VIOLET'S POV
Kinabukasan ay masinsinan kaming nag-usap ni Mama. Hindi ko inaasahan iyon. Tahimik akong naupo sa harap ng mesa. Tinitigan niya ako. Nininerbyos tuloy ako. Ano kayang nakain niya ngayon umaga at ganito siya? May nangyari ba?
"Violeta, mag-usap nga tayo." Pormal ang tawag niya sa akin. Buong buo ang pangalan ko pero hindi naman siya galit which means seryoso ang usapan namin.
"Ano po 'yun , Mama?"
"Hindi pa kita natatanong kung bakit ka biglang umuwi dito. Hindi ka busy? At mukhang nakapatay ang cellphone mo."
"Mama, let's eat first...Masarap ang ulam... I love tapa and egg." Sabi ko pa pero tinitigan niya ako.
"Nagkita ba kayo ni Max? Nagkausap na ba kayong dalawa?"
"As if naman, may mukha pa siyang ihaharap sa akin. "
"May nangyari ba sa inyong dalawa?"
"Mama, paano po mangyayari iyon eh after graduation eh umalis na siya for States?"
"Yung totoo, Violeta at huwag mo akong lokohin."
"Mama, what's wrong with you? Let me just eat. Kung ayaw ninyo ako dito, uuwi na lang ako sa Maynila. Bakit kasi kailangan pa ninyo akong tanungin kung may alam kayo sa akin? Anak ninyo ako at alam ninyo kung kailan ako nasaktan at kung kailan ako masaya. Alam naman ninyo kung sino ang taong hinihintay ko na makakapagpasaya sa akin di ba? I am hurt right now. I was trying to be happy kahit hindi. Kung gusto ko lang sanang mapag-isa, sana ay nanatili na lang ako sa sarili kong tirahan pero hindi ko ginawa. Gusto ko dito. Gusto ko kasama kayo kasi maiintindihan ninyo ang pakiramdam ko." Tumulo ng tuluyan ang luha ko. Hindi ko kayang ubusin ang almusal ko kaya matapos kung lunukin ang pagkain sa bibig ko, minabuti kong pumasok s loob ng kuwarto ko.
Naupo ako sa gilid ng kama. Umiyak ako ng umiyak at sinundan ako ni Mama.
"Mama...tuluyan na niya akong ipinagpalit sa babaeng iyon. Huhuhu... Angsakit , Mama... Angsakit..."
"Anak, palayain mo si Max at mag-move on ka na lang."
"Mama, may magmamahal pa ba sa akin kung naibigay ko na kay Max ang lahat – lahat. Wala nang natira sa akin, Mama..." Humagulgol ako ng iyak. Niyakap ako ng mahigpit ni Mama.
"OO naman. Sa isang libong taon sa mundo, may taong nakalaan para magmahal sa iyo maging sino ka man. A person who truly loves you will not just love you for a matter of body and flesh but also with all your heart and soul."
"May lalaking bang ganoon sa panahon ngayon?"
"Sssshhhhh! May lalaking ganoon kahit sa panahon ngayon. Magtiwala ka!"
Nag-iyakan kaming mag-ina. Hindi ko alam kung kailan pa nalaman ni Mama na nakuha na ako ni Max kaya ganito na lang ako ka-loyal sa kanya. Later na lang niya sinabi sa akin. A month after they arrived in America inusisa daw ni Tita Cattleya si Mama kung buntis daw ba ako. Ipinagtapat niya na si Max mismo ang nagsabi dahil parang ayaw niyang umalis dahil baka biglaan akong magbuntis. Ibig sabihin, handa niyang panagutan anuman ang nangyari sa amin.
Pero hindi naman kasi ako nabuntis.
"Mama, bakit ninyo ako tinatanong kung nagkausap na kami ni Max? Nagpunta ba siya dito?"
"Ha a e. Naitanong ko lang. Biglang bigla ka kasing nag-alsa balutan dito eh." Sabi niya pero kita ko sa mata niya ang malaking pagtataka. Maya-maya pa ay natigilan kaming dalawa ni Mama. Bumukas ang pinto.
"Ma'am, nandyan po si Doc."
"Ah sige. Susunod na ako..."
"Mama, kapag hinanap ako ni Doc... sabihin ninyo tulog pa ako ha!"
"Bahala ka... Puwede mo nang palitan si Max. Huwag kang umasa. May French girl na 'yon."
"Mama naman eh..." Gusto ko pa siyang batuhin ng unan para lang ipagtabuyan palabas ng kuwarto. Ini-lock ko iyon para hindi siya makapasok mamaya.
Gusto kong magpahinga kaya humilata ako sa kama. Naalala ko ang pabangong iyon. Mukhang totoo ang panaginip ko. Totoong nakita ko si Max. Hindi ako nananaginip ng makakniig ko siya. Hindi ako nagpapantasya na mahawakan ko ang matipuno niyang katawan. Nagbago na ang katawan ni Max. Doon tuloy ako nanghinayang. Sana iminulat ko na pala ang aking mga mata at nang magkaalaman na.
Hindi ako lumabas hanggang tanghali. Hindi ako nagtanghalian. Hindi ko alam kumbakit ako nagmumukmok. Hindi ko kayang ilabas lahat sa laptop kasi baka kung naong mangyari sa kuwento ko. Baka doon ko maibuhos ang lahat ng emosyon ko. Ayoko....
Nanuod na lang ako ng downloaded Kdrama na nasa laptop ko. Bigla naman akong naiyak. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin dini-delete ang TTBY sa laptop ko. Si Max lang ang naaalala ko. Malaki ang bahagi ng TTBY sa buhay ko.
Minabuti kong i-shut-down na lang ang laptop ko. Nanatili ding naka-off ang cp ko. Hindi na rin ako naghapunan dahil napagod din ako noong nagdaang gabi. Halos madaling araw na kaming nakauwi ni Doc. Binawi ko ang puyat at pagod ko. Nagbawi ako ng tulog. Lumabas lang ako ng makaramdam ng gutom. Pagkatapos kumain , nagdala ako ng dessert sa loob ng kuwarto. Ipinagdala din ako ni Honeylet ng buko. Ipinakuha daw iyon ni Mama sa mga binnatang nagtatrabaho sa niyugan. May bananacue ding dinala doon kaya nabusog ako at natulog ulit ako.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...