WAKING MOMENTS WITH VIOLET

23 0 0
                                        

PARIS' POV



Hindi ko inaasahan na susunod si Violet sa probinsya. Galit na galit siya sa akin. Daig pa niya ang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng bibig niya. Halos na broadcast sa buong compound namin ang lahat ng nangyari sa aming dalawa sa Maynila. Para ngang gusto kong matunaw sa hiya. Hay talaga naman si Violet. Terible talaga! nabulabog ang buong kabahayan dahil sa nangyari. Wala akong magawa kasi nagwawala si Violet. Hindi ko mapigilan ang bibig niya sa mga sasabihin niya.



Tulog pa si Violet ng bandang alas nuwebe ng umaga. Nagtext si Tita Cherry at tinatanong kong nakaalis na daw ba kami. Nag-reply naman ako. Pagbaba ko sa unang palapag ng bahay ay nagkukuwentuhan sina Mama at Tita Nektar. Anglakas ng mga boses nila habang nagtatawanan dahil sa nangyari kagabi.



"Hindi ko akalaing..." Sabay tingin sa akin nina Tita at Mama. Sinenyasan akong lumapit sa kanila. "Ano? Nakatikim ka rin...." Ngumisi silang pareho. "Tatahi-tahimik itong si Paris pero matinik pala sa chick. Kakaiba talaga kayong magpinsan!"


"Tita, ano ba kayo? Baka marinig kayo ni Violet." Umupo ako sa bakanteng upuan.


"Nahiya ka pa sa ginawa mo..." Sabay kurot sa akin ni Mama. "O anong napala mo? Si Violet pa ang susubukan mo..."


"Anong mangyayari kay Max?" Tanong ni Tita. Umupo ako sa harapan nila at nilagyan ng suman ang platito ko. "Kapag bumalik si Max..."



Bigla akong natigilan. Alam ni Mama na darating na si Max at dito nga daw siya magpapasko. Matagal na talagang inaasam ni Max na magpasko dito sa Pilipinas. Hindi lang siya makatyiempo ng pagkakataon sa sobrang abala niya sa trabaho at sa pagbibiyahe sa iba't ibang bansa sa Europa nitong unang quarter ng taon. At ngayon siya nagpursigi na makapagbakasyon muli. Mukhang susuyuin niyang muli si Violet.



"Hindi ko naman siya pagbabawalang makipag-usap o linawin ang mga bagay – bagay sa kanila kung mayroon pa talaga. Pero iba na kapag ipagpipilitan niya ang kanyang gusto kay Violet."


"Malakas ang loob mo ngayon dahil wala pa dito si Max pero baka bigla ka namang dagain kapag nandiya na siya." Kilala nina Mama si Max. May pagka-bully din kasi siya. Porke't laking Maynila at mayaman, malakas ang tiwala sa sarili. Nauuto niya ako kahit magkasing-edad lang kami. Nakakapanglamang siya ng madalas sa akin at hinahayaan ko lang siya. Pero wala siyang nagawa ng nakawin ko ang picture ni Violet sa kanya. Grabe, inis na inis siya sa akin. Kulang na lang makipagpambuno siya sa akin. Sorry siya...


"Paris, ibigay mo sa akin ang picture ni Violet..."


"Wala sa akin..."


"Huwag mo akong..."Sabay hablot sa t-shirt ko. Alam ko ang tinutukoy niya.


"Huwag kang mamintang kasi wala akong ginagawa dito." Pinangatawanan ko talaga ang pagsisinungaling.


"Ilabas mo na! Isa..." At talagang binilangan niya ko pero hindi ko inilabas sa sobrang inis ko rin sa kanya. Nang biglang dumugo ang ilong ko ay tinigilan niya ako. Saved by the bell, hehehe!



At hanggang ngayon ay nasa akin ang picture ni Violet kaya hindi ko siya nakilala dahil nga ibang iba siya sa larawan na iyon. Tingnan mo nga naman ang produkto ng siyensiya. Hindi na masama. Atleast nag-improved talaga ang looks ni Violet. She deserved to be beautiful inside out.



Hindi namin namalayan na bumaba si Violet. Naka-boyleg lang siya at nakaputing spaghetti strap shirt. Angganda niya kahit bagong gising.



"Good morning everyone..." Lahat ay napatingin sa kanya kahit medyo pikit pa ang mga mata na bumaba ng hagdan.


"Violet, maghilamos ka nga muna doon." Nakapikit pa siya.


"Hmmm,gusto ko pang matulog...." Sumubo kaming lahat at hindi siya pinansin. Pinaglagay ko rin siya ng pagkain. Itinulak ko siya papunta ng lababo.


"Anong oras tayo uuwi?"


"Ayoko ng umuwi..." Sabi niya. "Ah , hindi..uuwi muna pala ako kay Mama" Pagmulat niya ng mata ay saka siya parang nahimasmasan dahil hindi lang ako ang nasa mesa. "Huh! hello po, Tita... Tita Nektar...hehehe!" Napakamot pa siya ng ulo atsaka dumiretso ng lababo at binasa ang kanyang mukha. Nilapitan ko siya dala ang maliit na bimpo. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang mukha.


"Kanya-kanya tayo ng uwi?" Umiling siya sa akin.


"Ipapahatid ko na lang ang kotse ko sa bahay. Sabay tayong umuwi..."Ipinulupot niya sa leeg ko ang kanyang mga kamay. Hindi nga talaga marunong mahiya si Violet. Pero gusto ko siya kapag ganito.



Sabay pa rin kaming nag-almusal kahit tapos na sina Tita at Mama. Hindi sila tumayo sa kanilang kinauupuan atsaka kami ininterview. Hindi kami nagkaila na nakatira kami sa iisang bahay.



"Mabuti at hindi ka natsa-tsambahan, Violet..."Nagkatinginan kami at napangiti.


"Dapat muna kayong ikasal bago ninyo isiping magkaroon ng anak." Sabi ni Tita Nektar.


"Tama..." Sabi ko. Nakita kong abut-tenga ang ngiti ni Violet at sige siya ng kain ng suman at higop ng kapeng barako. Wala kasi noon sa Maynila. Hindi naman nakakapasok ang mga naglalako sa mga subdibisyon. Lalabas ka pa at dadayo ka pa sa palengke para lang kakanin.


"Hindi ka ba nagpi-pills, Violet..."


"Huh, ako? Hindi no...Hindi pa nga po ako nagkakaanak ng isa, magpipills kaagad ako?"


" Mahina yata itong anak ko." Sabi ni Mama.



Para sa akin, sapat na iyon. Kung hindi pa naman talaga darating ang bata , eh di mas okay. Atleast mas mai-enjoy namin ni Violet ang isa't isa. Sinulit namin ang pagkakataon na nakauwi kaming muli sa probinsiya. Ipinasyal ko si Violet sa tabing-dagat ng bandang hapon atsaka dumaan sa kanila at doon naghapunan kasama si Tita Cherry at Mama.



Inusisa nanaman kami kung ano ang plano namin. Hihintayin ko muna si Max. Kailangan ko ring ihanda si Violet. Ayokong magkabiglaan kami. Ayokong pare-pareho kaming masaktan dahil minamadali ko ang lahat sa amin. Ayoko ring ma-pressure si Violet.



Kasal? Darating din kami dyan...


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon