SEEING MAX AGAIN

23 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Hindi ko pala maiiwasan si Max. Nasundan niya ako sa condo. Hindi na ako makaiwas. Nakita din siya ni Mama. Hindi ko siya maipagtatabuyan ng ganoon kadali. Pinigilan ko ang aking luha. Tinikis ko si Max. Gusto ko sana siyang yakapin. Na-miss ko din siya. Sa wakas possible na silang magkita ni Xamxam. Pero hindi ko ipinakita ang pananabik ko sa kanya.



Ipinagtabuyan ko siya. Pagkasara ko ng pinto, doon tuluyang tumulo ang aking luha. Humagulgol ako sa iyak. Lumabas si Mama , niyakap ko siya ng mahigpit.



"Mama....huhuhu"


"Violet, ano bang ginagawa mo, Anak? Patawarin mo na si Max..."


"Mama, bakit mahal ko pa rin si Max? Sa kabila ng lahat ng ginawa niya...Mama, mahal ko pa rin pala siya."


"Anak, hindi imposible dahil nagawa mong ingatan at mahalin si Xamantha."


"Mama..."


"Kapag nagkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa kanya, sabihin mo na para makita naman siya ni Cattleya. Na-miss ko na rin si Bestfriend."



Simula ng magalit ako kay Max. Hindi na rin nagpakita sa akin si Tita Cattleya. Alam kasi niya ang buong pangyayari. Nahiya na rin si Tita at hindi na rin kami nagkausap. Nang mamatay si Paris, iyon ang huli kong sulyap sa kanya kasama si Tita Ana.



Pumasok ako sa kuwarto. Tulog na tulog na si Xamxam ng datnan ko. Paghiga ko sa tabi niya , bigla siyang nagising.



"Mommy, bakit ngayon ka lang? " Saka siya yumakap sa akin.


"Sorry, Sweetie. Wanna come with me tomorrow."


"Where are we going , Mommy?"


"Ah , will see my friends. Do you want to meet them?" Tumango siya na parang naiintindihan ang sinabi ko. Balak kong ipakilala unti-unti si Xam sa mga kaibigan ko. Balang araw ay magkakabukingan kami. Pero tiyak na magugulat sila kapag nakita nila ang bata. Makita kaya nila kung sino ang kamukha niya?



Huli na kaming dumating sa get together. Hindi na rin ako pumasok dahil nga late na akong nakauwi. Gulat na gulat sila ng makita ng bata.



"Violet, sino siya?" Tanong ni Red. Takang taka si Rose at Rio.


"I am Maria Avi Xamantha Soliven. I am five years old." Sabi ni Xam na parang sasali sa Little Ms. Philippines. Tuwang tuwa sina Caroline at Jenny.


"Mabuti naman at nagpakita ka na ulit."


"Yeah..."


"Sino ba siya? Soliven...Kapatid mo?" Tanong ni Red. Pero kanina pang sinisipat-sipat ang mukha nito. "Nakikita ba ninyo kung sino ang kamukha niya?" Tanong ulit ni Red sa barkada. Lahat ay napailing. Hindi rin makapaniwala sa kanilang nakikita.


"Baby, who's your daddy?" Tanong ni Rose. Hinawakan niya si Xam.


"My daddy... My daddy is Max Oliveros..." Lahat ay halos napanganga sa sinabi niya. Expected ko na iyon nga ang mangyayari.


"Violet, paano nangyari ito?" Tanong ni Jenny. Pati si Caroline ay gusto ring magtanong. Mabuti at wala si Sadam. Tiyak na magagalit na naman siya kay Max. Kinuha nina Rose at Rio si Xam at pinaupo sa tabi nila. Umorder ng pagkain para sa bata . Nakita niya nagkukuwento na naman ang bata kay lumapit na ito. Hindi muna umorder ng alak ang magkakaibigan dahil kay Xamxam.



Wala doon si Max. Mabuti naman.



"Alam mo bang nandito sa Max?" Tumango ako.


"OO, alam ko. Nagpunta siya kagabi sa condo."


"Nakita na ba niya si Xam?" Umiling ako.


"Hindi mo sasabihin, Red."


"Violet..."


"Hindi pa ako handa. But anytime soon, hindi ko mapipigilan ang pagkakataon kung magkita silang mag-ama. Ahh, sana ay maging handa ako."


"Violet..."


"You are still meant to be, afterall." Sabi pa ni Red. Gusto ko na ring maniwala sa sinabi niya. Nakita kong humiram ng ballpen si Xamxam. Ipagmamalaki na naman niya na marunong na siyang magsulat. Tama nga ako ng hinala. Isinulat niya ang kanyang pangalan sa isang tissue. Mabuti na lang at makapal-kapal ito.



Nagkatinginan ang lahat. MARIA AVI XAMANTHA... Max...



At ang kanyang nickname... Xam, kabaliktaran ng Max...



Hindi talaga siya mawawala.



Masaya naming pinakanta si Xamxam. Sumayaw din siya at naaliw naman kaming lahat. Siya ang kauuna-unahang bata sa barkada kasunod ng mga anak nina Red at Rose. Hindi na kami nagtagal. Maaga kaming umalis ni Xam. 

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon