MAX'S POV
Yes, I am back.
I am back home with Mama Cattleya and with my fiancée.
I am about to settle now. I am 25 years old and almost fulfilled. Pagpapamilya naman ang aking haharapin. Hindi ko balak abutin ng 30 years old bago mag-asawa.
"Mama, kumusta si Violet?"
"Okay naman..."
"May boyfriend na?"
"Sabi ng Tita Cherry mo, wala pa. Akala ko ba , hindi siya puwedeng magboyfriend dahil kailangang hintayin ka niya?" Yes, that's what I said a long time ago. Nagpahintay ako. Paasa at pa-fall ako noon kay Violet.
"Maxwell Honey..." Iyon ang screen name ko. I was know as Maxwell. Niyakap ako ni Fiona Clifford ang aking fiancée. Hindi namin napansin ang pagsulpot ni Fiona sa aming likuran habang nag-uusap kami ni Mama. Niyakap niya ako at hinalikan kaagad.
"Hi there... did you sleep well?"
"Yeah, why didn't you sleep beside me, Honey?"
"That's not going to work here. Not with my mom with us." Napatingin si Mama. Alam niya ang ibig kong sabihin. Nagtatabi na kami ni Fiona way back in London. Isa siyang French national. Kasama ko siya sa modeling career.
Tinalikuran na ako ni Mama. "Fiona, come here now and let's eat breakfast."
"Sure, Cattleya." Napasimangot si Mama dahil iyon lang ang tawag sa kanya ni Fiona. Hindi naman kasi uso sa mga dayuhan ang tumawag ng tita. Hindi ako sigurado kung gusto ba ni Mama na tawagin din siya ni Fiona ng Mama. Tinuruan niya si Fiona ng ilang gawaing bahay.
Tahimik kaming kumain ng agahan. Biglang bigla kasing si Violet ang hinanap ko. At saksi si Mama sa paasa moment k okay Violet. Alam niyang nagpapahintay ako. Gusto kong magpunta sa bahay niya pagkatapos kumain. Sabi kasi ni Mama, may bahay daw si Violet dito sa subdivision kaya pagkatapos kumain ay lihim akong nag-usisa sa kanya. Dumiretso kasi sa kuwarto si Fiona. Matutulog muna daw ulit siya. Pagod pa siya . Hindi ko muna siya inistorbo.
Sa may Condor St. daw ang bahay niya. Alam ko naman ang lugar na iyon dahil matagal kaming tumira dito sa Hillsborough. Lahat ng sulok dito ay nadaanan na namin ni Violet. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Ang bakuran ay may mababang white wooden fence, with swing at mini – patio. May mga puno at halamanan. Puro salamin ang baba... Nakatayo lang ako doon ng madaanan ako ng isang babae.
"Good morning there..." Kumaway sa aking harapan ang babae habang natulala ako sa bakuran. "Ah, nagandahan ka din ba sa bahay na iyan? Hangang hanga nga kami sa pagkakadisenyo nyan eh. May may-ari na nyan... si ..."

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomansaA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...