VIOLET'S POV
Nasulyapan naming papadating na ang mga asungot sa buhay ng mga bida... sina Olivia, El Xandria at Paolo, mga pangalan na kakabit ang pagiging bully sa campus at sa loob ng klase namin.
"Ayyy! Tingnan mo nga naman oh... Ang mag-bestie na NERD at LOSER, haping – hapi." Sabay apir nina Xandria at Olivia.
"Syiempre naman, sino pa ba ang magkasundo eh di 'yung parehong abnormal?" Sabay tawa pa ng malakas.
"Tingnan mo nga ang hitsura niya, tirik na tirik ang buhok, parang araw lang. Daig pa niya ang pinya na tinubuan ng mukha. " Sabi ni Olivia.
" Ehem, at ang looks... Buloook! Glasses, nerdy type... Look here!" Sabi ni Paolo at sinipat mabuti ang mukha ni G-Max.
"Huwag mo na silang pansinin" Niyakap ko ang mga libro ko. Ayoko kasing nakikita ang mga ito. Minsan kasi natatakot din ako sa kanila.
"Ano ka ba? Dapat sa kanila tinuturuan ng leksyon?" Nanggigigil na sabi ng bestfriend ko.
"Eh anong gagawin mo?"
"Dito ka lang..." Tumayo si Max pero mabilis siyang sinikmuraan ni Paolo. Dumating din si Ambrose kaya lalong lumakas ang loob ng binata.
"Abah, papalag ka na ha!" Hinila ang eyeglasses ni Max saka ito pinagpasa-pasahan. Malabo na talaga ang mga mata ni Max. Mataas ang grado ng kanyang mga mata kaya makapal din ang lens ng kanyang salamin.
"Ano ba? Ibigay ninyo 'yan kay Max. Ikaw, Olivia... Isusumbong kita sa Mommy mo." Nahintakutan ang dalaga. "Bullivia ka talaga!" Ihahampas ko sana ang mga libro ko sa kanya.
"Pssst! Paolo, ibigay mo 'yan..." Ilang beses na kasi silang ipinatawag sa Guidance Office. Hindi na natuto itong si Olivia. Consultant Psychologist pa naman ang nanay niya pero hindi na inisip ang mga kilos niya sa loob ng campus.
"Iwan na nga natin ang dalawang alien na 'yan. Alam naman ninyong may sariling mundo sila kaya huwag na natin silang pag-aksayahan ng panahon..."
"Balik na kayo sa planeta ninyo!" Malakas na sigaw ni Xandria at itinulak niya ako. Napaupo ako sa sahig habang kakapa-kapa naman si Max at patuloy na hinahanap ang kanyang glasses. Hindi sinasadyang natapakan pa niya ito at nagkaroon ng lamat ang isang salamin nito.
"Di bale, okay pa naman ito..."
"Naku, Best... Di ba, mahal yan?" Tumango si Max.
"Don't worry. Halika, nasaktan ka ba?" Hinila niya ako sa lapag. Pinagtinginan kami ng mga nakatambay na estudyante doon pero hindi nila kami sinaklolohan. Alam naman nila kung gaano kalakas ang mga bully na iyon. Mahirap ng ipatawag sa Guidance Office dahil sa bullying.
Habang may buhay, may kontrabida.... Huwag silang alisin sa kuwento dahil pandagdag sila para panggigilan ng mga silent readers. Later ko lang nalaman na may so called silent readers din pala. Nagbabasa sa WATTPAD na hindi mahilig magbigay ng komentaryo. Mga mahahalagang sangkap sila bilang panggulo...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...