VIOLET'S POV
Kabaliktaran ako ni Max. Ako ang tipo ng takot masaktan. Hindi ako susugal para lang masaktan. Ayokong umiiyak dahil lang sa lalaki. Akong maghabol kung ayaw na ako. So far, wala pa naman akong nahabol na kahit isa sa kanila dahil ayaw nilang magpahabol sa akin.
Sa tingin ko ay walang magkakagusto sa akin. Nai-imagine mo ba ang babae sa Princess Diaries, si Princess Mia, ang prinsesa na Genovia... ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang lola. O, di ba ang hitsura naman ni Mia, siyang siya ko rin. Buhaghag ang buhok, makapal ang kilay, may braces din ako tulad ni Max kasi nga sungki-sungki ang ngipin ko. Buti nga't ipinaayos pa ni Papa. Pinag-ipunan daw niya iyon.
Kaya lahat ng panunukso ay nasa akin na pagdating sa loob ng klase. Walang araw na hindi ako inasar ni Paolo at ni Ambrose. Samahan pa ng bratinelang si El Xandria at ng bully na si Olivia, ay talaga naman guguho ang mundo ko sa kanilang apat. Mabuti at nandyan ni Max. Ipinagtatanggol niya ako sa kanilang pang-aasar sa akin.
Dahil doon , naging mahina ang loob ko. Hindi ako masyadong maka-perform ng maayos sa klase dahil pakiramdam ko mali ang mga sasabihin ko at palagi na lang akong katatawanan sa mga kaklase ko. Minsan na kaong pinaalis ni El Xandria sa upuan ko at sa kanang sulok ng classroom ako pinaupo para dahil hindi makita ang kapngitan ko. Nakakasira daw ako ng araw. hayun, magkatabi tuloy kami ni Max sa kadulu-duluhan at kasuluk-sulukang lugar sa aming classroom.
"Nakakainis talaga itong mga ito. Mga feeling ke gaganda. Maganda lang kayo sa mukha, mga boba at masasama naman ang mga ugali."
"Friendship , huwag mo silang patulan. Huwag kang magsalita ng masama, hindi bagay sa iyo."
"Max..." Yumakap ako kay Max sa sobrang sama ng loob ko. "Huhuhu.... Pangit na nga ako, nasa sulok pa ako. Paano pa ako magkaka-boyfriend nito?"
"Sus! boypren, boypren..."
"Ikaw nga, puro ka girlpren ng girlpren..." Pareho kaming napabunutunghininga ni Max. Pinahid niya ang luha ko habang nasa likuran kami. Tinitigan niya ako, eye-to-eye, Mare... Kitang kita ko ang sincerity sa kanyang mga mata. Humilig ako sa kanyang balikat at hinaplos niya ang aking pisngi. Patuloy pa ring tumulo ang aking luha at nabasa ko na ang manggas ng kanyang polo pero wala siyang pakialam doon.
Hindi pa sila nasiyahan. Paglabas namin ng klase, pinatid pa nila ako sa kantin at si Max pa talaga ang natapunan ko ng sopas sa ulo. Naku, hindi ko alam kung paano hihingi ng sorry kay Max. Napaso kasi siya. Mabuhusan ko ba naman ng mainit na sopas. Mabuti at hindi napanit ang buhok niya sa bumbunan. Lalo akong hahantingin ni Max pag nagkataon. PInakakaingatan pa naman ni Max ang maganda niyang buhok. Tinubuan pa naman uli siya ng baby hair kaya lang para siyang may palong ng manok sa ulo. Binilhan ko na lang siya ng cap para naman paitago niya ang buhok na iyon.
d
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
