MAX'S POV
Sa Wattpad daw, marami kang makikilalang writers. Mga hindi kilala pero higit pa sa mga naturingang author ng mga libro na naipa-publish at nabibili sa mga bookstores. Kaya lang wala daw censorship ang mga libro dito. May mga librong bulgar ang mga usapan kaya kung gusto mong mamili eh di tingnan ang warning mula sa author. Kung medyo maselan ang eksena, huwag mo nang basahin. Read at your own risk. Be cautious na rin kung ayaw mong ma-pollute ang isipan mo sa mga makamundong usapan.
May mga author na medyo pa- mysterious at ang iba naman ay hindi nahihiyang ilantad ang kanilang katauhan sa iba. Madami na silang followers at may Book Club na sila.
"O ano, Let?"
"Sige... wala namang masama kung susubukan ko."
"Yan ang gusto ko sa iyo, Best..." Hala bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Malapit sa gawing baba. Hmm, bigla akong nagulat sa ambush kiss na iyon.
"Anong username ang gusto mo?"
"Tulad din ba iyan ng sa e-mail? " OO, username at password din. Puwede namang magkaiba eh, ikaw ang bahala. " Bigla akong napaisip.
"WHAT?" Isip, isip, isip...
"CODEVIOLET...." Okay, sige CodeViolet is good. Siya din ang nagbigay. "Password? " Hinintay ni Max ang password na ibibigay ko. Pero nakita kong nagtype na siya ng sarili niyang password. VIOLET4MAX....
"Anong password ko?"
"VIOLET4MAX" Anong ibig sabihin noon?
"Violet love Max..." Sabi niya.
"Angdaya! Ako pa? Ikaw pa ang love ko. Hindi ba puwedeng ako ang love mo?"
"Gusto mo bang palitan ko?" Tanong niya. Pero nakasimangot ako at tila ba nagtatampo. Mukhang papalitan nga niya.
"Huwag na. Joke lang naman eh."
So , tinuruan ako ni Max kung paano maglagay ng description tungkol kay Author. At ako ang author.
"Code Violet is my name.
This is my new world.
I am going to rock the Wattpad World."
"Wow, hanep! Anggaling ng description...." Sabi ni Max.
"Kailangan mo talagang magkaroon ng catchy description para may konting curiosity ang mga magbabasa."
"Naku, may magbasa naman kaya ng kuwento ko."
"Okay, tingnan mo ito, Violet." Ipinakita ni Max ang kanyang account. Maxwell ang kanyang pangalan. Itinayp niya ang pangalang CodeViolet... Hinanap ang profile pic ko atsaka pinindot ang FOLLOW... "Now, I had become your first follower... "
NI-refresh ni Max ang site at sa wakas, mayroon na nga akong follower. Ang first at only one follower ko , ang aking bestfriend. "Thanks, Max..." Bigla akong lumapit sa kanya , lolokohin ko sana siyang halikan pero sinalubong niya ang nguso ko ng labi niya. Boooom! Kumilos kaagad ang kamay niya at mahigpit akong hinawakan sa ulo. Napakapit ako ng mahigpit sa kanya. Nasa hita niya ang kanyang tablet at bigla itong bumagsak. Buti na lang... kung hindi, baka para pa rin siyang linta na nakadikit sa labi ko.
Matagal na katahimikan ang namayani sa loob ng aking kuwarto. Anong nangyari? Parang isang batalyon ng mga anghel ang biglang dumaan sa pagitan namin. Walang kumilos, walang nagsalita. Biglang naumid ang aking dila. Wala akong masabi.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...