DOC'S POV
Hindi ko na siya madalas makitang bumababa ng bahay simula ng mawala siya sa taniman. Hindi man lang siya mamintana para sana makita ko siya. Talagang masama ang loob niya sa amin ni Insan. Ni hindi ko man lang namukhaan si Violet. Lalo kasi siyang gumanda. Mas nakakabighani ang kanyang ganda ngayon.
Sa tuwing nag-uusap kami ni Max tungkol kay Maria Violeta or MarVi for short, proud na proud siya sa kanyang girlfriend. Kahit ang totoo, mag-bestfriend sila . "Akala ko ba bestfriend mo si MarVi?"
"OO... Best friend ko."
"Hindi mo man lang inisip na matalik mo siyang kaibigan."
"Mahirap maghanap ng girlfriend na kikilalanin. Atleast si Violet, kilalang kilala ko na at original ang kanyang beauty inside out." Parang gusto kong humagalpak sa tawa. OO kasi panlabas na anyo lang ni Violet ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagsamahan nila ni Violet sa Maynila. Pero nang makilala ko ang Violet na inosente sa ilang mga bagay lalo na sa buhay-probinsiya, doon ko siya nagustuhan.
Nakakatuwa kasi siya. Adventurous siya. Susubukan ang mga bagay na hindi pa niya nasusubukan. wala siyang takot bagkus palagi siyang nakangiti kaya talagang napapatalon ang puso ko tuwing naaalala ko si Violet.
Nabigla ako ng isang umaga na lang ay umalis na pala si Violet. "Good morning ,TIta Cherry" Bati ko sa babae ."Gsing na po ba si Violet?" Pero umiling isya at napaupo ako sa isang baitang ng hagdan. Nalungkot ako ng malaman na lumuwas na pala siya ng Maynila.
"Hay naku, hindi kayo nagpang-abot ni Violet. Kaaalis lang niya. Lumuwas na pa-Maynila." Alam kong hindi naman talaga siya magpapaalam sa akin kahit naging mabait naman ako sa kanya.
"Ah ganoon po ba?"Pinag-isipan ko din kung tama ang gagawin ko.
Umalis sina Max at Fiona kasama si TIta Cattleya upang magpakasal sa ibang bansa. Bumalik lang talaga si Max dito upang magkaroon ng closure ang relasyon nila ni Violet. Nakita ko kung gaano nahirapan si Violet.
"Insan, i-update mo naman ako tungkol kay Violet pagdating ko sa London." Bakit pa? Eh pinili niya si Fiona. " Please naman, hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito." Nakita ko din kung paano naipit si Max sa sitwasyon nila ni Violet. Hindi siya makapalag sa kondisyon ni Fiona dahil buntis daw siya. Eh paano siya hahabulin ni Violet.? Kahit may nangyari sa kanila noong dumating siya ay hindi rin iyon garantiya na magiging sila pa rin ng dalaga.
"Max, paano kaya kung ipaubaya mo na lang si Violet sa akin?" Seryoso kong sabi.
"Insan naman..." Nakiusap pa si Max pero hindi ko siya pinagbigyan.
"Palayain mo na si Violet. Makuntento ka na lang sa buhay mo ngayon kay Fiona." Umiiyak si Max na parang bata. Para bang inagawan ko siya ng laruan. Humahagulgol siya habang nag-uusap kami.
"Insan hindi ko kaya..." Baliw talaga itong si Max. Ngayon niya sasabihing hindi niya kayang kalimutan si Violet. "Parang mamamatay ako" Wala naman akong magagawa para sa kanya kundi ingatan si Violet. Sa ikli ng aming pagkakakilala nakita ko kung paano siya masaktan. Iniyakan niya si Max. Hindi niya naitago sa akin ang naramdaman niyang sakit. TIyak kong umuwi si Violet sa probinsiya upang makalimot pero lalo siyang nasaktan dito. Sinundan siya ni Max pero kasama si Fiona.
Nagpaalam ako kay Mama, ilang araw makalipas umalis ni Violet. Pinag-isipan kong mabuti ang aking desisyon. Nakiusap ako kay Mama.
"Mama, mahal kop o talaga si Violet."
"Anak, mahal niya si Max. Paano ka naman?"
"Mama, sabi mo noon...ang nagmamahal ay hindi naghihintay ng anumang kapalit. Iyon ang tunay at wagas na pagmamahal. Hindi ko ba iyon puwedeng gawin para kay Violet?"
"Anak, ni wala ka ngang naging girlfriend...Paano mo ..."
"Mama, ito na ang pagkakataon upang matuto ako...hindi man niya suklian ang pagmamahal na ito, sapat ng 'yong makasama ko si Violet." Niyakap ko si Mama ng mahigpit. Alam niya na isang malaking pabor ang hinihingi ko sa kanya.
Sinamahan ako ni Mama kina TIta Cherry upang magpaalam. Para kaming namamanhikan in the absence of Violet.
"O, Tatiana, Doc... Mukhang seryoso yata ang inyong sadya."
"Cherry, pasensiya ka na at isinama ako ni Paris dito sa inyo para sana kausapin ka."
Seryosong nakinig si TIta Cherry sa mga sinabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Saka siya ngumiti sa akin.
"Nabihag ka din pala ni Violet. Sana naman eh hindi ka nabubulagan, Doc."
"Hindi po, TIta..."
"Hindi kita pipigilan, Paris. Gusto ko pa ring igalang mo si Violet bilang babae. Hindi ko hawak ang puso ng aking anak at hindi ako puwedeng magdesisyon para sa kanya. Puwede kang lumuwas sa Maynila para sundan siya. Walang problema sa akin. "
"Anak, sana naman ay hindi tayo magkakaroon ng problema . Puwede kang magbalik dito. Tatanggapin kita dito, Anak."
"Mama..."
"Gusto ko ring maging maligaya ka . At kung kaligayahan mo si Violet, hindi ako magiging hadlang sa inyong pagmamahalan. Maging matapang ka. Maging tunay na lalaki kung sakaling kaharapin mo ang kabiguan mula sa kanya."
"Yes, Mama..."
Niyakap ko ng mahigpit sina Mama at Tita Cherry. Kung papayagan ako ni Violet na tumira sa kanyang bahay, may basbas si Tita Cherry basta't alam ko ang aking limitasyon. Wala pa kaming relasyon ni Violet kaya wala akong karapatan sa kanya.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantizmA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...