MAX'S POV
HEY IT'S ME
Hey, it's me
I hope you still remember
Your old friend
And then, we can talk and laugh again.
"Hi, Miss Author... " Tiningnan ako ni Violet.
"Hello po..." Kinamayan pa niya ako pero hindi ko binitiwan kaagad. Hinila naman niya at ngumiti pero bigla siyang natigilan.
"Hello, Miss Author..." Nginitian ko si Violet. Ibinaba ko ang aking dark glasses. Inilapit ko ang aking mukha. Napaatras siya sa kanyang kinauupuan.
"MAXXXXXXX......" Nagtungo siya sa harap at sinalubong ko siya ng yakap at halik.
"OHHH, VIOLET... Uhmppppp!!!!" Kesehodang maraming tao. Sanay na ako na dinudumog. Sanay na ako na gumagawa ng eksena sa gitna ng kalye pero syiempre, espesyal ang araw na ito para kay Violet. I didn't mean to interrupt. Gusto ko lang pasayahin si Violet.
Hey, it's me
I never thought I'd see you once again
And I just can't believe
You're right here with me
Hindi ko akalaing magkikita kaming muli ni Violet sa katuparan ng mga pangrap naming dalawa. Kaming dalawa na tampulan ng kantyaw at pambubully dahil sa kakaiba naming mga hitsura. Pero ang mga hitsurang ito ang hindi mo aakalaing may mararating sa buhay. Kaya nga ,sabi nila, huwag mong mamaliitin ang sinuman sa iyong kapwa dahil hindi mo alam kung ano sila sa hinaharap. Akala mo, simpleng kalaro mo lang sa kalye ninyo dati at katakbuhan mo pa, tapos naging president pa pala ng Pilipinas. Akala mo simpleng bakla lang pero matagumpay sa kanyang larangan at hindi mo puwedeng maliitin dahil kilala sa buong mundo ang kanyang gawa. O di ba???
Kami pa ba ni Violet.
"Max...."
"Violet....WILL YOU MARRY ME?" Hindi ko na sana palalampas ang pagkakataon. Nandito na eh. magkakabukingan na rin lang, eh lulubus-lubusin ko na . Gagawa rin lang ng eksena, mainam na true to life na. Kung love life din lang naman, bakit ka pa magbabasa sa libro? Heto, harap-harapan naming pakikiligin ang mga fans ni Violet.
"Ano ba kasi...." Sigaw ng mga kababaehan. Feeling nila eh gate crasher ako. Spoiler... Teka, mamaya na nga kasi mainit na ang ulo ng mga fans niya. Baka ako bugbugin ako dito kapag di sila nakapagpa-sign kay Violet. Mukhang ngayon pa lang nila nakilala si Miss Author.
"Max..." Tumulo na ang luha ni Violet.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...