TRAITOR DAY

10 0 0
                                    

HILLS'POV


Napasugod ako sa tinitirhan ni Max. Hindi siya puwedeng umuwi. Nagkausap na kami ni Violet. Bored lang daw siya at huwag niyang intindihin ang mga sentimyento ni Max. Ugali daw talaga niyang mangialam sa mga isinusulat niya. Minsan talaga eh may pagkapakialamero ang binata.



"Pero may dahilan ba siya para magalit?" Sabay tawa. Alam ko na . Anuman ang katotohanan sa likod ng kanyang mga isinulat ay siya na ang bahala. She is the author and liable to her own craft. That's the risk of being an author. Hindi lahat ng makakabasa ay matutuwa sa mga isinusulat mo. Siguro nga ay ganito lang talaga sila.



"Hill, ako na ang bahala doon. Just look after Max." Iyon lang ang ibinaba na niya ang tawag. Napabuntunghininga na lang ako. Gusto ko na ngang pauwiin itong si Max kaya lang, may isang taon pa siya. Sayang ang isang taon pa.



Nagkulong na lang si Max. Ikinulong niya ang kanyang sarili sa loob ng kanyang kuwarto. Ni ayaw niyang kumain. Ayaw niyang buksan ang pinto. Sana naman ay hindi siya makapag-isip ng masama sa kanyang sarili tulad ng ginawa niya noon.



"Max, kumain ka na..."



"Leave mo alone." Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Atleast buhay pa siya. May gana pa ngang magsungit eh. Hay, mas mahirap pa siyang amuin kaysa sa mga anak ko na sumpungin. Konting suhol mo lang sa kanila ay mananahimik na. Heto si Max, susme... siya ang ubod ng arte sa lahat. Para siyang babae.



Hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang mama. Nakakabigla ang biglang pagsulpot ni Tita Cattleya.



"Hill, nasaan si Max?" Humagulgol na kaagad si Tita Cattleya. Mukhang may matindi siyang dinadala at talagang todo ng hagulgol niya.



"TIta Catt...bakit po?" Nag-worry akong bigla. Bakit kaya? Anong nangyari? Sinipat ko naman ang kanyang mukha pero hindi naman siya mukhang binugbog ng kanyang amo? Imposible namang buntis siya? O di kaya naman ay ... nakapatay siya? Alin kaya doon?



"Hill, si Violet... sina Violet at ang mga bata...." Susme, kinilabutan ako. Halos hindi na makahinga si Tita Catt sa gusto niyang sabihin kaya niyaya ko siyang maupo muna. "Hill, sina Violet at ang mga bata..." Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi. Nasi-sense ko na ang gusto niyang sabihin pero ayokong sabihin. Nakakatakot kung sakaling totoo ang iniisip ko. NO, I am not going to say it.



"Tita, ano pong nangyari kina Violet? "Iyon ang tamang tanong. I don't want to jump into conclusion.



"Katatangaggap ko lang ng tawag mula kay Red. Naaksidente daw ang pamilya nila habang pauwi sila ng Bantangas..."

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon