VIOLET'S POV
Hindi ganoon kadaling ibalik sa normal ang buhay lalo na ng muli kaming magkalayo ni Max. After a month or two, my life is still coping. Hindi na bumalik si Mama sa probinsiya. And Mama Cattleya was even more busy abroad but this time, may communication pa rin sila ni Mama.
After a year when things went back to normal. Busy – busy... type dito , type doon. Seminar dito, seminar doon. Aral, gawa ng kuwento, post and update... just to keep me busy but at the end of the day, I ' ll be thinking about Max.
"I'll wait your you to come home with me." Ang daya niya. Gusto niya, ako lang ang faithful sa kanya. Kinausap ako ni Mama tungkol sa naging desisyon ko.Alam din niya na si Max ang nakabili ng bahay.
"Anak, nagawa mong patawarin si Max kahit pa sa pinakamabigat niyang kasalanan sa iyo. Kapag naging mag-asawa kayo, kayo ay magiging isa at hindi ninyo i-gi-give up ang isa't isa dahil lang sa ganitong problema. Lahat ay nangangarap ng buong pamilya. Kaya mo namang buuin ang pamilya mo kung patatawarin mong muli si Max. Nagsisikap naman siyang magbago. Walang di kayang gawin ang pagmamahal. Nangyari nag iskandalong iyon noong mga panahong sinusuyo ka ni Max. You're not even in a relationship then. Matagal ka niyang sinusuyo. And was also being tested, hindi lang ikaw."
"Mama..."
"Violet, wake up. I don't speak in behalf of Max. I still want you to be happy with him. You still deserved each other. Don't you think so? Alam kong hindi mo balak maghanap ng iba. At si Max... si Max lang at wala nang iba..."
Niyakap ko ng mahigpit si Mama...Natauhan ako. I am beginning to regret kumbakit ko ipinagtabuyan ng ganoon kabilis si Max na parang hindi rin ako naging mahina. Okay lang sana kung ako lang ang nakakaranas ng hirap. Pati si Xam ay nahihirapan din. Pati ang walang malay na si Mavi ay hindi pa nakikilala ng kanyang ama.
"Dalawa na sila. Maaatim mo bang na di makilala ni Max si Mavi?" My Little boy looked totally like Max... His features are really the same as his. And I really want his innocent face.
The night , before Max has to leave for London, I went to see him. I knocked at his door. Someone opened it but when I entered the unit, the lights were off. " Violet, wala akong mukhang maipakita sa iyo ngayon lalo na sa mga nangyari. Alam kong sinabi na sa iyo ni Hill..." Umiyak si Max. But he pulled me and blindfolded me. Saka lang niya ako pinaharap sa kanya. I can not see him.
"Mabuti ng ganito. Hindi ko makikitang kamumuhian mo ako. Kung ayaw mo akong makita, then let it be. Hayaan mo lang na muli kong ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal, anuman ang dahilan kumbakit mo pa ako pinuntahan ngayon."
Hindi niya ako tinanong kumbakit ako nandoon. Pero instinct ng mga katawan namin ang tawag ng laman... makamundo man dahil wala kaming sinumpaang pangako sa harap ng Diyos... kasalanan at immoral pero mahal ko si Max. And everything just happened so fast in the dark. I almost overslept pero nagising pa rin ako. I dared not see Max. Baka umiyak ako at pigilan siya. No, ayoko. He has to learn his lesson. Ayoko siyang pigilan. Hinding hindi ko siya pipigilan. I walked naked. I went to get my clothes even in the dark.
"Nasa sopa ang damit mo." Sabi ni Max . Nagising siya ng bumaba ako sa kama. "Ingat ka pag-uwi. Hindi na kita ihahatid."
And there came Mavi in our life. Masaya si Xamxam, pati si Mama. Nakiusap ako kay Mama Cattleya na huwag sasabihin ang tungkol dito. Kinausap ko si Xamxam, almost 6 years old na siya at matured kausap kasi nga siya lang ang bata dito sa amin.
"Let's just surprise Daddy when he gets back , okay..." Sabi ko kasi , huwag mo nang sasabihin kay Max kasi baka ipagmalaki niyang may baby brother na siya. Baka mamaya, bigla kong makita si Max sa pinto namin.
I went back to my graveyard shitty activities (Pero hinay-hinay na ng konti dahil nga sa ikalawa kong anak ) para lang nakatulog ako ng hindi nag-iisip. I spend most of my time making stories for my Wattpad readers at iba pa rin 'yung ipina-publish ko into books. Simula ng hindi ko na nakakatabi si Max. Lalo akong nahihirapang gumawa ng tulog. Hirap na hirap akong matulog. Kahit katabi ko sina Xam at Mavi... iba pa rin kung si Max ang katabi ko.
Pinagtuunan ko ng pansin ang mga post at comments ng aking mgawattpad followers to get through the night. That's the time when I met SnowJinri...

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...