VIOLET'S POV
If I were to ask about what's an ideal life for me? It would be with Max. I have a very ideal life with him a long long time ago. Ayoko nang ulit-ulitin pa ang nasabi ko na. Para lang akong sirang plaka.
But living a life with Paris is more ideal than I have ever thought. Ito ang totoo...And kidding aside, I like this even more. Iba pala 'yong buhay na iniiisp mo lang na sana ay ganito, ganoon... pero kapag totohanan na, ibang iba talaga. Walang kasamang pagkukunwari kahit may konting takot. If things would be better between us, I will commit myself to him. Iyon na lang ang kulang sa akin para tuluyan ko siyang tanggapin sa buhay ko ng buong buo at walang pag-aalinlangan.
Hindi kami puwedeng mabuhay sa pagkukunwari at pagpapraktis ng buhay-mag-asawa. Kung malalaman ng mga kamag-anak namin sa probinsiya ang mga kalokohang ginagawa namin, tiyak na mamamagitan na sila at ipakakasal kami sa lalong madaling panahon.
At sinong tangang lalaki ang papayag sa ganitong set-up? Si Paris? NO... I think, he is really out of his mind. Wala sa katinuan at nabubulagan sa akin. Mukhang naaawa lang siya sa nangyari sa akin kaya siya nandito.
"Nakita mo na ba ang mga Siberian Husky ni Mrs. Garcia?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa. Hindi ko nga alam na dog lover pala siya eh." Pumasok na siya sa loob ng kotse.
"Mukhang stress 'yung aso. Ang init kasi ng panahon dito sa Maynila. Mas nakaka-stress. Mukhang nagtitipid sa aircon, hayun...tumamlay ang kanyang mga aso. Pero okay naman sila. "
"Wow, may customer na siya..."
"I'll go and see my friend later. Kailangan daw niya ng animal doctor sa kanyang clinic tuwing T-TH-S. And I'll apply for it."
"That's better para hindi ka mainip dito."
"Hindi naman ako maiinip kasi alam kong uuwi ka sa bahay." Wow! parang bahay na niya ang kanyang inuuwian. "Mmm, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? May utang ba ako sa iyo?" Tanong niya. Hindi ko alam na sa kanya pala ako nakatitig habang kung anu-ano ang naglalaro sa aking isipan. "Kinakabahan ako sa Mama mo. Baka mamaya..."
"Bakit ano bang plano mo?"
"Gusto mo bang malaman ang plano ko?" Tinitigan niya ako pero pinigilan ko siya.
"Paris..." Hinawakan ko siya sa kanyang braso..."Alam ko na ang sasabihin niya pero hindi ko gustong marinig. "Don't say it?"
Ilang saglit pa ay nasa hypermarket na kami. Kumuha si Paris ng pushcart at sinundan ako sa loob ng store. Hindi ko inaasahan sina Red at Rose. Bakla si Red pero love interest ni Rose. And they are living together.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantikA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...