Bumusina ako habang papasok sa malawak na bakuran. Walang fences ang bakurang iyon. Tanging mga naglalakihang puno ng mangga ang nakapalibot sa buong bakuran at sari-saring punong-kahoy tulad ng sampalok at santol ang iyong makikita.
Nasa loob ng bakurang iyon ang mga nanginginaing mga baka at kalabaw , malapit sa mga puno ng sagingan sa bandang kanan. Pababa ang lugar na iyon patungong sapa.
Huminto ako sa tila lumang bahay –Kastila nina Mama. Ang lugar kung saan sila sabay na lumaki ni Tita Cattleya. Magkababata kasi silang dalawa sa baryong ito. Magkumpare ang kanilang mga tatay dahil ninong ni Tita Cattleya si Lolo BOni.
Dahil may bahay talaga ang mga magulang nina Tita Cattleya sa Hillsborough, hinikayat niya si Mama na sa Maynila na mag-aral at tumira sa kanila. Hanggang sa sabay na silang mag-asawa pagkatapos nilang mag-aral ng kolehiyo. Sabay na nagbuntis at parehong nabiyuda sa magkahiwalay na pagkakataon. Kaya kaming dalawa ni Max ay talagang naging matalik na magkaibigan. Umupa lang kami ng pansamantalang tirahan sa Hillsborough din. habang lumalaki ako, naisip ko na doon bumili ng bahay balang-araw.
Gulat na gulat si Mama. Hangos niya akong sinalubong galing sa likod-bahay. Galing siya sa piggery dahil nanganganak ng mga oras na iyon ang kanyang dalawang inahin. Maliwanag ang likod-bahay at may mangilan-ngilang kalalakihan doon na halatang tumutulong sa panganganak ng baboy.
"Violet, bakit ka umuwi?" Hay si Mama. Dati tinatanong niya ako kumbakit hindi ako umuuwi tapos ngayong umuwi ako tinatanong pa rin niya ako.
"I am on vacation, Mama." Dumiretso kami ng akyat. Sinalubong na ako ni Honeylet at kinuha ang mga gamit ko sa kotse. Ibinigay ko ang susi sa compartment at kinuha ang ilang gamit ko doon.
"Oh, I am happy to hear that."
"But I am hear not just to really rest and relax. I am going to write my next novel."
"Hay naku, alam ko na po iyon, Bb. Taklesa..." Ayos ang sabi ni Mama. Magandang pen name pero sorry I have my original pen name. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa po."
Ipinaghain ako ng aming kasambahay at sinaluhan ako ni Mama. Abala daw kasi siya sa babuyan at hindi na niya namalayang alas diyes na pala. Hindi pa rin siya kumain ng hapunan.
"Honeylet, kape naman o." Hindi ko sana balak matulog pero I doubt. Sa pagod ko, kahit nagkape pa ako, tiyak na makakatulog pa rin ako.
"Magpahinga ka na at pagod ka sa biyahe. Bukas na tayo magkuwentuhan" Sabay halik sa aking pisngi. Pumasok ako sa aking kuwarto. Lumang luma ang mga kagamitan ngunit moderno na ang kama at ilang gamit sa loob ng aking kuwarto.
Hindi na ako nagtaka sa narinig kong balita kay Mama. Matagal na panahon na rin kasi iyon at baka nakalimutan na ni Max ang mga nangyari. Hindi na niya naisip na lugi ako sa ginawa niya. Naniniguro siya pero hindi niya masiguro sa akin ngayon kung may magmamahal pa ba sa akin matapos niyang makuha ang lahat sa akin. Huli ko nang nalaman ang di magandang resulta ng aming kapusukan.
Maaaring walang tumanggap sa aking pagkatao o kung may magmahal man ay baka isumbat niya sa akin ang aking kahinaan dahil hindi ko iningatan ang akin puri para sa taong aking tunay na mamahalin at makakasama habambuhay.
Sigurado kasi ako na mahal ko si Max kumbakit ko naibigay ang sarili ko sa kanya. Alam ko na siya ang gusto kong makasama habambuhay.
At iyon eh kung maaalala pa niya sa kanyang pagbabalik...
"Kasama ni Max ang kanyang fiancée" Which means, kasama niya ang babaeng kanyang pakakasalan. At wala na akong dapat pang hintayin dahil balewala na ang paghihintay na ginawa ko sa tagal ng panahon. Hindi na ako nakaimik. At tuluyang nawala ang motibasyon ko para gumawa ng kuwento. Hindi ko na alam kung paano magsimula. Tinapos ni Max ang lahat sa amin dahil sa balitang iyon.
Kaya ako umuwi sa probinsya dahil ayoko ko na siyang makita. Hindi siya naging tapat at totoo sa kanyang damdamin para sa akin. Hindi niya binigyan ng halaga ang munti kong sakripisyo dahil mahabang panahon ko siyang hinintay . Pinaasa niya ako na sa kanyang pagbabalik ay may mapapala ako sa paghihintay na ito.
Kinabukasan, nagising ako habang sumusungaw ang naninipis na silahis ng araw sa aking kama. Bukas na ang bintana na aking kuwarto. Naka-off na ang aircon at pumapasok ang sariwang hangin sa loob habang hinahangin ang puting puting kurtina sa aking kuwarto.
Napainat ako ng todo. Iyon ang pinakatahimik na umaga sa lahat pero hindi ko masasabing maganda. Dinig ko ang huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon sa puno maging ang unga ng baka at kalabaw at kutak ng ilang mga manok at tandang sa bakuran.
"Good morning...." Sigaw ko habang humarap ako sa malaking bintana at hinarap ang sikat ng araw. Nakataas ang aking mga kamay at uminat ng todo. Angsarap kasi ng tulog ko. "Aaahhhhh! I love this life!" Dugtong ko. Noon lang ako namintana ng ganoon. Napangiti ako sa sikat ng araw ng umagang iyon. Ganito ang buhay sa probinsiya. Napapikit pa ako at lumanghap ng sariwang hangin. "Aaaaaahhhhhh! Wohoooo!" Malaya akong nag-ingay dahil alam kong wala akong maiistorbo. Walang Mrs. Garcia at Mrs. Chang na dadaan sa aking bakuran. Walang Mr. Cirilo at Mr. Jordan ang makikipagkuwentuhan sa akin.
"Hello, Violet... Good morning!" Sigaw ng pamilyar na boses. Matagal kong hindi narinig ang boses na iyon. Hindi ako makapaniwala. "Violet, remember me...." Kumaway ang lalaki . Muli kong nakita ang kanyang pamilyar na ngiti. Abut-tenga ang kanyang ngiti.
Sino ba ang lalaking ito? Naningkit ang mata ko at lumapit ako ng konti. Kumaway siya at ngumiting muli. Am I dreaming? Kinusot ko ang aking mga mata. Sinigurong hindi ako dinadaya ng aking paningin. Totoo ba ang nakikita ko?
MAXIMUS OLIVEROS.....
.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
