RED'S POV
We know Violet well. Alam namin ang history nilang dalawa ni Max. Hindi namin masisisi si Violet. All this time, she has been so loyal to Max and just like any other story, pandagdag sa mga babaeng tanga at umasa at naghintay ng karakter ni Violet. Pa-fall kasi itong si Max. Imagine mo, hindi na siya nahiyang sumimple sa mansion namin at doon pa ginawaan ng kahalayan si Violet.
They are madly in-love with each other at that time. Who could ever forget those high school year. Walang katumbas at walang kapantay ang saya ng high school days because we all have our own defeat and success stories to tell.
I am a gay but definitely still a man. Rose fell for me and we are living together. Living and loving together. We have plans of getting married soon.
Kahit tapos na kami sa pag-aaral at lahat ay nagtatrabaho na, hindi pa rin nmin nakakalimutan ang Barkada Night which is a Friday night out with friends. Syiempre, nadadagdagan kami. Lately, isinama ni Sadam ang kanyang girlfriend na si Cielo at hindi namin inaasahan ang pagdalo ni Violet.
Syiempre, iba na si Violet ngayon. Mas madalas na namin siyang kasama sa gig ng barkada. Naku, napadami ang inom niya dahil nag-flashback na naman ang alaala ni long lost love. Hay, kahit kami rin ay na-bad trip kay Max. Who would ever thought that Max will be the greatest bully in Violet's life? Hindi naman tama ang ginawa niya. Paasahin ba naman nia ang kanyang bestfriend. Ay kawawa si Inday. Kalurkey! Nag-alsabalutan at umuwi ng probinsiya. Angtagal namin siyang hindi nakita. Heto namang si Sadam, nagdala ng girlfriend kung kailang dumalo din si Violet. Alam namin na kahit may gf na siya, Violet is irreplaceable in his heart.
But what we see now, Violet with Max's handsome cousin... OMG! Nakalimutan kong nandoon si Rose. Nagalit siya sa akin at halos sabunutan niya ako sa kotse. Hindi niya ako pinansin hanggang matapos kaming kumain kaya ang siste, ako ang naghugas ng plato.
Napansin ko lang, nagkunwari pa si Guy na hindi sila magkasama. At si Violet, biglang nag-blush sa harapan namin. ang babaitang ito at marunong ng magblush. Kunwari pa...
Inimbitahan namin sila sa darating na barkada night pero ilag ngayon si Violet. Busy daw siya.
Nang gabing iyon, naka-online ako at bigla na lang nag-popped up ang chatbox ni Max. Wow! Ang pinaka-busy sa lahat, si Max...
MESSENGER CONVERSATION
Max: Kumusta na, Red?
ME: Okay lang, Max.
Mukhang hindi ka na busy ha! In fairness, ikaw pa ang nakikipag-chat sa akin ngayon
(Dati kasi, anghirap makipagkuwentuhan sa kanya. )
Max: Nagkakaroon pa ba kayo ng Barkada Night?
ME: OO naman. Naku, nagsama si Sadam ng gf. Nagkataong nandoon si Violet.
Max: Abah, umaattend na rin pala si Best. Buti naman at gf na siya. Atleast hindi si Best ang kukulitin niya.
ME: Syiempre, simula ng ikasal ka kay Fiona...
Max:Speaking of Kasal, hindi natuloy ang kasal namin ni Fiona. Mabuti na lang at hindi natuloy ang kasal ko sa kanya.
ME: Balita ko nga buntis daw.
Max: False alarm... Muntik pa akong mapikot.Pati pala dayuhan marunong mamikot.
ME: Does it mean, makikipagbalikan ka kay Violet?
Max:OO naman...
ME: May pinsan ka ba, Max?
Max: Bakit mo naitanong?
ME: Paris ba ang pangalan?
Max: OO, pinsan ko nga? Saan mo siya nakilala?
ME: Magkasama kasi sila ni Violet kaninang nag-grocery.
Biglang nag-sign off si Max. Hindi na siya nagpaalam. Sa tingin ko, something is going on between Violet and Paris. Natuloy man o hindi ang kasal, good news na nakakausap at nakakangiti na ngayon si Violet.
Kung ako ang papipiliin... kay Paris na ako.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...