PARIS' POV
Whether things are unofficial or official, whether it is a mutual understanding between us, something is now going on. Like series of chapters in a WattPad Story, may aabangan ka pa sa susunod na kabanata. Ofcourse, this a relationship, different from a non-fiction to fictitious story. Whether aminin ni Violet na mahal niya ako o hindi, her action speaks louder than words. Hindi man niya madalas sabihin sa akin ang salitang iyon o kung kailan lang ako nakapikit, saka niya sinasabi ang salitang mahal niya ako, atleast, she already said it. Dinig ko naman eh. Ayaw lang niyang ulitin ulit. Ayaw din niyang sabihin ng harap-harapan sa akin.
Kapag dumadating ang bill ng kuryente at tubig, ako na ang nagbabayad. Minsan, kapag nahahanap siya ng billing statement, I would say, I am just helping her pay the small amount since hindi naman niya ako boarder para magbayad ng house rent. I am free from accommodation from a dear landlady. May kasama pang pleasure sa gabi kapag feel naming magpainit at magkiskisan ng hubad na katawan.
Just one morning, my phone was ringing , nasa banyo ako noon. Paglabas ko, tahimik niyang iniabot sa akin ang phone.
"Pauwi daw si Max this Christmas..." Max is coming home soon. Iniabot niya ang cellphone sa akin. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila. Matapos niyang iabot sa akin ang cellphone ko at siya naman ang naligo sa banyo. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano pa ang napag-usapan nila. Hindi na niya ako pinansin. Nagbihis ako ng red polo shirt and white pants then brown topsider. Sabay kaming bumaba dahil tapos na siyang magbihis.
"Anong sabi ni Max?"
"Ha...Pauwi na raw siya this week and he is excited to see Violet."
"Anong sabi mo?"
"Hindi ako nagsalita kasi malalaman niyang ...."
"Ah oo, magtataka siya kumbakit ikaw ang may hawak ng cellphone ko ng ganito kaaga. " Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. "Violet, let's talk. Sandali... Okay, I'll go home in the afternoon. I'll just finish my work in the clinic." Nangilid ang luha niya. Hindi umiimik si Violet. Nagmadali siyang sumakay ng sarili niyang kotse. Hindi siya sumabay sa akin.
"Violetttt!" Pagsigaw ko, tumulo ang dugo sa ilong ko. Dyoskopo, ahhh, napahawak ako sa door knob. Parang umiikot ang paningin ko. So, I sat down straight and try to stay calm and relax. I looked straight and pinched the lower end of my nose near the nostrils. Then I hold it firmly for five minutes while leaning forward.
Nagpalit ako ng damit. Natuluan ng dugo ang aking puting pants. Pati ang sapatos ko ay namatsahan ng dugo. Anong gagawin ko ?
Wala akong magagawa. Inayos ko ang gamit ko para isang kuha na lang mamaya. Puwede ko na ring ibaba. I have to give her sometime to think and decide. I'll give her space kahit hindi pa niya hinihingi.
Naka-silent ang phone ko dahil ayokong naiistorbo si Violet kapag natutulog kami. Hindi ko inaasahan ang tawag niyang iyon. At ngayon, tumatawag ulit si Max.
"Max, kumusta?" Tanong ko sa kanya.
"Paris, Insan, uuwi ako this Christmas...Bakit di ka sumasagot kanina? " Next month na iyon. And Violet for sure is having a big problem. Why do I feel the ache inside? Bakit ako nasasaktan ngayon? Akala ko ba... Syiempre, medyo nagbago na ang sitwasyon namin ni Violet. Malakas ang loob ko at proud sa nangyari dahil mahal na niya ako. Pero ofcourse, that is just a short term moment to cherish but something I can bring back home.
Mag-isa tuloy ako sa kotse papunta sa Animal Clinic ni Gavin. Nadatnan ko ang dalawang tuta sa receiving area. Nasa loob ng kanilang kulungan. Binabantayan ng aming assistant. Kumaway lang ako at bahagyang ngumiti.
"Hi, Doc...Good morning..." Bati ni Ali.
"Hello...o, anong problema?" Tanong ko, habang binubuksan niya ang kulungan. Matamlay ang tuta. Madalas ma-stress ang mga shitzu at Chihuahua lalo na kung pabago-bago ang panahon. Hinaplos-haplos ko ang tuta.Tahimik lang ito.
Walang anu-ano ay pumasok ang isang kliyente, medyo overacting sa reaction pero understandable. May iba talagang dog lover na ganito ang kanilang connection sa kanilang mga alaga na kung ituring nila ay kapamilya. May iba pa nga na kapag namatay ay pinaglalamayan at inililibing sa sementeryo ng mga hayop. Oh di ba?
"Hi, Doc. Kumusta na si Pipoy?" Okay, this Chihuahua is Pipoy.
"Stress lang siya, Miss..."
"Elisha Montelibano..."At nakipagkamay sa akin ang babae. Ngiting ngiti siya at titig na titig sa akin. "Ang cute mo naman, Doc."
"Bye the way, bring your dog to a much quieter place. Yung lugar na di siya mai-stress sa ingay o gulo."
"Naku, anggulo kasi sa bahay ngayon dahil sa mga pamangkin ko....Come here, Pipoy..." Iniabot ko sa kanya ang tuta. Umalis ang babae kasama ng kanyang tuta saka ako tahimik na umupo sa aking mesa.
Pinindot ko ang number ni Violet. Tinanggap naman niya pero hindi siya umiimik sa kabilang linya.
"Violet, I'll just go home. Alam kong hinihintay mong umuwi si Max. By the way, I am sorry. I didn't tell you the truth. Sakim siguro ako para ilihim sa iyo ang totoo. Hindi natuloy ang kasal ni Max at Fiona. He is excited to see you. "
Dinig ko ang hikbi niya at hayun biglang tumulo ang luha ko. Do I have a choice? Well this is my only choice, to go home...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...