TUES-WED-THURS

12 0 0
                                        

MARTES


♪Martes, Nang tayo'y muling nagkita♪



LARA'S POV



Palagi naman talaga kaming sabay ni Max sa pagpasok pero ng araw na iyon, maaga pa lang ay nagtext na siya sa akin. Hindi na ako nagtaka. BF-duties muna bago si BestFriend. Pangalawa na lang ako sa priority ni Max ngayon. Obviously, mag-isa lang akong nag-jeep. Mabuti at nakasabay ko si Indigo. Sa totoo lang, takot akong tumawid sa kalsada kaya palagi kong kasabay si Max.



"Uy, mukhang wala kang kasabay ha!"


"Oo eh. Syiempre, alam mo naman kapag may girlfriend na. Etchepuwera na si Bestfriend."


"Halika, tayo na lang dalawa ang sabay"



Sabay lang kaming pumasok ng gate. Malapit lang kasi ang bahay nina Carla sa school kaya nilalakad lang niya ito. Nanlaki ang mata ni Max ng makitang kasama ko si Indigo. Napangiti si Carla. Hindi naman kayang iwan ni Max si Carla dahil sila namang dalawa talaga ang magkasama. Inalalayan niya ang dalaga hanggang sa classroom nito.



Samantala sa loob ng classroom namin, ibinalibag ni Max ang bag niya sa tabi ng upuan ko.



"Bakit mo kasabay si Indigo?" Ano bang klaseng tanong iyon? Bakit galit siya? Hindi ako pinansin ni Max buong maghapon. Busy siya sa pagbuntut-buntot kay Carla. Magkasabay sila during recess and lunch. Magkasama sila kung saan pumunta si Carla, ke sa library o kaya sa kantin o kaya sa gym. Nakita ko naman kung gaano siya kasaya.



Habang nakaupo sila at kumakain ng tanghalian...Panay naman ang lingon ni Max sa kinaroroonan ng namin.



"Max, galit ka ba kanina kay Lara?"


"AKO? Magagalit? Hindi ah!" Napataas ang tono ng boses nito. "Naku, pasensiya ka na..."


"I understand. Kahit naman siguro ako eh maninibago lalo na kung iba ang kasama ng kaibigan ko. First time?" Tumango si Max at napabuntunghininga. Nahiya siya sa kanyang inasal. Kasama niya si Carla pero iba ang iniisip at hinahanap niya.


"Anyway, Carla... Let's have miryenda later. Daan tayo ng McRo"


"Sure...Is it still okay with you?"


"OO naman." Kinuha niya ang kamay ni Carla at hinalikan ito. Kitang kita ko na parang nakalutang sa alapaap si Max. Daig pa niya ang baba kung kiligin . Mas masahol pa siya sa aming mga babae kung lumandi.


"Alam mo, angsaya-saya ko..."


"Bakit naman?"

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon