MAX'S POV
It took me almost two years bago ko maisipang umuwi. First reason, tapos na ang kontrata ko at iyon naman talaga ang pinakakahintay-hintay ko sa lahat. Secondly, ga-graduate na si Xamxam sa elementary. I promised my girl to come home.Lastly, I planned to settle down.
Bago ako umalis ay inimbitahan ako sa isang interview dahil hindi kaila sa kanila na isa akong Pilipino at sikat ako sa kanilang bansa. Huling interview ko iyon sa ETC . Matagal din akong naging Host sa kanilang Fashion Channel. Pagkaminsan naman ay naiimbitahan akong panel sa kanilang America's Top Model.
"Max, can we ask you one last question?" Tanong ng Host sa akin.
"What is that?" Tanong ko naman sa host ng morning show. I was actually wearing and modeling new clothes from KCiClothing.
"When will Max Oliveros settle down?" Yeah matagal ko na ring naisip na lumagay sa tahimik. Isa iyon sa mga plano ko pag-uwi. Napabuntunghininga ako sa loob ng kotse. Matapos ng interview na iyon, walang imiik si Hill. Nakatingin lang siya sa akin.
"Ano???? I was just telling the truth? " Hindi naman ikasisira ko ng buo kong pagkatao ang pagsasabi ng totoo. Eh ano kung i-broadcast ko sa telebisyon. As if naman mapapanuod iyon ni Violet. Eh sa sobrang abala niya, magagawa pa ba niyang magbukas ng tv. Ni hindi niya tinatanggap ang mga tawag ko. Hindi nga kami nagkakausap sa Skype maliban lang sa mga anak namin.
I have enough of it. Iniwan ko ng ilang beses ang pamilya ko dahil laging sinasabi ni Hill na makakasira sila sa aking career but the truth is kapag nawala na ang kasikatan ni Maximus Oliveros, atleast alam kong may uuwian pa rin akong pamilya.
Inihatid lang ako ni Hill sa condo at iniwan na niya ako. Nakahanda na ang maleta ko pauwi. Pag-upo ko sa sopa, natanggap ko ang notification from my messenger... from Ms. Editor.
"Max, the books are now ready for release." Sabi ng mensahe. Wow! What a blessing in disguise? I am about to come home and surprise them and at the same time, I am officially an author pero sikreto lang namin iyon . I sent some of my manuscript to Love Publishing through the personal account of Ms. Melanie, boss ni Violet. Bago kasi ako umalis for abroad ay nagkausap pa kami sa ospital.
I didn't plan to send it pero para sa ikakatahimik ko lang kasi masyado akong apektado sa huling kuwento na ipinost ni Violet sa Wattpad... I made my own version of MY BESTFRIEND'S WEDDING: MAX'S VERSION... And the groom speaks after a very long silence...
"Max, may I ask you a question?" Sabi ng mensahe. Maybe out of curiousity. And I asked what is it? Tinanong ni Ms. Editor kung anong balak ko kapag nalaman ni Violet ang tungkol sa libro. Itatago pa ba niya ang katotohanan?
Hanggang sa pagbalik ko sa London, inayos ko din ang mga kuwento ko... this is to counter-attack the works of Violet. Bago naman naging writer si Violet eh ako naman ang dakilang mentor niya. Ako ang nagpakilala sa kanya ng Kdrama hanggang sa mabuo sa kanyang ideya kahit ang disenyo ng bahay na iyon sa ChocoHills.
Sa London ko na rin nalaman na inaprubahan niya ang mga librong iyon. Syiempre, babasahin muna niya bago iyon aprubahan. Mukhang personal niyang binasa ang buong kuwento.
"Max, good luck sa future ninyo ni Violet. I hope na whatever is written here is what you really hope for in the future...Hihintayin ko na maisakatuparan mo ang lahat pagbalik mo dito..." And that was two years ago din. And that story has a happy ending. No trace of bitterness at all.
Now, it is about time to go home. Sinabi din ni Ms. Melanie na magkakaroon ng book signing si Violet for her 10 years in Love Publishing. Wala lang. Nabanggit lang niya.
Nagpadala ako ng bulaklak kay Violet the following day after the interview was made. Masaya akong uuwi ngayon. Nakapamili na ako ng mga laruan para kay Mavi. Lagi niya akong kinukulit ng kung anu-ano, pati sapatos at mga libro. Libro din ang gusto ni Xamxam na ipasalubong ko sa kanya.
Inikot ko ng tingin ang buong kuwarto ko. Matagal ding panahon na dito ako namalagi. Pangalawang tahanan ko na ito.
Matagal ulit bago ako nagising sa katotohanan. Umuwi ako ng Pilipinas. Nasa loob ako ng sarili kong suite at iniisip kong ano ang sunod na hakbang sa buhay ko ngayon. May libro na ako. May book signing si Violet sa National Bookstore at sikat na siyang scriptwriter. Level up ang mahal ko. Hindi lang siya author. Scriptwriter na. Wow!!!! Busy daw siya. Sinisimulan niyang gawin ang kanyang kauna-unahang pelikula..."Secret Agent : Little Ms. Frosty" na pagbibidahan ng mga sikat ng Korean actors and actress. Sikat na siyang talaga. Sa Korea pa natanggap ang kuwento niya dahil nga daw pinagbidahan iyon ni Lee Min Ho at Sunny ng SNSD...
Confident naman ako na tatanggapin ako ni Violet. Alam kong mahal pa rin niya ako.
"Sigurado ka ba?" tanong sa akin ni Hill. Overtime na ako...overstaying pa dito sa London. Ano pa bang gagawin ko kundi umuwi di ba?
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
Kinabukasan ay handa na ako.
Sa wakas, uuwi na rin ako.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
