VIOLET'S POV
Mahilig din ako sa bag pero hindi ako madalas bumili. Takaw – tingin lang ako. Matagal kong hindi ginamit ang puting bag na paborito ko kaya ngayon ko lang nakita ang piraso ng papel na iyon na maingat na nakatiklop sa aking bag. Nanginig ang aking kamay. Tiyak na sa akin iyon.
Dear Violet,
Pasensiya na Mahal. Mahirap sa lahat ang magpaalam. Lalo pa sa mga nangyari sa iyo. Hindi kita naipaglaban. Dahil sa kalagayan ko at sa mga nangyari sa iyo, hindi ko alam kung paano ka iiwan at kanino ka ihahabilin. Malamang, ayaw mo rin kay Max dahil nasusuklam ka sa kanya pero kung magagawa mo siyang patawarin balang araw, sana ay buksan mo pa rin ang iyong puso para sa kanya. Tiyak kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon.
Hindi ko hawak ang aking buhay para malaman ang mangyayari sa susunod na araw. You can say NO...because I don't want you to be a widow at a young age. You can still wait for Max. Iyon lang ang huli kong kahilingan para sa iyo. Sundan mo ang iyong tunay na kaligayahan.
Huwag matigas ang ulo. Hindi lang ako ang nagmamahal sa iyo.
Lalo akong umiyak, habang hawak ang piraso ng papel na iyon.
"Paris, hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo. "Nanahimik lang siya habang nararamdaman niya ang sakit. Mag-isa lang siya. Nandito ako pero hindi ko man lang siya nabigyan ng sapat na atensyon upang labanan ang kanyang sakit. I am so sorry for myself. Niyakap ko ang unan ni Paris. Ahhhh, hindi ko iyon iiwan. Dadalhin ko iyon at iuuwi sa probinsiya. Isasama ko sa mga unan ko sa dati kong kuwarto.
"Paris, may sumpa ba ang mga salita ko..." Natigilan ako at bigla kong naalala ang tungkol sa kuwento ni Maggie at Inigo. Sila kasi 'yung karakter ko sa isang published story na pinoprotesta ni Max na patterned daw sa buhay namin ni Paris . Parang prediction ko sa mangyayari sa aming buhay.
Mabubura ko pa ba iyon eh aprubado na iyon at nai-published na bago ko pa malaman ang lahat. Anong magagawa ng luha ko?
"Violet, makinig ka. Hindi ka Diyos. Ang salita lang ng Diyos ang may buhay. Mga tao tayo at walang kakayahan ang ating mga salita na mabuhay at magkatotoo. Ikaw talaga!" Iyon ang naaalala kong sabi ni Paris sa akin dahil nga naikuwento ko sa kanya ang nangyari kay Max at Maegan sa Isang Linggong Pag-ibig. Naikuwento ko rin ang nangyari kay Max at Fiona pero natawa lang siya at iyon nga ang sabi niya.
Sa huli ay naikuwento ko sa kanya na sinugod ako ni Max dahil sa kuwentong iyon at iyon na rin pala ang huli naming kuwentuhan.
My wedding has become my worst nightmare. Umiiyak ako sa tabi ng kama habang niyuyugyuog ko ang walang buhay na katawan ni Paris. Bakit ang ilap ng kaligayahan para sa akin? My real-life – story will end up in another sad ending. I thought , Max' story with me will be the last sad story to be kept. Pero mas nadagdagan ng isang tragic ending na tulad nito.
Doon ko lang nalaman kay Tita Ana na matagal ng may taning ang buhay ni Paris. That simple nosebleed was a symptom of Leukemia. Bakit hindi ko napansin? Falling hair and black and blue bruises... Well, I was so focused on my work. I was so happy to be with him everyday and not even noticed the simple sadness that I had always bore in Paris' heart. Ang kaligayahan ko ay katumbas ng kanyang kalungkutan dahil hindi niya ako kayang iwan.
How pitiful. How greedy am I. Sana, naging maligaya siya sa piling ko.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...