GET TOGETHER WITH MAX

13 0 0
                                    

MAX'S POV



Matapos ang mainit na pagtatalo at pagganti sa akin ni Paris ay sinikap kong libangin ang aking sarili. Tamang tama naman at Biyernes na bukas kaya niyaya ko ang buong barkada sa dating tagpuan. Syiempre, sagot ko lahat dahil first time sa loob ng mahabang panahon na hindi ako nakasama sa get together.



Naunahan nila ako ng pagpunta doon. Halatang excited sila sa aming kitakits. Masayang masaya ang buong barkada ng dumating ako sa aming dating tagpuan.



"Max, baka hindi makarating si Violet ha!"


"Bakit daw?" Syiempre, kunwari pa ako.


"Maysakit yata si Violet. Si Paris ang nakausap ko eh. Pero noong minsan na binanggit kong nandito ka na eh sinabi naman ni Violet na nagkita na raw kayo dahil pinuntahan mo siya sa bahay. "


"OO, pinuntahan ko na siya doon."


"So, anong nangyari? Nakita mo ba ang pinsan mo?"


"OO..." Napabuntunghininga na lang ako. Binanggit din ni Red na welcome naman si Paris sa get together kaya naisasama naman siya ni Violet sa kitakits. Ipinakilala din naman daw siya ni Violet na boyfriend niya. Nalaman ko din ang mga ginawa ni Sadam pati na sa pagitan ng kanyang girlfriend at ni Violet . Hindi pa rin pala maka-get over si Sadam. Pareho lang kami ngayon kaya wala akong karapatang tawanan ngayon si Sadam.



Ako ang nag-set ng date na iyon. Same room, same time. Suki na kami doon. Tuwang tuwa rin si Bojo. First time din niya ulit na nakadalo ng get together si Bojo dahil kababalik din lang niya galing Dubai. Inhinyero kasi ang tinapos ni Bojo.



Walang katapusang kuwentuhan at kantahan ang nangyari ng dumating ang iba pang mga babae sa barkada. Nakita ko ang hawak ni Rio.



"Ano 'yan?" Tila pocketbook ang hawak niya. May dalawang bahay-kubo na naka-veil. Nasulyapan ko ang pamagat "Bahay-bahayan, Kasal-kasalan". Napangiti ako.


"Hey guys. Violet's new published book is out in the market. Get a copy. Este buy a copy pala." Sabi niya. Ikinaway ang libro sa hangin.


"Wala bang libreng kopya galing kay Author?" Sabi naman ni Red. Pero siya ang madalas mag-update sa akin ng tungkol sa mga libro ni Violet. OO nga pala. Lately, hindi ko nabubuksan ang WattPad ko.


"Pahiram nga..."Ito yata ang binabanggit ni Red sa akin. Iniharap ko sa kanya ang libro at tumango siya. Tahimik akong umupo at binuklat ang unang pahina. Kuwento ito nina Maggie at Inigo.


"Uy, Max..."


"Wait lang..." Napakong bigla ang mata ko sa kuwento ng libro. Bigla akong kinabahan. Why do I have this feeling sa tuwing nagbabasa ako ng libro ni Violet? Nandoon ang kaba.



Hindi na ako pinansin ng ilan. Saglit lang sa akin ang isang pocketbook na iyon. Bago ako tumayo ay natapos ko ang kuwento.Lahat ay napatingin sa lugar ko ng bigla kong ihampas ang libro sa mesa.



"Max, anong nangyari?" Tanong ni Caroline.


"Mag-ingat ka naman. Kabibili ko lang ng librong iyan." Sabi ni Rio.


"Tragic di ba?" Sabi ni Rose at mukhang nabasa na rin niya.


"First time ni Violet gumawa ng ganyang klase ng kuwento. Angganda nga eh. Nagbago ang taste niya. Fresh thing, kakaiba ang style at atake." Sabi ni Red. Lahat kasi kami ay critic ni Violet sa mga ginagawa niyang kuwento. Kay Red lang ako naglalabas ng mga komento.


"I appreciate people like Maggie who tried living with Inigo kahit first time niyang maranasang maghirap. Iyan ang totoong vow, for richer, for poorer, hindi mag-iiwanan." Sabi ni Jenny.


"Yet, how we wished that happy ending is always for the two of them?" Sabi pa ni Red.


"OO nga eh, at ang lalaking pinagkasundo pa sa kanya ang nakatuluyan niya at minahal siya tulad ng pagmamahal ni Inigo. So life is fair in the end." Sabi ni Rose.


"Remember, things happen for a reason..." Because life is also unpredictable. Napaka-positive kong magsalita.



Hindi na ako makausap ng matino sa nabasa ko. Tinatanong nila ako. Pinipilit na magkuwento kasi matagal nga kaming hindi nagkita-kita. Naupo ako sa bench ng bakuran namin at napatingin ako sa madilim na kalangitan. Kasingdilim ng mga pangyayari ngayon sa buhay naming tatlo nina Violet at Paris. Kailangan kong makausap si Violet tungkol sa isinulat niya. Hindi ako makapapayag sa ginawa niyang ending.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon