ang hikbi ng aking bunso. Pakiramdaman yata niya ay inabandona na siya ni Max.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon