OLDIES' JITTERS

15 0 0
                                    

CHERRY'S POV



Nag-aalala ako kay Violet. Hindi ko pa siya natatanong kong nagkita na sila ni Max. Hindi ako sigurado kung tama ba itong desisyon niya na magpakasal kay Paris. Mahal ba talaga niya si Paris?



"Mama, mahal ko si Paris."


"Anak naman, baka naman nagpipilitan ka lang o naguguluhan.Nagkita na ba kayo ni Max?"


"Anong kinalaman ni Max sa pagpapakasal ko? Sa tingin ninyo, tinatakasan ko lang siya kaya ako magpapakasal kay Paris?"


"Hindi ba ganoon nga?"


"Mama, that's unfair. Hindi pa po ninyo nakikilala si Paris."


"At sinasabi mong kilala mo na siya?"



Hindi na umimik si Violet. Ayokong magsisi siya sa bandang huli. Ang pag-aasawa ay hindi tulad ng pagbili ng pares ng sapatos na kapag parehong kaliwa ay puwede mong palitan ang isa. Ang pag-ibig ay hindi parang department store. May replacement after seven days basta kompleto pa ang tag at resibo.



"Mama, hindi pa po ba ninyo ako papayagang magpakasal kay Paris. Halos ilang buwan na rin siya dito sa bahay."



Hindi ko na talaga mapipigilan si Violet. Mukhang napasubo na siya kay Paris. Ganoon kasi ang dating sa akin eh. Kilala ko si Violet. Knowing her, I also know her too well lalo na pagdating sa lovelife.



ANA'S POV



Kinakabahan ako para kay Paris. Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit biglaan ang kasal nila ni Violet samantalang hindi naman pala siya buntis ? Masinsinan ko din siyang kinausap sa maid's quarter habang nasa taas ang mag-ina.



"Paris, ano bang pakiramdam mo? Anong sabi sa iyo ng Chinese med mo?"


"Mama..." Tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko kasi ay nasa kritikal na kalagayan na si Paris. Alam niya ang kondisyon ng kanyang katawan. Alam niya kung hanggang saan ang kaya niya. "Mahal ko po si Violet."


"Mahal ka ba talaga niya o tinatakasan lang niya si Max?"


"Mama, mahal namin ang isa't isa ni Violet. Hindi ko siya bibiguin."


"Pero alam mong iiwan mo din siya."


"Magiging masaya po ako sa huling sandal ng buhay ko."


"At habambuhay namang magdurusa si Violet."


"Mama, ang isang taong nagmamahal ay palaging tumitingin sa magagandang alaala sa halip na puro kalungkutan. Madami akong babauning masasayang alaala namin ni Violet."


"Naging masaya ka talaga sa kanya?" Tumango si Paris at niyakap ko siya ng mahigpit. Wala akong nakikitang pagsisisi kay Paris. Masyadong naging positibo ang pananaw niya habang kasama si Violet.



Hindi na niya hiniling ang mahabang buhay. Makasama lang si Violet ngayon, umaga at gabi ay bonus na. Ang magisnan siya sa kanyang tabi sa tuwing gigising siya sa umaga ay isa nang biyaya kaya ano pa ba ang hihilingin niya.



Nagkakatinginan na lang kami ni Cherry habang pinagmamasdan ang ka-sweetan ng aming mga anak. Angsaya-saya nilang dalawa. Masaya naman kami para sa kanilang dalawa. Bilang ina, gusto naming pareho silang sigurado sa kanilang mga desisyon dahil ang pag-aasawa ay hindi biro.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon