VIOLET'S POV
Hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan ko bago ako tuluyang mapapayag ni Mama at Max na magbagong anyo. (Hahaha, magbagong anyo talaga) Ayaw pa nila akong diretsahin na maging sila ay naiirita sa nakikita nila. Buhaghag na buhok, mga butlig sa pisngi ko, makapal na kilay at braces kasama ang makapal na eyes glasses, lahat ng iyon ay unti-unting tinanggal sa akin. Wala namang nakapuna sa mga pagbabagong iyon.
Matagal na naming naipakonsulta sa dermatologist ang aking pisngi na tinubuan ng madaming taghiyawat. Dala daw iyon ng sobra kong pagpupuyat. Bawal na akong magpuyat kaya maaga na ring umuuwi si Max. Confiscated ang tablet at laptop ko for the time being, lalo pa't kailangan kong mag-double time na mawala ito bago dumating ang araw ng prom. Bawal ako sa mamantikang ulam o pagkain kaya pati si Mama eh effort din sa pagluluto ng pagkain. Ultimo almusal ko, bawal ang itlog, hotdog at fried rice. Doon pa naman ako nabubuhay tuwing umaga. For now, kailangan ko ding magtiis.
"O ngayon iiyak-iyak ka kasi inaapi-api ka ni Olivia. Violet, hindi naman masamang magbago. Kailangan mo rin ang confidence sa sarili. kung dadaanin mo ang iyong bagong hitsura upang pasakitan ang iba o kaya ay magsukit sa mga dating kaklase nating nang-api sa iyo, sige, mabuti pa ngang ganyan na lang ang hitsura mo. " Sabi ni Max noong datnan niya akong umiiyak dahil sa pang-iinis sa akin ng TRIBULLY dahil sa paparating na prom.
"Anak, kailangan mo rin 'yan lalo na kung magkokolehiyo ka at maghahanap ng trabaho. Gusto kong lumabas ka ng bahay na buo ang loob mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama mo si Max. Walang magtatanggol sa iyo kundi ang sarili mo. "
"Madaming magbabago kapag nagbago ka rin ng pagtingin sa iyong sarili. Kung hindi nila magugustuhan ang bago mong anyo... NO PROBLEM, nandito ako..."
Ipinatanggal na ni Mama ang braces ko dahil fully restored na ang mga ngipin ko. Pina-total cleaning na lang ito at pinaputi gamit ang whitening agent na pang-ngipin. Maayos na nga ang ngipin ko na dating sungki-sungki.
Pagdating namin sa parlor, isang kalbo at matabang parlorista ang lumapit sa akin. Parang 'yong sikat na si Paolo, na nagpaganda kay Mia Thermopolis sa Princess Diaries. Gulat na gulat siya sa akin. Puwede ko nang ipahiram sa kanya ang nakuryente kong buhok sa sobrang gulat niya. Gusto niyang matawa sa hitsura ko, hindi lang niya magawa.
"Ay susme, ate... ano siya? Ehek!" Anong ano ako? Tao ako. Sarap niyang bambuhin. Gusto ko na ngang magback out eh.
"Este, Pablo..." Pablo Piccahu ang name niya. Natatakot tuloy ako dahil baka kung anong obra ang gawin niya sa akin. "Anak ko, si Violet... Di ba, sabi ko naman sa iyo..."
"OO nga sister. I am not expecting this... Siya pala si Violet. " Sabay tingin sa akin. "Mabuti naman at nagbago na ang isip mo" Sabay ismid ng baklita. "Naku eh mabuti na lang at inagahan mo. Mukhang buong maghapon tayo dito para sa iyong total make over." Sabay hawak sa aking buhok. Napalunok siya. "Tsk! Tsk! Tsk!"Pumalakpak siya at lumapit ang limang assistant sa tabi niya. Isinama nila ako sa isang kuwarto. Walang salamin doon. Sumunod si Mama. Kompleto naman ang mga gamit doon. Dinig na dinig ko ang mga instruction na ibinigay niya sa bawat isa.
