MEET MINRI

17 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Muli kong binuksan ang aking Wattpad Account. Gusto ko lang magbusy-bisihan. Gusto kong iwaksi sa isipan ko ang mga sinabi ni Max dahil baka madala na naman ako ng matatamis niyang pangako. Not this time, I will really make him suffer.



Marami akong na-miss. Na-miss ko ang aking mga constant Minsullian Followers; KATRINAMINSUL, FROGMINSUL, DYOSUGHSULLENG, SNOWJINRI, MINRI, at TAEYOUNGTAO(BD) .


Sa paglipas ng mga araw noon na nagpo-post ako ng kuwento sa Wattpad, sila ang madalas kong maka-chat pagdating sa mga comment nila.



Hindi ko alam kung paano sila ilalarawan isa-isa but I owe something to them. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay nagbabasa pa sila ng kuwento ko. Matagal ko nang napabayaan ang account ko. Actually nagbago na ako ng account pero nag-iwan naman ako ng message sa kanila.



MINRI



Si Minri ang kauna-unahan kong nakilala at nag-message sa akin. Well, sa pagkakatanda ko at talagang hindi ko siya makalimutan dahil pang 100th follower ko siya. Yes, I admired her. Lalo na kapag sina Minho at Sulli na ang napag-uusapan. Ipa-flood niya ng votes ang notification mo lalo na kapag nagustuhan niya ang kuwento. Hindi lang naman ako ang Minsullian for sure.



" Thanks for voting." Iyon ang una kong nasabi sa kanya noon.


"Welcome ..Ang gaganda po ng mga Story niyo. Sana po maging Friends po tayo" sabi niya.


"Oo nman." Sabi ko din. Lalo na kung sa tulad niyang reader ay matutuwa ka naman talaga.


"Thank you po" Sabi ni Minri. Nawili ako sa pag-a-update at pagsusulat. Nakalimutan ko ang malulungkot na alaala ni Paris at ang tuluyang pagkakalayo namin ni Max.


"Dahil ikaw ang una kong magiigng friend sa WATTPAD, entrust me your full name and address and i'll send a surprise gift for you... secret kung ano un pero you'll love it for sure.... fill in this info... FULL NAME: ADDRESS: FAVE COLOR ...are you a boy or a girl? Hindi ito scam... Hindi rin ako stalker hehe" And I mean it. Balak ko lang siyang pasalamatan kasi natuwa lang talaga ako sa kanya. But ofcourse, alam niya kung paano mag-ingat sa paggamit ng social media. Mahirap naman talagang magtiwala sa di mo kakilala. Anyway, we became friends. From then on.


"Hmm taga saan ka po ba? At ilang taon ka na po?"


"I am 39 yrs old and a mother... I am also a teacher...awkward ba? Still young at heart. My daughter introduced me to MINSUL...ttby started it all...until now,ttby is stil in my laptop. Bata pa si Xamxam pero love na niya si Sulli kasi napapanuod niya ito sa telebisyon. Tagalized pa nga ang kuwento at hindi pa Korean na may sub-title. Tinitilian niya si Minho kaya tawang tawa ako kapag nakikita ang reaksyon niya."


"Ah.how nice po hahaha ..Thanks po dahil fan kayo ng Minsul" Sabi niya. "Ah yung regalo po wag na po nakakahiya naman po .ok na po sakin yung mga Update ninyo. Masaya na po ako dun. Thankuou na lang po" Mabait na bata. Hindi tumatanggap ng regalo from a stranger..."I'm a girl and I'm 13 years old" Ah oo nga naman , batang bata pa siya.


"Ok...just glad to have a wattyfriend...as in 13 yrs old ka pa lang. Hope you choose the books you are reading" With great caution talaga ang pagbabasa dito. Lalo na sa reading list ko.


"From paranaque ako" Sinabi ko naman ang totoo...


"Hehehe mag po 14 na rin naman po ako. Eh .ah kung teacher po kayo? Ano pong Grade ang tinuturuan niyo?? ..btw~ ano po pla name ninyo?"


"Hehehe secret na name ko... di pa ako handang mag-reveal ng name kasi minsan nahihiya ako sa mga libro ko... Although all of them are just pure imagination, some would say they are based from my experience kasi married na ako... especially with some obscene parts sa iba kong libro... laman pa ako ng simbahan... baka mamaya mahusgahan pa ako ng ibang tao =( Bb Taklesa is really a tactless person... Xiaolongnu is my favorite Chinese Character in Condor Heroes... nung di pa masyadong sikat ang Korean Drama. Nice meeting you in Wattpad, Minri.


"Nice meeting you po.. Teacher."



That my favorite WattPad Reader... Minri.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon