VIOLET'S DILEMMA

12 0 0
                                        

VIOLET'S POV



And I see how it silently affected Xam. My girl suddenly became more quiet . I think, she's behaving well. (Hindi naman pagiging behave ang pagiging tahimik ng bata. Siguro hindi niya naiintindihan ang sitwasyon namin kaya tahimik siya at hindi nagtatanong . Limang taon pa lang siya. ) She eats a lot and doesn't talk too much. Nag-aalala nga ako pero nawawala ang pag-aalala ko kapag nakikita ko siyang tumatawa sa harap ng tv. Masaya pa rin siya kahit palagi siya akong tinitingnan kapag may kausap ako sa phone.



But one night, she had a night mare. Iyak siya ng iyak..."Daddyyyy... Daddy...." Ako na matagal niyang nakasama...ako na nanay niya...Wow! hindi ko alam kung gaano kalawak ang naging impluwensiya sa kanya ni Max sa maiksing panahon.



"Xamxam, wake up... Nananaginip ka lang, Baby..."


"Mommy, please call daddy...I had a nightmare..." As she requested...pinindot ko ang numero ni Max...


"Max..." Narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Mahina, tila ba kagigising lang...


"Daddy, are you okay? " Iyak ulit..."Daddy, I'm scared right now..." Dinig ko ang sabi ni Xamxam at sumisinok siya sa pag-iyak. "I dreamt of you...Daddy, please come home..." Oh goshhh! Tumulo ang luha ko.


"Xamxam..." Tiningnan lang niya ako pero nag-usap silang muli ni Max. Pero saglit pa, nakita kong sumubsob ang ulo niya sa una at umiyak. They ended there conversation in tears. Niyakap niya ako ng mahigpit.


"Mommy, tell Daddy to come home... Please, Mommy..."


"Sssshhhhhh... matulog ka na..."


"Mommy, I saw daddy. He is full of blood, Mommy..." Lalo siyang umiyak...Niyakap niya ako ng mahigpit.


"Daddy will be okay, Honey."


"I love you , Mommy. I love you, Daddy..." Pabulong na lang pagdating sa daddy niya.



Para sa akin, tama ang desisyon ko. Hindi ako makikisama kay Max because we have a daughter. Ang unang mahalaga sa relasyon, 'yung relasyon namin sa isa't isa. Paano kami magiging mabuting magulang kung may defect ang aming pagsasama sa simula pa lang? Hindi puwedeng si Xam lang ang mamahalin ko...si Max muna ang una sa lahat.



Akala ko ay hihinto na si Xamxam. Naging malungkutin siya ngayon. "Mommy, did Daddy call already?" Tanong niya. Pero di ko siya pinansin. Pumapasok pa rin ako sa LPH. Tahimik din ako sa opisina. Hindi ako nakikihalubilo sa kanila simula ng lumabas ang scandal video ni Max at Elisa. Bilang respeto, tahimik sila. Kung mag-usap man sila, siguro eh na nila ipinaririnig sa akin.



Maaga akong umuuwi para makaiwas din sa pang-uusisa ng mga kakilala ko. Pag-uwi ko, wala si Xamxam sa sala.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon