MAX'S POV
Hindi ko pinalampas na kausapin si Violet tungkol sa libro. Saan ba niya nakuha ang ganoong klase ng kuwento? Hindi ko alam kumbakit ganoon na lang ang kaba ko. Kailangan ko lang malaman kung sino si Maggie at Inigo. May kinalaman din ba ito sa aming tatlo ngayon nina Paris?
Makaraan ang isang linggo na may nangyari sa aming dalawa ay ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin siya. Hindi ako iniimikan ni Mama at iniwan niya ako sa bahay. Umalis siya at umuwi ng probinsiya. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Nagbo-voicemail na lang ako.
Galit talaga sa akin si Mama. Basta kapag si Violet ang concern, ganito talaga siya kaapektado. Kahit alam niyang si Paris ang boyfriend ngayon ni Violet, nandoon pa rin ang kanyang concern sa dalaga kaya lalo akong nagsisi sa aking ginawa. Nalaman na rin yata niya ang ginawa ko. Mas masakit 'yong di ka pinapansin kaysa pagsalitaan ka ng masama.
Tinitigan ako ng guwardiya pagpasok ko sa building. Hiningian ako ng ID at tinanong ng detalye. Feeling ko tuloy ay naka-alarma na ako sa batas na may ginawa akong masama. Nakaka-paranoid tuloy.
Sinikap kong magkaroon ng lakas ng loob ng humarap kay Violet. Parang front lang sina Maggie at Inigo. Ang pagpunta ko doon ay upang malaman na rin kung okay na ba siya. Pinapasok naman ako sa loob ng Publishing House.
"Yes Sir, good morning Love Publishing house ... Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng receptionist sa info desk.
"Ah, nandiyan na ba si Miss Violet?"
"Tamang tama Sir. Kapapasok lang ni Miss Violet."
"What do you mean kapapasok lang? Kadarating lang?"
"Ngayon lang po siya pumasok... Sige po . May mag-aassist po sa inyo sa loob."
"Miss Violet, may naghahanap sa iyo." Nadatnan ko siyang nakaupo habang hawak ang tab. Nakangiti siya. Pero pag-angat ng mukha at ako ang nakita ay nawala ang expression ng kanyang mukha.
"Anong kailangan mo?" Hindi siya tumayo pero tinitigan niya ako ng masama.
"Sino si Maggie at Inigo?" Bigla siyang natawa.
"Are you out of your mind? Pumunta ka para lang tanungin kung sino si Maggie at Inigo sa kuwento ko."
"Sagutin mo ako kung sino sila." Naiirita akong lalo sa sagot niya.
"Author ako at karapatan kong gumamit ng pangalan ng kung sinuman na maibigan ko. Hindi sila totoong tao at never silang naging totoo dahil kathang isip ko lang sila."
"YUNG TOTOO!"
"Sino ba ang nagpapasok sa siraulong reader na ito? Hindi ba kayo nagtatanong muna kung ano ang kailangan niya. Hindi ako nag-i-entertain ng mga walang kuwentang tanong."
"Bakit mo pinalalabas na masama ang lalaking ipinagkakasundo kay Maggie?"
"Sino ka ba para kwestyunin ako sa gusto kong mangyari sa kuwento? Kuwento ko iyon at wala kang pakialam."
"Hindi ba ikaw ito at si Paris? What do you know about Paris?"
"Teka nga... Hindi ko gusto ang tinutumbok ng salita mo ha! Never akong gumawa ng kuwento na naka-pattern sa buhay ng iba..."
"Don't fool me, Violet. GInawa mo 'yan sa amin ni Maegan. What happened? We broke because that's what you wrote in your story."
"Excuse me nga... Hindi ako Diyos para isulat ang mga bagay na mangyayari. Bakit ka ba affected? Buhay mo rin ba ang buhay ni Inigo? Ikaw ba ang namatay sa story? Kayo ba at si Inigo ay pareho? Alam mo, baliw ka! Psycopath! Palabasin nga ninyo ang lalaking ito dito.Nakaka-badtrip ha! Magbasa ka na lang ng WattPad kung gusto mo at doon ka magpost ng comment."
Tiyak na narinig ng lahat ang pinag-aawayan nami ni Violet. Hindi ko masabi sa kanya. Hindi ako si Inigo...Pareho sila ng kalagayan ni Paris. Naawa ako kay Maggie dahil wala na siyang choice kundi magpakasal kay Janssen. Na-love at first sight ang binata sa kanya and Maggie is as cold as ice the way she treated Janssen. It took several years pa bago magtagpo ang landas nila. They separated ways pero hindi sila nagpa-annull ng kasal. Never silang nagkaroon ng relasyon sa kung kanino. Maggie got pregnant from Inigo at inako iyon ni Janssen na parang tunay niyang anak. And they lived happily ever after. Ganoon din kaya ang mangyayari sa amin nina Violet at Paris?

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...