HILL'S POV
Namagitan muna ako sa ilang mga desisyong kailangan nina Violet. Pero nagpasabi na ako. Ilang araw pa ay babalik na ako sa London. Muli kong dinalaw ang mag-iina sa hospital. Nandoon si Tita Cattleya. Tulog pa si Violet pero gising na ang mga bata. Nakangiting pareho ang dalawa dahil may breakfast meal akong dala para sa kanila.
"Naku, nag-abala ka pa, Hill." Kinuha ko ang isang styro at binuksan iyon. Tinulungan ko siyang pakainin si Mavi. Si Xamxam naman kasi ay marunong nang kumaing mag-isa. Ngayong araw tatanggalin ang dextrose ng dalawa. Malakas na silang pareho. Naku, mas nakakatakot dahil baka magtatakbo si Mavi. Mahihirapan ang mama ni Max sa kanya.
"Tita...babalik na po ako sa London."
"Ha a e ganoon ba? Ikumusta mo na lang ako kay Max. "
"Opo. Sa tingin po ba ninyo, magiging okay kayo dito ng mga bata?"
"Pagtutulungan muna namin nina Ana at nectar hanggang sa gumaling si Violet."
"Ganoon po ba?"
"Tita...Tita Cattleya..." Nagmadaling lumapit si Tita Cattleya kay Violet. Lumapit din ako kay Violet. "Hill? Hill..."
"Violet, magpagaling kang mabuti. Huwag kang mag-alala, tatapusin lang ni Max ang trabaho niya doon. Babalik siya dito."
"Talaga..."
"OO...kaya magpagaling kang mabuti. Take your theraphy and your medications..."
"Sabihin mo kay Max, bumalik ha! Kawawa naman si Mavi kapag hinanap si Max. Hindi ko kayang umiyak ang anak ko, Hill."
"Pangako...pauuwiin ko si Max. SA lalong madaling panahon..."
Nakita ko ang mga luha ni Violet kahit hirap na hirap ang kanyang kalooban. Alam kong kasabay noon ang kirot ng kanyang mga sugat pero wala siyang magagawa ngayon.
Tinapik ko ang kanyang mga kamay, gusto kong ipanatag niya ang kanyang kalooban na magiging maayos din ang lahat sa kabila ng kanyang pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina.
Hindi ko kinaya ang hagulgol ni Violet daHil hindi na siya makakadalaw sa burol ng kanyang ina. Bakit kasi itong si Max, mas piniling umalis kaysa damayan si Violet? Iyon pa naman ang kailangan niya ngayon? Hindi ko alam kung sinu-sino sila, si Tita Cattleya lang ang nagsasabi sa akin. Nandoon ang mga kaibigan nila, doon ko nakilala si Red at Rose, Bojo at Sadam pati ang asawa nitong si Cielo.
Nakiramay silang lahat.
Hindi napigilan ni Violet ang hindi umiyak. Mga anak lang niya ang puwedeng magpunta sa burol. Bawal siyang gumalaw sa kanyang kama.
Saglit lang silang nagpunta, nagpa-assisst na rin kami ng nurse na sumama sa amin. May dala kaming van para mas komportable ang aming biyahe.
Hindi nagtagal ay kailangan ko na ring umalis. Araw-araw naman ako sa ospital at sa tingin ko ay magiging okay na rin silang tatlo lalo pa't suportado sila ng buong pamilya ni Max. Hindi siya malulungkot. Madaming mag-aalaga sa kanyang anak.
Magha-hire na lang kami ng personal caregiver kay Violet dahil kakailanganin niya iyon habang nagpapagaling siya. Ako na ang bahalang magpadala ng mga gagastusin nila tulad din ng pakiusap ni Max. Mag-a-undergo ng theraphy si Violet kapag natanggal na ang cast sa kanyang paa.
Hindi na rin ako makikipaglibing...
"Violet..." Medyo tahimik siya noon. Nakatanaw siya sa bintana sa labas ng ospital.
"Hill..."
"Aalis na rin ako."
"Ngayong araw na ba ang flight mo?"
"Mamayang gabi pa naman pero kailangan ko na ring mag-impake sa hotel na tinutuluyan ko."
"Ah ganoon ba? Hill, pakikumusta na lang ako kay Max. Pakisabi, mag-ingat siya. Huwag niyang kalimutang may uuwian pa siya dito...Kami ng mga bata." Tumulo ang luha ko. Iyon ang gustong marinig ni Max...Sayang...
"Violet..."
"Pakisabi kay Max, pinapatawad ko na siya...umuwi na siya kasi..kasi, miss na miss na miss ko na siya." Niyakap ko si Violet.
"Violet...huwag kang mag-alala....makakarating lahat kay Max."
"Salamat sa pag-aasikaso mo sa amin dito. Pakisabi kay Max, salamat sa pag-aasikaso niya kay Mavi habang comatose pa ako. Saglit lang silang nagkakilala ni Mavi pero mukhang ambilis kaong ipinagpalit ng aking bunso over his daddy."
"Violet, magpalakas ka..." Nakita kong tumango ang babae kasama ang luha ng pasasalamat at tuwa. Alam kong masaya si Violet ng mga oras na iyon.
Umalis na ako bago pa ako abutan ng mga bata. Maaga silang ipinasyal ni Tita Cattleya sa palaruan ng ospital, para sa mga batang pasyente. At tinawagan ko din si Max.
Mukhang busy na siya sa kanyang trabaho ngayong araw.
Nasa loob daw siya ng dressing room and about to get ready. That's good.
Mukhang focus siya ngayon.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
DragosteA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...