MAX'S POV
Dapat sana ay masaya na ako at kuntento sa nangyari kanina. Dream come true ang paglapit k okay Maegan. Hindi ko kakayanin iyon kung hindi lang dahil kay Violet. Well ganoon ang hitsura ni Violet, madami naman siyang kaibigan. Yung mga taong hindi mo ini-expect na magiging ka-close niya tulad ni Maegan. They are total opposite pero tingnan mo, isang sabi lang ni Violet, pinansin niya kaagad ako.
Hindi ko alam kumbakit ako nainis ng iwan na lang kami ni Violet. Akala ko pa naman ay kasama ko pa rin siya atleast hindi awkward. Hindi nakakahiya at kahit paano ay may back up ako.
"Bakit ba kanina ka pang hindi mapakali, Max? " Tanong ni Maegan. Hinahanap ko kasi si Violet sa canteen habang nakapila kami. Baka mamaya ipinagtutulakan na naman siya ng mga kaklase kong lalaki at pinagkakatuwaan habang may hawak na sopas. Baka mamaya , makadisgrasya na naman siya ng ibang estudyante, mahirap na.
"Ha a e, wala Maegan." Kunwari kong sabi sa kanya.
"Sana isinama mo si Violet." Sabay tingin ko sa kanya.
"Okay lang ba?" Napakamot ako. Mukhang wala akong maitatago.
"Kasi alam kung halos magkarugtong ang mga bituka ninyo si Violet kaya it has never been a problem to me. The more, the merrieir." Sabi niya. Pero iba ang dating ng pagkakasabi niyang iyon. Parang sarcastic lang.
Nakita ko naman siya sa kantin kasama sina Rio at Caroline. Nakayuko lang siya at nakasalumbaba habang kumakain. Kinakausap siya ng dalawa pero nakasimangot siya at bigalng ibinagsak ang tinidor na hawak. Mukhang galit si Violet.
Sa klase na lang kami nagkita ni Violet. Malayo pa lang ay nakita kong nakasimangot na siya. Kakamut-kamot ako. Mukhang na-badtrip si Friendship.
Pati rin ako, hindi ko alam kumbakit kailangan kong mainis dahil hindi kami magkasama buong maghapon. Wala lang. Hindi ko kasi maipaliwanag. Naiinis ako ng walang dahilan. Naaasar ako at gusto kong mag-power trip dahil wala akong ibang kayang inisin.
Magkatabi na kami ni Violet pero nagkatinginan lang kami. Walang nagsasalita at walang tumitingin ng diretso sa isa't isa.
"Sorry, Violet."
"Huh!Para saan?"
"Iniwan kita kanina dahil kasama ko si Maegan."
"Naku, wala 'yun . Tama lang. Masanay kang wala ako sa tabi mo. Sarili mo ng diskarte 'yon para sagutin ka through your own effort. Congratulations!"
"Nakakakaba, Violet. PInagtitinginan nila ako dahil kasama ko si Maegan.Iba pala talaga kapag sikat ang girlfriend mo."
"WHAT! Girlfriend mo na..."TUmango ako.
After that tumahimik na si Violet. Patay malisya siya sa mga pangyayari.TInakasan niya ako kanina at mag-isa akong umuwi sa bahay. First time kong dumiretso uwi habang papalabas si Mama dahil pupunta siya kina TIta Cherry.
Sumabay na lang ako pagkababa ko ng aking bag.
Abala si Violet ng datnan ko siya sa loob ng kanyang kuwarto. Seryoso, ni hindi man lang niya ako napansin na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
"Bakit iniwan mo ako sa school? Kanino ka sumabay?" Tanong ko sa kanya.
"HUh! Naisip ko kasi na baka may lakad pa kayo ni Maegan o baka ihahatid mo siya."
"Okay lang sa kanya na kasama ka."
"Ayoko nga.Baka ma-out of place pa ako."
"Hindi noh."
"Hindi maganda na chaperon mo ako doon."
Hindi ko alam kumbakit parang pabalang kung sumagot si Violet na parang galit at naiinis samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Umupo na lang ako sa sopa at nagbasa ng libro sa Wattpad.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...