Ibinabad ang paa ko sa isang tub. Foot spa daw ang tawag doon. Pinakakiskis ang kalyo nito. Saka pinatikim ng pedicure ang mga birhen kong daliri sa paa. Ang isa naman ay sa aking mga kamay.
May isa namang ginamit ang tinatawag na "threading" para panipisin ang aking makapal na kilay.
"Waaaahhhhh!" Gusto kong pumalag habang inaayos ang kilay ko. Mabuti na lang at pinaalis muna ang manikurista at pedikurista kung hindi, baka sila ang natadyakan ko habang ginagawa iyon. Aaaahhhh! Angsakit! Puwede bang magpaganda ng hindi nasasaktan ng ganito. Grabeh, ang hapdi...
Mas matagal ang treatment na ginawa sa buhok ko. Ilang bihis akong tumayo, nagpalipat-lipat sa tub para banlawan ang aking buhok dahil sa gamot na ini-applay sa aking ulo. Ilang hairbrush ang nasira at naputol ng maganit kong buhok. Bukod sa kinky na ito na parang buhok ng Sto. Nino ay buhaghag din ito. Nabuhol sa buhok ko ang kanyang hairbrush. Hindi naman puwedeng gupitin niya ang buhok ko kaagad. Mainam ng masira ang brush niya kesa hair ko.
"Ano ba kasing ..." Hindi niya magawang ituloy ang kanyang pagrereklamo. Nasasaktan din ako anoh! Habang ginagawa nila ang make – over ay nasa isang silid kami. Ayaw nilang ipakita sa maraming costumer ang ginagawa nilang pagmamalupit sa aking kilay at buhok. Huhuhu, Mama... angsakit! Ganito ba talagang magpaganda...
Halos kalahating araw din kami sa parlor na iyon. Napaupo sina Pablo at ang mga assistant niya matapos ang make-over na ginawa sa akin saka lang nila pinapasok si Mama.
"Pablo, anong ginawa mo sa anak ko?" Tanong ni Mama. Umiiyak siya. Nakangiti at niyakap niya ako ng mahigpit. Natakot tuloy ako. Akala ko ba total make-over. Anong ginawa nila sa kain? Lalo ba kaong pumangit?
"Hala, di ba sabi mo.... TOTAL MAKE OVER... Hindi mo ba nagustuhan?" Umiiyak si Mama at titig na titig sa akin.
"Angganda – ganda ng anak ko, Pablo..."
"Syiempre, Pablo , the great... the goddess of Beauty will do the rest and the best."
"Salamat ha! Naku, Violet... Halika na at excited na ako...Tiyak na magugulat sila..."
Proud na proud si Mama sa hitsura ko. Hindi nga siya nagkamali. Napanganga si Max. Hindi makapagsalita si Tita Cattleya ng makita ako.
"Si....Si... OMG! OMGGGGGG! Violet.... IKAW NA BA 'YAN! AAAHHHHHHH! " Pinaka-OA sa lahat ng reaction pero definitely tita Cattleya was totally shocked to see my total transformation. At si Max, hindi makapagsalita. Nganga talaga si Best. Nakaakyat na ako ng kuwarto, hindi ko alam kung anong reaction niya.
Biglang may kumabog sa aking pinto, parang may raiding team ng NBI.
"VIolettttt! Violettttt!" Boses ni Max.
"Max, huwag kang OA. Mamaya ka na... Magbibihis pa si Violet...Baka kayo ma-late." Sigaw ni Mama sa loob.
Pagkatapos kong magbihis, inayos ulit ng hairdresser ang buhok ko. Pagtingin ko sa salamin, muntik na akong himatayin... Di ngaaaa! Parang.... parang may diwata ang lumukob sa akin. OMG! OMG! Sana hindi na siya umalis sa aking katauhan. Ako ba ito talaga! Wish ko lang makilala pa nila ako mamaya...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
