COVER UP

21 0 0
                                    

DOC'S POV



Hindi nagustuhan ni Violet ang pagsabat ko at sinabi kong kaibigan lang niya ako. Okay lang namang malaman nila na pinsan ako ni Max dahil kabarkada nila si Max. Why do I have the feeling na kailangan kong magkunwari? I thought it's a good idea pero hindi pala.



Anyways,may mas mabigat kaming problema ngayon. Dadalaw kaagad sina Mama at Tita Cherry. Parang isang linggo pa lang ako dito sa Maynila...



Maaga kaming gumising ni Violet. NIyaya ko siyang mag-jogging sa village. Mukhang payapa ang umaga at may mangilanngilan akong nakikitang nagdya-jogging din.



"Mahal, halika na. Gising ka na at mag-jogging tayo." Ginising ko siya ng halik ko.


"Maxxx, ano ba?" Nakapikit pa siya habang nagmamaktol na umupo sa kama."kasi naman eh..."Pero bigla siyang napamulagat. Bigla niya akong niyakap." Paris, sorry..."Nagkamali siya ng tawag sa pangalan ko.


"That's okay!" Sabay buntunghininga atsaka ako tumayo. "Hihintayin kita sa baba. Move fast." After five minutes, nakababa na siya with her complete work out attire. Naka-black cycling at racerback na fitted shirt with her violet Nike rubber shoes. "Let's go habang hindi pa masyadong mainit." Pero nagulat ako ng bigla siyang bumaba sa likuran ko. Palabas na kami ng pinto. Hindi namin inaasahang nakatayo doon ang isang matandang babae. Hindi siya si Mrs. Garcia.


"Good morning , Mrs. Chang..."


"Good morning, Violet. Balita ko may kasama ka na dito. Is he your fiancee? Kailan ba ang kasal? Uy ha, imbitahin mo ako kasi gusto kong mapuntahan ang probinsiya ninyo." Sabi ng matanda. Ngumiti lang si Violet. Nagpaalam siya sa matanda at saka kami nagsimulang mag-jogging. Nadaaanan namin ang dating bahay na tinuluyan nina Max. Dito nakatira ang aking mga tiyahin, ang aming mga kamag-anak. Dito dapat ako titira pero mas gusto kong kasama si Violet sa iisang bubong.



Huminto muna ako doon at pumasok sa tarangkahan."Bakit tayo pupunta dyan?"sabi ni Violet at hinila niya ako. Alam ko namang ayaw niyang iniintriga siya kaya naiintindihan ko. Umalis na lang kami at ipinagpatuloy ang pagtakbo.



"What do we have for lunch?" Tanong ko.


"What do you have in mind, Master of the House?" Ibinalik niya sa akin ang tanong. Nagulat ako sa sinabi niya. Siya ang Master of the hOuse at hindi ako.


"Ano bang gusto ni Mama na puwede naman kay TIta Cherry?"


"Hindi naman choosy si Mama."


"Ganoon din si Mama. Hay, kahit ano na lang. Bakit ba tayo napa-paranoid sa kanila?"



Napahinto kami ni Violet sa park. Naglakad-lakad na lang siya. "Paris, alam mo madalas kami dito ni Max. We invaded the whole neighborhood hanggang sa mag-high school kami." Tumango lang ako. Sa probinsiya lang ako nag-elementary at high school pero sa isang pribadong paaralan pa rin.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon