VIOLET'S POV
Tumahimik ang mundo ko after mag-break nina Max at Maegan. Hindi sila nagtagal. Ang kawawa kong kaibigan, naging panakip butas ng kanyang long time crush. Kung kailan first time, akala niya forever kaagad. First crush, first love, first time, first heartbreak din kaagad. Lahat ng mga nangyayari sa kanya, tumatak sa isipan ko. Masyado akong naging curious kay Max pero para lang gawin siyang bida sa aking kuwento.
And ideas kept coming... Habang nagka-klase ngayon, nahahati na ang isipan ko sa paghabi ng iba't ibang eksena para sa mga kuwentong gagawin ko. And there is always Max...
MAX meets MS.XXX (TRIPLE X)
Nakilala ni Max ang isang babaeng mahilig manuod ng porn. It was just an accident na biglang magbukas ang kanyang chatbox. Nagpapakilala sa kanya sa Ms. XXX. Later sa mga conversation nila, napansin ni Max na nagiging seryoso at lumalalim ang kanilang usapan hanggang sa magyayang makipag-sex ang babae through the phone. Hindi nakuntento at nagpapadala na ng malalaswang video sa kanya si Ms. XXX. Doon naranasan ni Max ang ma-arouse. Gumana ang kanyang imahinasyon at unti-unti siyang na-curious... Inan-follow niya ang babaeng iyon hanggang sa ini-report na niya na i-block ito ng FB.
Ang epekto, nagsimulang mag-explore si Max sa mga malalaswang magazine at nahawa na siya kay Ms. XXX. Na-realized niya na isang araw, adik na rin siya sa panunood ng mga porno sa Youtube at mga Adult Sites sa computer.
Until one day, Max did it with his girlfriend...It all started with curiousity not knowing the big responsibility afterwards...And Max is about to begin his journey to fatherhood....
Naka-1k reads ito in a month at isa na sa mga recommended stories sa WATTPAD.
May 300 votes... kaya parang natuwa na rin ako.
May 10 conversations... giving reactions about their personal experience kung saan nakakarelate sila sa kuwento ni Max.
MY BESTFRIEND'S GIRLFRIENDS
( Ang totoo, kuwento ito ng Max nang magsimula siyang lapitan ng mga babaeng dating isnab sa kanya. Nagbago na kasi ang dating ni Max simula ng makita siya ng mga kaklase ko sa telebisyon. Biglang bigla siyang naging si Mr. Popular. Isang umaga na lang pinagkakaguluhan na siya ng mga estudyante at nagpapa-autograph pa. Nagtatakbo tuloy si Max para magtago.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, nag-lie low ang lahat. Kapag hindi daw sila tumigil ng kahibangan kay Max, masususpinde silang lahat. E di nanahimik kami pero dinagsa siya ng sangkaterbang love letters. At doon nagsimulang manligaw si Max... Application na ng kanyang natutunan sa aming training. At hindi ko nagustuhan ang lahat kaya unti-unti akong lumayo hanggang sa tuluyan na kaming nagkahiwalay at nawalan ng komunikasyon. Nagbagong bigla ang buhay ni Max.)
Kuwento ni Max na isang simpleng binatilyo na naghahanap ng true love. But it all started as being a playboy. Sina Marian, Alexa, Ebony at Ivy ang ilan sa mga naging kasintahan ngunit napabilang sa kanyang mga pinaiyak at pinaglaruan. Siya ang binatang nabubuhay sa mga choices A,B,C and D. Walang E for none of the above. Madali sa kanya ang magdispatsa ng babae dahil palagi siyang may reserba. Wala siyang pakialam kung umiyak ang mga ito at magmakaawa sa kanya. Mas mahalaga sa kanya na mahanap ang definite preference kaysa nararamdaman niya. He will stick to his standards kahit iyon ang nakakapagpahirap sa kanya. At ang masakit doon, those standards have to be met by hook or by crook or else, hindi niya makukuha ang kanyang mana.
And it was all but a TEST.
Nahanap niya ang babaeng mamahalin niya ngunit kailangan niyang matutong ipaglaban ito. Ipinaglaban nga niya ngunit siya naman ang iniwan ng babae. Nakatakda na silang humarap sa altar ng hindi siya siputin ng babae. Bahagi pala yon ng paghihiganti ng babae sa kanyang kapatid na binigo ni Max at pinangakuan din ng kasal . Nagpakamatay ang babae ng malamang buntis siya at walang balak na panagutan ni Max ang batang kanyang dinadala. Hinanap ni Max ang babae ngunit huli na ang lahat...may malubha siyang sakit. Anumang yaman ni Max, gaano man kalaki ang kanyang pagmamahal hindi na niya nadudugtungan ang buhay ni Lara...
Tuluyang pumasok ng seminaryo si Max at inilaan ang kanyang buhay sa pagsisilbi sa Diyos.
Marami ang naantig sa kuwentong iyon. May mga nainis sa klase ng mga lalaking tulad ni Max. May ibang dalang-dala at relate na relate sa kabiguang kanya ding naranasan sa ganoong klase ng mga lalaki. May isang halos isumpa ang mga lalaki... maging bakla daw sana ang maging anak nila, makaganti man lang daw sa kanilang pagiging polygamous.
3.5K reads as of April
1k votes
150 comments
May kumatok sa aking pinto. nakaharap ang mesa ko sa bintana. Tahimik akong nagmumuni-muni kung ano ang kasunod na eksena sa My Bestfriend's Girlfriends... Parang nakakatakot naman ang trahedyang mangyayari sa kuwento. Magpapakamatay pa talaga... Hay sana naman, hindi magkatotoo ang ganitong eksena kasi nakakatakot. Baka mamaya, magkatotoo sa buhay ni Max... Lalo akong ma-gi-guilty.
"Bestie, masyado ka yatang busy? Labas naman tayo." Nagbeso sa akin si Max pero sa halip na hayaan siyang humalik sa pisngi ko bigla akong napaharap sa kanya. Dala ng aking pagkataranta ng hawakan niya ako sa balikat at bigla akong humarap sa kanya kaya ang siste, labi sa labi ang nangyari. Tuluyan niyang inginudngod ang kanyang labi sa labi ko. Peste! basa ang labi niya kaya nabasa ang labi ko. Hindi na smack, lips to lips na talaga. Binasa niyang muli ang kanyang labi at kinagat ito.
Bigla kong isinara ang aking laptop.
"Pabasa naman... Nag-a-update ka ba?" Napansin ko na busy si Max sa pagsama-sama kina Keyan, Newell, Jongchi at Artaemio. In fairness, may barkada na siyang iba. Mga pogi ding tulad niya.
"Istorbo ka talaga!" Nakayuko siya sa akin. Ayoko nang tinitingnan niya ang ginagawa ko kaya palagi ko siyang pinagtatabuyan. Puwede naman niyang basahin ang mga librong nai-post ko na kung ia-add niya sa reading list ang mga iyon. Alam niya ang gagawin kaya lang iba na ang pinagkakaabalahan niya ngayon.
Someone has spotted Max to be a model... At hindi ko iyon kasalanan. Wala pa akong ginagawa but his fate slowly begins to make his life exciting.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Roman d'amourA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...