VIOLET'S POV
I had never experienced harassments and humiliations in any of my works even in Wattpad. Well, for sometime ang comment lang naman nilang madalas ay bitin sila. Balak pa yata nilang pahabain ang kuwento.
May isa naman na hindi makapaghintay ng update kaya hayun, nag-comment. Hindi ko alam kumbakit nag-flood ng kung anu-anong comment sa kuwento na iyon then, later, I found out someone commented at reader ko na ang nag-react para sa akin. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.
Bigla akong natigilan. Di ako alam kung tinamaan ako and I posted
VIOLETSRBLUE
May 05, 2016 09:51AM
For the meantime, I'll take sometime to reflect on my work. Give me sometime to take a deep breath and do more stretching to exercise my hands and fingers. Continue reading my works. Post your comments and suggestions . I'll leave you for awhile but comeback with renewed spirit. I won't make any comments now. Wait until you get all the necessary updates on my works.
TaehyungTaobBD
VIOLETSRBLUE Sorry po..hala wag naman po kayo Mag hiatus..sana ituloy niyo po parin po yung mga book ninyo, sorry po talaga ,.magagalit po sakin yung mga fans ninyo na .sumugod sakin..plss po sorry na po talaga, sana Mag Update at mag publish pa rin po kayo ng book, aaminin ko po na mali po talaga ako kaya sorry po talaga huhuhu
May 05, 2016 10:03AM •
FROGGYMINSUL
VIOLETSRBLUE halaaa!! Eonni wag ka po Umalis..plss..kasi naman ate lagot ka talaga sakin yan!! Tskk..sana kasi kung di maganda yung icocoment mo .di ka lang nag comment haisst
May 05, 2016 10:14AM •
SNOWJINRI
Oo nga! Badtrip! Pagnag tampo yan si Author naku talag! Sinasabi ko sayo!!!! Miss Author..wag po kayo pa apekto sa mga sinabi niyan..nandito po kaming mga Supportive ninyo, madami po kaming umaasa at nag aantay sainyo..labyu Author Fighting!!!
May 05, 2016 10:48AM •
It's a lesson learned... Tapusin ang isang gawaing nasimulan na .
But this time is different. Ang dakilang si Max ang sumugod sa akin dahil sa nabasa niyang kuwento sa bagong published na "Bahay-bahayan, Kasal-kasalan". Hindi ko maintindihan kumbakit niya ipinagpipilitan na ako at si Paris ang bida doon. Ano bang pagkakatulad namin ni Paris kina Inigo at Maggie? Ah, talagang inaway niya ako sa publishing house. Hindi nga halos makapaniwala ang mga kapwa ko writers sa nangyari.
"Grabeh, Violet...Sino 'yun?" Tanong ni Fatima.
"Isang psychopath..."
"Angtindi... Affected much."
"OO nga eh. Hindi ko akalain. First time sa buhay ko ang sugurin ng ganito. And to think na lalaki pa siya. Sobra talaga!"
"Pero, totoo ba naman ang ipinaglalaban ni Reader?"
"Huh! NO, definitely a big NO...Ang pagsusulat ko ng kuwento ay ibang iba sa tunay na buhay. Mabuti nga sa mga kuwento ko, may happy ending . Eh sa love life ko, complicated na wala pang happy ending, wala ding forever."
"Tsk!Tsk!Tsk! And what about Paris?"
"Well, why are you so curious about my Paris? Type mo..."
"Sort of..."Sabay ngiti. Tinitigan ko siya ng masama. Kaya pala iba ang titig ni Fatima noong nandito si Paris kasi type niya.
Well, hindi naman bawal sa opisina na puntahan ka ng mga malalapit mong kaibigan o maging ng mga kakilala mo pero ito ang kakaiba sa lahat. Face-to-face ito ng isang author at reader. Bad trip 'tong si Max. Hindi na lang nag-post ng comment sa Wattpad at talagang harap-harapan niya akong inaway.
Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Paris na nanunuod ng telebisyon. Mukhang pagud na pagod siya. Malaki ang ipinayat ni Paris ngayon and I worry about his falling hair. Nakasandal siya sa solo chair pero mukhang nakaidlip na siya. Kinuha ko ang remote sa kamay niya sabay kiss. Iminulat niya ang kanyang mga mata at ngumiti. Mukhang hinang hina siya at ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Paris, masama ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo napagod lang ako. Sorry pala kung hindi na kita nasundo." Wala naman sa akin kung hindi niya ako sunduin.
Ngayon ko lang napansin na madalas siyang mag-long sleeves pero nang biglang lumislis ang kanyang sleeves ng hawakan niya ang aking pisngi, doon ko lang napansin na may pangilan –ngilan siyang pasa. Nangingitim pa ang mga ito.
"Paris, gusto mo bang magpa-check up tayo tomorrow?"
"NO, I am okay. I just need rest. " Sabi niya. "Magbihis ka na tapos kung gusto mo kumain na tayo."
Umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ay tumabi na rin ako kay Paris at nakinuod. Pagkatapos ng palabas saka kami kumain at tulad ng dati, nasa tabi lang niya ako habang naghuhugas siya ng plato.
NOTE: HEHEHE, baka bigla ninyong ma-realized kayo ang nagsabi... sorry, nasa school kasi ako ng i-edit ko ang part na ito at heto baka na-mixed up ko ang mga comment ninyo... Peace tau mga ka-Minsul....
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...