VIOLET'S POV
Naging busy na ako sa klase kaya hindi na ako kaagad nakakapag-update. Nauubusan ako ng oras kapag umabsent pa si Max. Tini-text niya ako na huwag magpupuyat kaya hindi ko magawang mag-update.
"Sorry mga followers. Mahigpit si Boyfi...Magsusulat na lang muna ako nang magsusulat at mainam 'yung tapos na kapag nag-post ako para walang makulit na magtatanong ng update. "
Naitanong ni Max kung wala na daw bang update ang kuwentong "Isang Linggong Pag-ibig ni Max." Kaya nga ganoon ang title kasi isang linggo lang talaga. Gusto ba niyang dugtungan pa ang relasyon nila ni Carla? Bigla akong kinilabutan. Baka kapag dinugtungan ko iyon eh , magkatotoo ulit? Eh ano naman ang update na gagawin ko.
Tulad ng sabi niya, "The Bridge " daw...ang kuwento naman ni Lara at Max dahil kung hindi daw sila nagbreak ni Maegan, hindi niya mari-realized na mahal pala niya ako. Ganoon din ako kay Max. Noong makita kong sweet sila ni Maegan, bigla kaong nagselos. Iniwasan ko silang dalawa at nagtatago ako sa library. Doon ako nagpapalipas ng oras. Hindi ako nakikisabay sa kanya ng pag-uwi kaya minsan, sinasabayan ako ni Sadam sa paradahan hanggang sa makasakay ako.
"May girlfriend na ang kaibigan mo , Violet."
"And so..."
"Ikaw, di ka ba naiinggit? Sagutin mo na ako para may boyfriend ka na rin?" Paano kaya kung may topak ako noon at pumayag ako sa gusto ni Sadam, baka nagbugbugan silang dalawa. Tiyak na hindi papayag si Max. Noong makita nga lang niya na magkasabay kami ni Sadam kahit kasama niya si maegan eh galit na siya. Pinagdabugan niya ako ng gamit sa classroom. Baka naman maghuramentado na siya kapag nalaman niyang bf ko na si Sadam. Patawa rin itong si Max.
Pero hindi ko din lubos maisip na magbi-break nga sina Max at Maegan. Totoo palang may boyfriend na siya. Lihim nga lang ang relasyon.
Gumawa ako ng update sa kuwentong "Isang Linggong Pag-ibig ni Max". Tungkol kay Lara at Max naman ang kuwento. isang Linggo lang din... Nagkahiwalay din sila ni Max pero hindi sila nag-break. Nagkahiwalay sila ng landas dahil si Max ay umalis para ipagpatuloy ang kanyang modeling career . Nagretire na sa trabaho ang ama ni Lara kaya pinag-isipan niyang mabuti ang kursong kanyang kukunin.Hanggang sa isang araw, bumalik si Max para magpaalam kay Lara... Ikakasal na siya...hindi kay Lara kundi sa ibang babae na nakilala niya sa ibang bansa.
Nagkatotoo nga. Nagkahiwalay ang landas namin ni Max. Isang linggo pagkatapos ng graduation , sinabi niya sa akin na aalis sila ng kanyang mama patungong London. Lalo akong nagsisi ng mamatay si Papa. Lalo akong naguluhan sa kursong kukunin ko. Hindi na ako mapag-aaral ni Mama ng Tourism. Magti-teacher na lang ako para mas malaki ang suweldo. At si Max , tuluyan ng napalayo sa akin. Nawalan kami ng komunikasyon at never niya akong kinumusta kahit sa text sa FB, o sa Instagram. Maraming paraan pero hindi niya ginawa. Hinayaan kong kumapal ang kilay ko at ng bumalik sa pagkabuhaghag ang buhok ko ay nawalan na kao ng dahilan para magpaganda. Matapos kung maka-graduate ay namuhay na akong mag-isa. Umuwi si Mama sa probinsiya at doon pinagyaman ang aming maliit na farm. Minana iyon ni Papa kay Lolo Boni.
Hindi ko makakalimutan si Max because he promised me to wait for him.
Hanggang sa bumulaga na lang sa akin ang isang balita na ikakasal na siya.
Nagkatinginan na lang kami ni Melanie. Binuksan iya ang kanyang tab at ako naman, isinara ko ang aking laptop. Sumubsob ako doon at nag-iiyak.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...